Part 5

1.9K 55 6
                                    

ENJOY READING!!

--

JANE's P.O.V

.

Tumingin ako sa bintana sa gilid ko, nasa bus kami ngayon ng mga kapatid ko, umidlip muna sila. Tumulo ang luha ko habang pinamamasdan ang view sa labas ng bintana.

.

Kahit ako, naguguluhan... Sino nga ba talaga si Jessie? Totoo ba yung narinig ko at nalaman ko? Pero bakit...? Hindi ko na alam, wala na akong maintindihan, letseng buhay 'to oh!

.

Ginising ko ang mga kapatid ko ng makarating na kami.

.

"Ate, asan na po si ate Jessie? Bakit tayo pinalayas? Ayaw na ba ni ate Jessie sa atin?" Nalungkot ako sa tanong ni Nica.

"Kailangan kasi nating bumalik kayla nanay dahil malamang hinahanap na nila tayo" Tumango lang sila at 'di na nagtanong pa. Ako din naman nalulungkot, pero siguro kailangan ko ng magising sa fairytale ko na ako si Cinderella na biglang bumongga.

.

Nang papalapit kami sa bahay ay lumakas ang kabog ng puso ko, mahaba-habang sermon nanaman ang aabutin ko, naiimagine ko na nga ang mangyayari eh.

.

"Sabi na nga ba eh!" Sabay tulak ng daliri sa ulo ko.

"Yan nga bang sinasabi ko, ano? Ano ka ngayon? Masyado ka kasing mapagmayabang, ngayon sinusuli mo na sila"

.

Bigla akong nagising sa katotohanan ng sabihin ni Jen na andito na kami, kumatok muna ako sa kahoy naming pintuan na pagsinipa mo ay siguradong sira.

.

Pinagbuksan kami ng pinto ni inay, naawa ako sa itsura nya sobrang pawis at parang pagod na pagod.

.

"Diyos ko, anak.. anak.." Agad nya akong niyakap ng makita nya ako at niyakap nya ang mga kapatid ko.

"S-si Itay?" Tanong ko sa kanya. Lalong lumakas ang iyak nya.

"S-sinugod sa hospital ang tatay mo.. Wala akong pambayad sa hospital anak! Andun sya at nagpapahinga pero di sya magawang operahan dahil wala akong pambayad! Huhu" Naawa ako kay inay at sitwasyon namin, sumakit ang dibdib ko. At niyakap sya, wala namang maintindihan ang mga kapatid ko.

"Hahanap po ako ng paraan nay, alagaan nyo po ng mabuti sila Rence, Nica at Jen" Sabi ko. Umiyak si inay, umalis ako.

.

Habang naglalakad ako sa kalsada ay tulala ako. May trabaho ako ngayon, pero parang wala akong gana, at papasok ako sa trabaho ng gan'to itsura ko? Hell no. 

Pero nagdalawang isip ako, kaya dumiretso ako sa restaurant, siguro makakahiram ako ng pera sa mga katrabaho ko. 

Pagkapasok ko ay nakita ako ni Rhea, isa din syang waitress. Nagulat ako dahil walang mga customers. Sarado ba?

.

"Late ka na Jane! Pero buti naka-abot ka andun si boss sa chef's room!" Kinabahan ako, lagot masesesante na ako sa itsura kong 'to. Hinila ako ng katrabaho ko at 'di na ako nakapalag.

.

At nakita ko nga doon na nagkumpulan ang chef, head chef, assistant chef, waitresses, waiter at receptionist. Sumiksik ako sa gilid katabi ni Rhea, para hindi ako makita. Sa harap naman ay isang striktong boss namin, na crush ko nga. Si Sir Marco.

Jesus, Take The WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon