CHAPTER NINE

4.7K 98 4
                                    


NAGISING si Rodgine sa mga boses na nagbubulungan. Nagmulat siya ng mata at nagulat ng makitang nakapalibot sa kama niya ang mga kaibigan niya. Bakit ba palaging sumusulpot ang mga ito sa kwarto niya tuwing natutulog siya? Nag-iisip na siyang palagyan ng electronic bolt lock ang mga pintuan ng bahay niya upang hindi na basta-basta makapasok ang mga ito.

"Hay salamat at nagising ka na din sa wakas! Akala namin kailangan ka pa naming ihanap ulit ng prince charming para may humalik sayo eh!" nakataas ang kilay na biro ni Cindy sa kanya. Walang tumawa sa biro nito, seryoso kasi ang mukha ng ibang kasama nila sa kwarto.

Kumunot ang noo niya ng mapansing nag-iba ang kwartong kinaroroonan niya. "Nasaan ako?" paos na tanong niya sa mga ito.

"Nasa Saint Luke's tayo. Sinundo kayo ni Kwesi ng chopper kahapon sa isla." sagot ni Milo sa kanya.

"Ano bang nangyari? Ang natatandaan ko lamang ay masama ang pakiramdam ko bago ako nawalan ng malay." nagtatakang tanong niya rito.

"My God, Rhin, what happened to you? Pinakaba mo kaming lahat, ah! Hindi mo man lang sinabi kay Kwesi na masama na pala ang pakiramdam mo, buti na lamang at may natitira pang sense 'yung tao kahit hindi na niya malaman kung ano ang gagawin sayo." mahabang sermon nito sa kanya.

Marahang tinapik ni Twinkle ang balikat nito para payapain ang pagkaasar na nararamdaman ng asawa nito sa kanya.

Nang maalala ang lalaking kasama niya sa isla ay itinanong niya sa mga ito kung nasaan na si Kwesi. Nagpalitan ang mga ito ng makahulugang tingin habang dismayado naman siyang tinitigan ni Colt. Nakalipas ang ilang segundo na walang sumagot sa mga ito.

"Ano, magtititigan na lamang ba tayo? Feeling niyo nasa teleserye tayo?" naiinis na tanong niya sa mga kaibigan.

Sabay-sabay na nag-ilingan ang mga ito.

"Ibang klase ka talaga, kagagaling mo pa lang sa sakit niyan, ha?" sabad ni Allie. "Wala na si Kwesi, umuwi na sa kanila."

"Anong oras daw ang balik niya?" tanong niya dito. Hindi pa niya nasasabi sa binata na mahal niya ito, salamat sa wala sa oras na pagkakasakit niya.

"Magkita na lang daw kayo kapag magaling ka na." ani naman ni Milo.

Nilinga niya ito. Paano kung sa isang linggo pa siya lumabas doon? Ibig sabihin isang linggo pa bago niya makita ang binata? Sa naisip ay naiinis na inihilamos niya ang kamay sa mukha. "Kasalanan niyo ito, eh. Kung hindi niyo kami iniwan ni Kwesi sa isla, nasabi ko sana ng matiwasay ang nararamdaman ko at maayos na sana ang lahat." sisi niya sa mga ito.

"You mean, sasagutin mo na siya?" tanong ni Colt.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit nanliligaw ba siya?"

"Ay, ang tange mo naman, hija. Kung hindi 'yun pumoporma sayo at hanggang kaibigan pa din ang habol niya, hindi sana niya ginawa 'yung mga bagay na hindi ginagawa ng mga kaibigan. Cook na, bodyguard mo pa." naiiling na sabi ni Milo. "Para sa isang busy na tao, siya lang yata ang nakakapagsingit ng pagdiga sayo. Kulang na lang ipaglaba ka niya. Isa pa, humingi siya ng tulong sa amin para lang sa nakakabaliw mong pag-ibig, Rhin. Minsan, nagtataka ako kung bakit ikaw ang nagustuhan 'nun, napakabait na tao tapos..."

"Tapos ano?" nandidilat na tanog niya dito. Ahh, nasaan na ba si Kwesi? Ang mga abnormal tuloy niyang mga kaibigan ang pinagtitiyagaan niyang kausapin.

"Wala, sabi ko nga, ang bait mo din. Sa sobrang bait mo, sinukuan ka nung tao."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" knakabahang tanong niya dito. Nagpalitan na naman ng makahulugang tingin ang mga kaibigan niya na para bang wala siya sa harapan ng mga ito."Ano?!"

Tale As Old As Time (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon