Four

101 6 1
                                        

Nakasandal sa may pader si Trev habang ang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng pants niya. Samantalang ako nama'y nakatungo at nilulusaw ng tingin ang sapatos ko.

“He kissed you. Gusto mo ba siya?” seryosong tanong niya

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

“Yes” buong sagot ko

Narinig ko ang pagmumura niya. Nakagat ko ang labi ko dahil doon.

“I know that this day would come. Pero hindi pa rin ako handa. Damn! Shekaina.” frustrated niyang sagot.

Nahilamos niya ang kamay sa gwapo niyang mukha.

“Trev hindi ako magsosorry sayo kasi alam ko na parehas nating pinakinabangan ang isat-isa.” wika ko

“I know , ang bilis naman kasi. Hindi talaga ako handa. Pero wala naman akong magagawa. It's your decision not mine , I should respect that. I hope na si Earl na yung makapagpapabago sayo.” Aniya

Bahagya akong tumawa.

“Nagsabi ang matino.” sagot ko

“I'm serious.“ Aniya

“Isa pa ayaw ni Tinea sa akin. Hindi pa rin tayo pwedeng dalawa.“ wika ko

Iniisip ko pa lang yung dragonang yun naiinis na ako. She's a spoiled brat palibhasa only girl kaya ganun ang ugali. Pero bakit naman ako? Kaisa-isa lang din na babae pero hindi naman kagaya niya?

“Si Tinea yun eh. Wala naman talaga yung gustong tao kahit ako , ayaw niya sa akin. She's not Tinea if she's not that evil stubborn brat. But she's my sister and i really love her.“ ani Trev

“Sa tingin mo ba Trev makikita pa rin natin yung right person para sa atin? Despite of our imperfections and our wrongful doing?“ tanong ko

“Of course . There's a million of people who live and exist in this world and one of them is fated to be with us. Our match , but they will come to the right time.“ Aniya

I chuckled. Nanggaling talaga sa kanya yung ganong words. Sa playboy na gaya niya.

“I am waiting for the right girl. Yung makakaya akong baguhin , yung makakaya akong tanggapin. Pero sa ngayon ieenjoy ko muna. Kasi alam ko balang-araw kakailanganin ko na talagang magseryoso.” ani Trev

“Just like your mom and dad?” I asked

“Maybe. Siguro sa side ni Daddy. May minahal kasi ng sobra ang Mommy bago niya nakilala si Daddy.” Aniya

Tumangu-tango ako. That's love! Hindi mo malalaman kung sino ba talaga ang nakatadhana para sayo. Minsan kailangan muna nating magmahal sa maling tao , masaktan ng sobra bago natin makilala yung tamang tao para sa atin.

“Aalis na ako , naghihintay ang kapatid ko sa akin eh. You know her , medyo bipolar rin.” wika niya

“Okay , ingat ka.” sagot ko

Bago siya umalis ay hinila niya muna ako at pinatakan ng halik sa labi. Dampi lang yun.

“It's my farewell kiss. Goodbye Shekaina.” Aniya

Hindi na ako nagreklamo dahil sa panghahalik niya. Gusto ko naman na sa huling pagkakataon ay mapagaan ko loob niya. Iniwanan niya na akong mag-isa , aalis na sana ako ng may biglang magsalita.

“Kapag ba nagbreak kailangan nagkikiss din?” anang pamilyar na boses

Napalingon ako sa nagsalita , napalunok muna ako ng laway bago ako nagsalita.

“May pinagsamahan rin naman kami. I don't want to disappoint him.” sagot ko

“Really? How disgusting you are.” malamig niyang wika

The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon