NAKATULALANG nakatitig lamang sa computer na nasa harapan niya si Kwesi. Dalawang araw na magmula ng iwasan na niya ng tuluyan si Rodgine. At iyon din ang bilang ng araw ng palaging pagkatuliro niya. Ang plano talaga niya ng dalhin nila ito sa ospital ay tanggapin na lamang niyang hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Pero tinawagan siya ni Milo at sinabing mukhang may magandang resulta ang pag-iwan ng mga ito sa kanila sa isla sa kabila ng pagkakasakit ng dalaga.
Sana ay hindi na lamang siya naniwala. Sana ay hindi siya nagkaroon ng pag-asa at nagmamadaling pinuntahan ito sa ospital. Sana ay hindi niya nakita na magkayap ang dating magkasintahan. Dati nga ba? Hindi niya alam dahil dali-dali na siyang umalis pagkatapos niyang magpakilalang bestfriend dati ni Rodgine. Alam niyang hindi basta-basta nagpapatawad ang dalaga pwera na lamang kung talagang mahalaga dito ang taong humihingi ng tawad. At para magyapusan ang mga ito na para bang walang ano man na nangyaring ay ipinagpalagay niyang nagkabalikan ng muli ang mga ito. Hindi na niya sinasagot ang tawag nina Milo dahil ayaw niya marinig o makumpirma na nagkabalikan ng muli ang mga ito. He never knew it would be this hard to lose someone he never actually had.
Labis ang pagpipigil niyang sagutin ang tawag ni Rodgine kahit gustong-gusto niyang marinig ang boses nito. Kailangan niyang sanayin muli ang sarili na wala na ulit sa buhay niya ang dalaga dahil may mahal itong ibang lalaki at hindi siya iyon. Napatingin siya sa pintuan ng opisina niya ng biglang bumukas iyon at humahangos na pumasok ang sekretarya niya.
"Sir!"
"Anong problema?" nagtatakang tanong niya dito.
Lumapit ito sa kanya. "Sir Kwesi, trending po kayo ngayon sa Twitter! Kilala niyo po ba si Miss Rhin ng Picayz?"
"Ha?" nakakunot ang noong tanong niya. May Twitter account siya dahil iyon ang ginagamit niya upang subaybayan si Rodgine. Noong panahon kasi na may banda pa ang dalaga ay active ito sa doon kaya naman gumawa pa talaga siya ng sariling account para lang malaman ang mga aktibidades nito. Pero nag-iisa lamang ito na ipina-follow niya at hindi pa siya kailanman nag-tweet doon. Baka naman nagkamali lang ang sekretarya niya. He opened his twitter account at namangha siya ng makitang napakaraming tweets ni Rodgine. Lahat ay may hashtag na #I♥KinWeynSiu. At kung trending iyon, malamang na sinuportahan ito ng lahat ng followers nito.
His heart beats fast. Para siyang tanga na nanatiling nakatitig sa computer niya. Natatakot siyang kapag pumikit siya ay mawawala ang mga mensaheng iyon. She was no ordinary woman. She thinks of strangest things on how to make him know what she really felt. She was the only woman that can make his heart broken into pieces then make it live again...only for her. He smiled.
"Mic test."
Nagulat siya ng marinig ang pamilyar na boses, ngayon ay mas na-doble pa yata ang bilis ng tibok ng puso niya sa pinaghalong kaba at saya.
"Saan galing ang ingay na iyon?" tanong niya kay Lindy.
"Po? Sa speaker po na pina-assemble niyo." tila naguguluhang sagot nito. "Lahat ng department merong isang speaker sa hallway."
"What?"
Tangkang sasagot pa sana ito pero pinatahimik na niya ito dahil muli niyang narinig ang boses ni Rodgine.
"Ahm, sa tingin ko alam mo na ngayon na ginulo namin itong building niyo. Pauna lang, hindi ako ang may pakana nito, sina Milo. Ikaw kasi, hindi ka na nagpakita pa sa akin. Umalis ka noon ng walang paalam, at ngayon, hindi na ako papayag na maiwan mong muli. So here's the deal, nandito ako ngayon sa building mo ngayon. Kapag nakita mo ako bago matapos ang pagkanta ko... I will love you forever. If not... you have to love me for a lifetime. Got it? Wala na tayong ibang choice kung hindi pagtiyagaan ang mukha ng isa't-isa habang buhay."
BINABASA MO ANG
Tale As Old As Time (Published under PHR)
RomanceDahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang...