"SORRY kung natakot man kita kanina." hinging paumanhin ng lalaking sinuntok ni Rhin kanina.
Bago pa ito muling magising ay natawagan na niya ang kanyang ina, ibinalita niya dito na napasok sila ng magnanakaw. Her mother asked her to describe the intruder. At ng ma-i-describe niya ito ay nag-panic mode ang kanyang ina. Ano daw ang ginawa niya kay Kwesi–ang weird na pangalan ng lalaking nawalan ng malay–, ng sabihin niyang sinuntok niya ito dahil may tangka itong masama sa kanya ay ganoon na lamang ang ginawa nitong pagtili. Na-badtrip ito sa ginawa niya at sa oras daw na makita siya nito ay itutuktok nito sa kanya ang mga drumsticks niya.
Ipinaliwanag nito na si Kwesi ang pinakiusapan nitong magbantay sa bahay nila habang wala ang mga ito. Nang sabihin niyang palalayasin na niya ang tagapagbantay nito dahil naroroon na naman siya ay tinawanan lamang siya ng kanyang ina. Bahala na daw sila sa buhay nila dahil malalaki na daw sila. Napaka-supportive talaga nito.
Napangiwi siya ng mapansing nagkukulay ube na ang gilid ng labi nito dahil iyon ang tinamaan ng kamao niya kanina. Malay ba niyang sugo pala ito ng kanyang mga magulang? Pero sa halip na magalit ito sa kanya ay ito pa ang humihingi ng sorry sa kanya.
"Ako yata dapat ang mag-sorry sayo. Pasensiya na, hindi ko kasi alam na bisita ka pala ni Mama." nagkakamot ng ulong sabi niya.
"No, it's my entire fault, I should've told you earlier when I arrived that I am your parents visitor."
Mali ang iniisip niya kaninang anghel ito. Santo ang lalaking nasa harapan niya. Mukhang kasing haba ng napakahabang tulay ang pisi nito. Napingasan na nga niya ang kagwapuhang taglay nito pero inaako pa din nito ang lahat ng kasalanan. Hindi niya inakalang may natitira pang lalaki na kasing bait nito. Ano ang ginagawa nito sa lugar nila at hindi rumarampa sa mga kabaro niya?
"Are you gay?" diskumpiyadong tanong niya.
"No." amusement was now written on his delicate gorgeous face.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Lumapit ito ng hindi siya hinihiwalayan ng tingin. Parang biglang siyang naturete sa uri ng tinging ibinibigay nito. Alam niyang maganda siya. Pero parang isa siyang diyosa kung tingnan nito.
Marami ang nagsasabing tatlong paligo ang lamang sa kanya ni Anne Curtis. Tatlo lang? Fine, lima. Maputi kasi siya at photogenic din daw siya ayon sa press noong mga panahon ng kasikatan nila sa pagbabanda. Bilugan ang mga mata niya at pamatay din ang mga labi niya katulad ng sa naturang aktres. In short, konti na lang at perpekto na siya. Kaya naman hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa pa siyang iwanan ng talipandas niyang nobyo. Nang ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kanya ay wala sa loob na napaurong siya sa pagkakatayo niya. Takte!
"Huwag kang lalapit," awat niya dito.
Pero parang siya ang nanghinayang ng huminto nga ito sa paglapit sa kanya. Mangha siya sa pagiging masunurin nito.
"Play dead," nakangising utos niya.
"What?"
"Joke lang, ahmm, dahil nandito na ako, pwede ka ng umalis." pagtataboy niya dito.
Gusto niyang magbakasyon ng matiwasay at hindi niya magagawa iyon kung may pahara-hara sa harapan niyang isang nilalang na hindi niya maiiwasang hindi pansinin. Galing siya sa isang relasyon na hindi maganda ang kinahantungan at nais niyang ipahinga ang puso niya sa ngayon ng mag-isa.
"No, I'm not going anywhere." determinadong wika nito.
Pinaningkitan niya ito ng mata.
"Hindi ako aalis dito hanggang sa dumating ang mga magulang mo. I intended to stay with you at magbakasyon na din. Huwag kang mag-alala, I'm not gonna bother you." anito at tinalikudan na siya.
BINABASA MO ANG
Tale As Old As Time (Published under PHR)
RomanceDahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang...