One

977 20 1
                                    

First day of school. Kaya expected na halos lahat ng mga estudyante at professor ay busy. May mga estudyante na abala sa paghahanap ng assign rooms nila at pag-aayos ng schedule. Good thing bakasyon pa lang naasikaso ko na ang sa akin. Prente akong nakaupo sa ilalim ng punong mangga kong saan madalas kaming tumambay ng mga kaibigan ko. Nguya-nguya ko yong bubble gum na binili ko sa tindahan sa labas ng university.

"First day of school pero tinatamad pa rin akong pumasok. Parang hindi pa nagsisink-in sa utak ko na pasukan na. My god! Bitin masyado ang bakasyon. Nasan na ba si Earl at Nicholei?" ani Jaz

Jasmine Austria , she's my girl bestfriend. Nagkakilala kami noong grade five. Nang magtransfer sya sa school na pinapasukan ko noon. Naging magkaibigan kami at hindi na naghiwalay pa hanggang ngayong college.

"Sugar" maikli at tamad na bigkas ni Iñigo.

Bahagya kong sinulyap ang lalaking nakasandal sa may puno.
IñieL Gorill Vergara is his name short for Iñigo. He is cold like an ice. Heartless and mysterious type. Never pang nagkagirlfriend at kahit kailan ay hindi pa nagkainteres sa isang babae.

Nakita ko ang pag-irap ni Jaz sa sinabi ni Iñigo.

"Seryoso talaga si Nicholei sa babaeng yon? He's wasting his time chasing that girl. Obvious namang hindi sya gusto noon eh. Duh! Manhid ba sya o tanga-tangahan lang." ani Jaz

Napailing na lang ako sa sinabi nya. She's always like that. What should i expect? Prangka at may pagkasadista.

Wala namang sinabi si Iñigo. Bihira lang syang umimik kapag kami-kami lang. Kapag nandyan sina Nicholei tsaka lang sya nagsasalita.

"Were here." anang boses

Sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa mga dumating. Magkaakbay pa ang dalawa at ngingisi-ngisi. Napataas ang kilay ko ng makita ang ngiting tagumpay ng pinsan ko.

Nicholei Ridz Fuentes , he's my cousin. Kapatid ng Daddy nya ang Mommy ko. Ayoko mang aminin pero may mongoloid akong pinsan.
Umupo si Nicholei sa tabi ni Jaz samantalang si Earl ay sa tabi ko naman. Inakbayan ako ni Earl!

"Hi baby" bati sa akin ni Earl

Kinindatan nya ako. Napangiwi si Jaz sa ginawa ni Earl samantalang si Nicholei nama'y mas lumawak ang pagkakangisi.

Earl Justin Buenavidez , playboy , Habulin ng babae , mabango , gwapo , mayaman. Magkakababata silang tatlo nina Nicholei at technically ay magpapartners in tandem. Dahil marami silang napagkakasunduang bagay kaya hindi na sila naghiwa-hiwalay pa.
Last year lang namin nakilala ni Jaz si Earl at Iñigo. Pati na rin si Driley na sa ibang school na nag-aaral ngayon.

"Kelan ba opening ng basketball?" maya-maya'y tanong ni Nick kay Iñigo

Lumingon si Iñigo sa mongoloid kong pinsan.

"Bukas! Marami raw magtatry-outs." seryosong wika ni Iñigo

"I've heard may mga sasali na galing Law department." sabi ni Earl.

Hindi ko pinakinggan ang usapan nila. Hindi naman ako interesado sa basketball. Wala akong alam dyan at wala akong balak alamin.

"Sana manuod si Sugar bukas sa opening." wika ni Nicholei

Tumigil ako sa pagnguya ng bubble gum dahil sa sinabi nya. Kilala ko yong Sugar. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya gayong para ng aso ang pinsan ko sa paghahabol sa kanya. Crazy!

"What do you think then? Ang babaeng grade conscious saan kaya pupunta?" pang-aasar ni Iñigo

Lumalabas lang ang pagiging mapang-asar nya kapag si Nicholei na ang usapan.

The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon