Ang Pagkakaibigan

15 1 0
                                    

Pagkalipas ng isang Linggo ng nasa Library si Francis ay may tumabi  sa kanyang dalawang babae. Sa mahabang mesa nakaupo at tahimik na nagbabasa si Francis, walang ano-ano ay nawalang bigla sa pwesto ang kanyang libro ng dadamputin niya ito..... asar at inis na ang binata dahil may sumi-sitsit sa kanya at kapag nilingon niya ito ay wala namang tumawag sa kanya o gustong kumausap at para mapagsabihan din niya dahil naaabala siya ng sitsit at ingay na nililikha nito.... muli niyang kinuha ang ang kanyang gamit at aaktong lilipat ng ibang mesa ngunit nagbago na naman ang pwesto ng kanyang gamit, (medyo naasar na si Francis at hindi natatakot mukhang may lomoloko na sa kanya) maya maya ay nagsalita ang babae na kunyari'y siya ang kinakausap hindi pala, ang isang babae pala na katabing kanan ni Francis ang kinakausap ng babae sa gawing tapat niya sa kaliwa.

Sambit ng dalaga sa gawing tapat ni Francis....

" ito ba ang hinahanap mo?

nakatingin at sabay abot ng babae sa katabi ni Francis sa isang babae.... asar na ang binatang si Francis akala niya siya ang kinakausap... kaya ng aktong muli niyang damputin ang lahat ng kanyang mga gamit upang tuluyang lumipat ng ibang mesa ay nahuli at pigil-hawak ni Francis ang braso ng babae sa tabi niya na muntikan ng ipasa sa katapat na babae ni Francis ang libro at....

"Hulika ka! Kayo pala ang makukulit na guma-gawa sakin ng ganito?

 wala ba kayong magawa?

at ako ang pinagtri-tripan nyo?"

"Hmmmn... Teka! parang nakita ko na kayo, saan nga ba? huh! sa baba ng sapa kyo yun diba?"

Ahhhh! aaaaaaarhay! wika ng nasaktang si Aliyah, di makatingin ng deretso sa hiya ang dalawang dalaga.

sunod-sunod na tanong  ng binatilyo habang papigil na mahigpit at gigil na hawak sa braso ng babae kasabwat ng kasama pang isang babae.....( Hala ka Francis may mukhang may stalker ka hahaha)

            Di nagtagal ang tagpong ito ang nagugnay para maging magkakaibigan sila, nais pala ng dalawang dalaga makuha ang atensyon ng binata para maging kaibigan nila. At di sila nabigo naging kaibigan nila si Francis. ( mabait naman pala itong si Francis eh)

 "Aliyah! halika, punta tayo, tignan natin kung andoon na si 'Cis kunwari ka pa eh! alam ko naman na gusto mo, wag ka ng magtago sakin obvious naman eh type mo siya eh! ano pa at gustong gusto mo pangungulit natin kay 'Cis, sure ako buo na araw mo pagnakita mo siya" wika ni Lora.

Hay naku! Lora, hindi ah!? masarap lang siyang kulitin ang sungit at suplado kasi parang babae pag meron hehehe, ok ge' Lets go!",  namumulang sagot ni Aliyah

Half day ang klase ay nagkita kita ang mag kakaibigan sa burol sa ilalim ng puno. Naabutan ni Aliyah at Lora si Francis na nakahiga at pinapanood ang kalangitan... tumabi ang dalawang magkaibigan.

"Hoy Francis andito kana pala?!" wika ng dalawang dalaga.... Nag tulog-tulugan ang binata at sabay niyog-yog ang katawan ng binatang si Francis ng dalawang dalaga.

"Francis! Hoy! gising andito  na kami daya naman oh! kanina kapa ba dito? daya talaga di mo kami sinundo ni Aliyah"  wika ni Lora.

"Okay lang yan! nauna nako baka kasi matagalan pa kayo hehehe ... hep! hep! wag kayong magulo, naguumpisa palang ang panaginip ko eh! istorbo kayong dalawa hehehe" sagot ng binata.

Magic true LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon