Five

185 5 5
                                    

Seven years old ako noon ng malaman ko na hindi pala masaya na mapabilang sa angkan namin. Mayaman ang pamilya namin, maraming negosyo ang magulang ko, nasusunod lahat ng luho naming magkakapatid, nakapag-aaral sa magandang eskwelahan. Kami yung mga batang ipinanganak na swerte sa buhay dahil hindi kami makakaranas ng hirap. Yun ang akala ko noon.

"Missy nakita mo ba itong bagong barbie ko? Binili ito ni Daddy sa US." pagmamayabang ko sa kalaro ko

"Talaga? Buti ka pa, si Papa kasi sa Divisoria lang bumili. Saan ba yang US na yan? Malapit lang ba?" inosenteng tanong ni Missy

Si Missy ay anak ng driver namin. Madalas na siya ang kalaro ko dahil siya lang ang nakakatiis sa ugali ko.

"Malayo yun kasi sasakay ka pa ng eroplano. Gusto mo bang hiramin?" wika ko

Tumango siya. Mabilis kong iniabot Kay Missy ang manika.

"Hoy mga panget ano namang nilalaro niyo?" singit ng pinsan kong si Nicholei

"Wala ka na doon." sagot ko sabay irap

Hindi ako pinansin ni Nick dahil nakatuon ang paningin niya kay Missy na masaya ng nilalaro ang manikang ipinahiram ko.

"Gusto mo ba ng ganyang Barbie?" tanong ni Nick kay Missy

"Oo pero malayo daw bilihan nito eh. Sa US pa." ani Missy

"Sasabihin ko kay Mommy na bilihan ka pero pakakasalan mo ako paglaki mo." ani Nick

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng pinsan ko. Pitong taon lang siya pero alam na kung paano pumorma.

"Sige ba pero bibilhan mo ako ng ganitong barbie ah?" inosenteng wika ni Missy

Natigil ang pag-uusap ng dalawa ng may marining kaming nagsisigawan sa salas nina Nick. Pare-parehas kaming tatlo na nagpunta sa may salas para tingnan kung anong nangyayari.

"Ma hindi nyo pwedeng gawin sa akin ito. Mahal ko po si Anton , pakiusap hwag nyong gawin ito." halos lumuhod na si Ate Rebecca sa paanan ng kanilang Ina.

Kapatid ni Nick si Ate Rebecca. Mas matanda ito sa amin ng halos tatlong ulit ng edad namin.

"Matagal ko ng sinabi sayo na tigilan mo na ang pakikipagmabutihan mo sa lalaki na yun. Pero hindi ka nakinig , anong mapapala mo sa tulad niyang isang hamak na hardinero lamang? Ni hindi ka niya makakayang buhayin Rebecca." wika ni Tita Alma

"Huwag nyo pong maliitin si Anton Mama , mabait po siyang tao. Mahal niya ako." ani Ate Rebecca habang umiiyak

"You know our rule right? Wala kang magagawa Rebecca. Malapit na ang kasal mo. Bernard is the right guy for you." anang wika ni Tita Alma

Lalong napahagulhol si Ate Rebecca.

"Hindi ako magpapakasal sa kanya. Kay Anton lang ako magpapakasal." sigaw ni Ate Rebecca

"Then wala na akong magagawa sayo Rebecca. Anong gusto mong gawin namin kay Anton at sa pamilya niya? Gusto mo bang subukang magalit pa ako?" pagbabanta ni Tita Alma

Hindi na nakapagsalita pa si Ate Rebecca, napuno ng iyak ang buong salas nila.

"Hinding-hindi ako susunod sa sasabihin nina Mommy. Hinding-hindi." pangako ni Nick sa sarili niya ng mga oras na yun.

Makalipas ang isang buwan naikasal si Ate Rebecca sa lalaking pinili ng magulang niya para sa kanya. Pinalayas at binayaran si Kuya Anton at ang pamilya niya para lang hwag ng manggulo pa. Sa pagkawala niya ay tuluyan na ring nawala ang kaisa-isa kong kalaro na si Missy na pamangkin ni Kuya Anton. Labis na nalungkot si Nick dahil crush niya talaga si Missy pero paglao'y nakalimutan niya rin ito.
Bawat myembro ng pamilya namin ay itinatakdang ipakasal sa kapwa namin nakaaangat sa buhay. Gusto man namin o hindi ay wala kaming magagawa sa alituntunin ng buong clan. Mahigpit ang pamilya namin pagdating sa agwat ng pamumuhay. Kaya nga nakailang palit na ng kasambahay sa amin dahil madalas na pinapatulan ni Kuya Sandro ang mga dalaga sa mga kasambahay namin. Naging istrikto si Mommy sa paghahire ng kasambahay at hindi na siya kumuha ng mas bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon