Part 6

2K 69 7
                                    

A/N

Maraming salamat sa lahat ng mga sumusuporta ng storyang ito! Sana patuloy padin:) Mahal ko kayo! Gusto ko lang sabihin na sobra talaga akong nagpapasalamat kahit kunti kayo, na-appreciate ko parin ng bongga! Haha. Sabi nga nila 'Be contented' Ako kahit lima pa kayo KONTENTO NA AKO! Kaya kaway-kaway at pagmamahal para sa inyo, kahit di ko kayo lubusang kilala.

.

ENJOYYY:)

--

JANE's P.O.V

.

"ATE, bakit ayaw magising ni papa?" Tanong ni Nica sa akin. Nginitian ko sya.

"Maganda kasi ang panaginip nya kaya ayaw nya pang magising." Napatango na lang si Nica sa sinabi ko.

.

Nandito nga pala kami sa hospital para bantayan si papa. Mamaya aalis kami ni Nica at sila mama naman ang magbabantay kay papa. Masakit man aminin, tinanggap ko ang deal ni Sir Marco, sinong hindi makakatangi? Tao lang din naman ako. Nasisilaw sa pera, para din naman sa tatay ko eh. Kaso lang mali talaga. Papaibigin ba naman ang isang tao, pero sa huli iiwan mo din sya. Masakit yun.

Tyaka hindi yun madali kasi paano pala pag sobra nya talagang mahal si Jessie. Speaking of Jessie, nagdadalawang isip na ako kung totoo nga ba yung Jessie na nakikita ko noon baka imahinasyon ko lang sya. Hindi ko na ulit sya nakita simula nung rebelasyon doon sa apartment eh.

.

"Ate, paano pag sobrang ganda ng panaginip ni papa at hindi na lang sya magising dahil sa sobrang ganda neto?" Tanong ni Nica. Napatingin ako bigla kay papa, payapang nakapikit.

"Hindi yun mangyayari Nica.." Hindi yun mangyayari kasi gagawa ako ng paraan para mapa-opera si papa. Kaya ko nga tinanggap ang offer ni Sir Marco eh.

"Tama ka ate, kasi hindi hahayaan ni Lord mangyari yun" Nagulat ako sa sinabi ni Nica. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hindi ko sya sinagot. 

"Ate, puwede mo bang ipaliwanag sa akin kung gaano kabuti ang Diyos, sabi kasi ni papa noong gising pa sya, napakabuti daw ng Diyos pero hindi nya naman sinabi kung bakit." Sa sobrang bilis nyang magsalita, wala akong naintindihan puro 'Diyos' lang naririnig ko.

"Bakit ba ang dami mong tanong!?" Nagulat ako ng bigla syang tumakbo paalis. Napahawak ako sa ulo ko. Babalik din yun.

.

*Tok tok*

.

See? Sabi na eh, na babalik din agad si Nica.

.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ng isang yakap ng isang taong.. naging kaibigan ko.

.

"J-Jessie..." Tumulo na agad ang luha ko. Gusto ko sya itulak palayo. Paano pala pag isang multo ang yumayakap sa akin? Pero may sarili utak ang mga kamay ko at niyakap sya pabalik.

"Jane.." Ganting tawag nya sa akin.

"Ate Jessie!" Tuwang sigaw ni Nica. Humiwalay na sya sa yakap at niyakap din si Nica.

.

Pinapasok ko na sya kung saan naka-confine si papa. Pinaupo ko sya at umupo ako sa tabi nya. Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong ikuwento. Pero pinalibutan lang kami ng katahimikan, hanggang sa sya na ang bumasag nun.

Jesus, Take The WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon