Part 2

2.8K 80 8
                                    

Dedicated to Teeenta :)) (Thank you po!)

ENJOY! Kaway-kaway naman sa mga nagbabasa, wala yata eh. Hihi ^____^V

"Malayo pa ba tayo? Pagod na ako" Reklamo ko sa kaniya, teka hindi ko nga pala alam ang pangalan niya tapos hindi ko pa siya masyadong kilala.

Pero iba ang pakiramdam ko na para bang matagal ko na siyang kakilala.

"Andito na tayo" Anunsyo niya.

Tumingala ako sa malaking apartment na nasa harap ko. Hmm, medyo may kalakihan at maganda. Afford ko ba 'to? Well, siya na bahala sa akin, sabi niya libre eh.

"Anyways, ano palang pangalan mo?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako saglit, pero sumagot din siya.

"Haha akala ko wala ka ng balak mag-tanong. My name is Jessie" Ngumiti ulit siya.

"Ahh.." Tanging labas sa bibig ko. Hinila niya na ako papasok sa apartment.

Nag-excuse siya, kakausapin niya lang daw yung owner, which is yung kamag-anak niya nga, tumingin-tingin ako sa paligid, ang ganda talaga. Maya-maya ay nakita ko na si Jessie papalapit sa akin.

"Tara, turo ko sa'yo yung kwarto mo" Tapos naglakad na kami.

Kumunot ang noo ko, kasi pinagtitinginan ako ng mga tao na may pagkagulat at pagtataka sa mga mukha nila, ano kayang meron? May dumi ba ako sa mukha?

"Wag mo na silang pansinin, dito yung apartment mo" Tumigil kami sa isang pinto. Pumasok na kami, siya ang nagbukas dahil nasa kanya ang susi, inabot niya sa akin 'to.

"Uy thank you talaga ah?" Sabi ko. Nandito na kami sa loob ng apartment.

"Wala yun" Ngumiti siya. Pumunta siya saglit sa kusina at paglabas niya ay may dala-dala siyang baso ng orange juice. Ininom ko yung juice.

"Uhmm, Jane, ang bait ng Diyos noh?" Bigla kong naibuga yung Juice na ininom ko buti na lang hindi sa direksyon niya. Pi-nat niya yung likod ko.

"Ok ka lang?" Tanong niya sa akin, tumango ako. Nabigla lang naman ako sa biglaang pagtanong niya, out of nowhere magtatanong siya ng ganun.

"Bakit mo naman naitanong ang mga ganyang walang ka-kuwenta-kuwentang bagay" Nagsalubong na ang mga kilay ko dahil sa tanong niya.

Kumunot ang noo niya.

"Walang kuwenta? Grabe ka Jane, Diyos ang pinaguusapan dito means mas may kuwenta pa sa may kuwenta" Sabi nya. Napahilot ako sa sentido ko, sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Are you some religious kinda person?" tapos napapailing pa ako.

"Balik tayo sa tanong ko, Naniniwala ka ba?" Nakakarindi na.

"Bat ba ang kulit mo?" Nakakainis na kaya. Kahit tinulungan nya ako ay hindi naman ibig-sabihin kailangan nya ng pakealam ang buhay ko.

"My question is answerable by yes or no lang Jane, bat hindi mo kaya masagot?" Tapos umakto syang nagiisip.

"Hayss, ok fine! USED TO BE, but now.. I dont know, i can't feel him anyway" Then i rolled my eyes at her.

"Alam mo ba yung kuwentong The Nine Wishes!?" Halos tumalon ang puso ko sa pagtanong nya in a different way, nakaka-alarma.

"Ano ka ba, nakakagulat ka, ano ba yang kuwentong yan?" Ngumiti sya ng napakalaki. Aba ang bruha hindi ako sinagot. (Ang ganda ba ng pagka-segway ng story kong 9 wishes, haha!)

"Bye, gotta fly!" Hanudaw? Hinayaan ko na lang syang umalis. Napangiti ako, kukunin ko na ang gamit ko sa bahay at isasama ang mga kapatid ko. Nakapagdesisyon na ako, may trabaho naman ako eh.

Jesus, Take The WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon