"WAS it hard to be a public figure, Rodgine?" tanong ni Kwesi sa kanya.
Nagulat siya sa tanong nito dahil akala niya ay hindi siya nito namukhaan bilang Rhin ng Picayz. Paano ay palagi siya nitong tinatawag sa totoo niyang pangalan. She was surfing the internet in their study room when he suddenly came. Pumuwesto ito isang upuan ang layo sa kinauupuan niya. Mahigit thirty minutes din itong tahimik na nagbabasa ng libro na dala nito kaya inakala niyang mananahimik na ito sa buong durasyon na naroon ito.
"Kilala mo pala ako." aniya at nilingon ang binata.
Tumango ito.
"Mahirap na masaya. Try mo, siguradong papatok ka sa panlasa ng publiko."
"I'll take that as a compliment, but no thanks." nakangiting sagot nito.
Peste! Wala namang nakakatuwa sa sinabi niya pero kung ngumiti, wagas na wagas! Sa tatlong araw na kasama niya ito ay wala siyang mairereklamo kung hindi ang walang humpay na pagngiti nito sa kanya. Naba-badtrip siya dahil feeling niya ay nagiging weakness na niya ang ngiti nito.
"Pwedeng magtanong?"
"Hindi," pagatataray niya at muli ng itinutok ang pansin sa computer.
Ka-chat niya si Twinkle at inaalam niya kung hindi pa ba nalulugi ang HeartBeat. Maayos naman daw iyon kaya labis siyang nagpasalamat sa pagtulong nito sa negosyo niya habang nagbabakasyon siya. Nagpaalam na siya dito dahil hindi siya multitasker, hindi niya kayang makipag-chat habang nakikipag-usap kay Kwesi.
"Sige na, fire away." sumusukong sabi niya nang ma-i-shut down na niya ang laptop niya. Humarap siya dito.
"Why did you choose to become a musician?"
"Because..." napaisip siya. Bakit nga ba niya napiling makigulo sa bandang binuo ni Milo? She's an HRM graduate, but when she was recruited by Colt and Milo. She didn't think twice and just agreed to it. Parang may bigla siyang naisip na bahagi ng kabataan niya.
"Rodgine, anong gusto mong maging pag matanda ka na?" tanong ni Kin sa kanya.
"Gusto kong maging famous musician! Gusto kong kumanta o kahit tumugtog sa harap ng madaming tao." she dreamily said.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba bigla niyang naisip ang parteng iyon ng buhay niya? She was the kind of person who can forget memories that hurt her most. Dahil kailangan, ayaw niyang mabuhay sa nakaraan at patuloy na masaktan.
"Rodgine..."
Nagbaling siyang muli kay Kwesi at nginitian ito. "Maybe because I wanted to try if I can still perform. Bata pa lang ako, talentado na ako. I know how to play drums and piano. Marunong din akong–"
"Kumanta," putol nito sa sinasabi niya.
"Yes, pero okay lang na hindi ako ang naging vocalist–" napatigil siya sa pagdakdak. "How did you know that I can sing? Wala akong pinagsasabihan 'nun, ah." nakakunot ang noong tanong niya dito.
"Ahmm, your parents told me. They are so proud of you." anito habang nagakakamot ng ulo.
Pinaikot niya ang mga mata. "Beat me. Ganoon nga sila."
"But how come, walang music room dito?"
"Meron dati, pero magmula noong mag-high school ako, tumigil na ako sa pagtugtog, tinamad ako. Ibinenta na lang ni Mama 'yung set ng drums at grand piano namin." kibit-balikat na kwento niya. "Nang magtapos ako ng college, parang destined na nakilala ko sina Milo and suddenly, I wanted to play again."
BINABASA MO ANG
Tale As Old As Time (Published under PHR)
RomantizmDahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang...