CHAPTER SIX

4.9K 88 0
                                    


"I'M SORRY, kung kinakailangang mag-sorry ako sayo araw-araw, oras-oras, gagawin ko, Rodgine." habol ni Kwesi sa dalaga.

Alam niyang nasasaktan ito dahil hindi niya agad sinabi ang totoo kung sino ba talaga siya. Lalong nadagdagan ang atraso niya dito. Ang payo ng mama nito ay huwag daw muna niyang sabihin na siya ang kababata nito. Pero nakokonsensiya na siya kaya ipinagtapat na niya sa dalaga ang lahat.

Pinigilan niya ito sa braso ng tangkang papasok na ito sa kwarto nito. Parang sinuntok ang dibdib niya ng makita ang labis na galit sa mga mata nito ng harapin siya nitong muli. Marahas nitong ipiniksi ang braso.

"Tama na! Umalis ka na dito. Kin or Kwesi, I don't need you."

"Alam kong mali na umalis ako ng hindi nagpapaalam noon sayo. Nahihirapan din ako ng panahong iyon at hindi ko kinayang magpaalam ng personal sayo dahil nagpadala din ako sa kagustuhan ng mga magulang mo. Pero sinulatan kita noon." paliwanag niya.

Pagak itong tumawa. "At ako pa pala ang may kasalanan?"

Napu-frustrate na sinabutunan niya ang sarili. "No, I was just trying to explain. Bata pa tayo noon at kailangan kong sumunod sa mga magulang ko at magulang mo. I had no other choice but to leave, pero ikaw, hindi mo sinasagot ang mga sulat ko."

"I didn't read any of your damn letters because I don't need those letters! Para ano pa? And don't tell me that you had no choice. Kahit na sinasabi mong bata ka pa noon, may sarili kang isip, Kin! Everybody have choices and you chose not to say goodbye! Kahit simpleng 'bye, Rodgine', hindi mo ginawa." pumikit ito ng mariin at ng muling magmulat ng mata ay wala na siyang kahit na anong emosyon na mabanaag dito. "Hindi ka naman marunong magpaalam, di ba? You can just leave now, Kin or Kwesi." anito at tuluyan ng pumasok ng kwarto nito.

He stayed in front of her room. Napakadami niyang nais sabihin dito. Pero alam niyang wala itong pakikinggan. Nasaktan niya ito at naiintindihan niya kung bakit galit ito sa kanya. Tama ito, may sarili siyang isip, hindi siya dapat umalis noon ng hindi nagpapaalam dito kahit pa hiniling ng mga magulang nito na huwag siyang magpaalam dito. He only made her parents as an excused for his cowardness. Naduwag siyang makitang umiiyak ito kapag nalaman nito ang pag-alis nila dahil mas triple ang sakit na mararamdaman niya. Hindi niya inisip na maaari din nitong maintindihan ang lahat, na maaaring madaan ito sa diplomasya ng magulang nito kapag nagpumilit itong sumama sa kanya noon.

"I love you, Rodgine! And I will do everything para lang mapatawad mo ako." malakas na sabi niya.

"Get lost!"

Napabuntong-hininga siya. Noon, kapag nagtatampo ito sa kanya ay umaabot ng ilang linggo bago siya nito muling kausapin. Ibayong pangungulit pa ang ginagawa niya upang mapatawad siya nto sa maliit na pagtatalo nila. Ngayon, hindi niya sigurado kung kakausapin pa ba siya ng dalaga. But one thing was given, he won't let her go.

"Rodgine, can I get my stuff?" aniya at kumatok sa pintuan.

Ilang sandali pa ang lumipas na wala siyang narinig na kung ano sa loob ng silid nito. Nang tangkang aalis na siya ay biglang bumukas ang pintuan niyon. Mabuti na lamang at alerto siya dahil inihagis nito sa kanya ang wala sa ayos na comforter na ginagamit niya. Magsasalita pa sana siya pero mabilis nitong isinarang muli ang pintuan.

"Thanks, I love you." bulong niya.

"Bwisit ka!"

Napangiti siya. She's still the same Rodgine he knew before.

"LECHE!" naiinis na wika ni Rodgine ng makitang may bulaklak na naman sa front door ng bahay niya. Tatlong araw na magmula ng muli siyang bumalik sa bahay niya sa Maynila at tatlong araw na ding palaging may dalawang dosenang white roses sa pagbubukas niya ng pintuan ng bahay niya tuwing umaga.

Tale As Old As Time (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon