Part 3

2.2K 60 16
                                    

Dedic to kreeshamae (Maraming salamat sa pagbabasa!)

 .

ENJOY READING!

--

JANE's P.O.V

 .

Nagising ako sa ingay ng mga kapatid ko na naglalaro dito sa kwarto. Ngumiti ako sa kanila at tinignan ang oras '9:30am' Hala 12pm ang trabaho ko, kaya naligo na ako. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko saktong may kumatok sa pinto.

.

"Ate, may bisita po, baka si ate Jessie" Masaya sabi ni Rence sa akin, napamahal ata sila kay Jessie. Napakabait kasi nung taong yun.

.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si Jessie na nakangiti as always naman.

.

"Hii! Ayos na ayos ka ah? Mukha kang waitress sa suot mo haha" Loko to ah? Malamang waitress talaga ako.

"Waitress po kasi talaga ako, pero parang hindi ako makakapasok sa trabaho ngayon.." Malungkot kung saad, bigla ko kasing naalala ang mga kapatid ko na maiiwan dito sa bahay.

"Bakit naman? Sayang kita" Sabay ngiti nya.

"Wala kasing magbabantay sa mga ka--"

"Ako! Ako magbabantay sa kanila" Kumunot noo ko.

"Sure ka?" Ngumiti sya ng napakalaki.

"Sure na sure!" Masigla nyang banggit. Napayakap ako sa kanya, biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko, pinunasan ko muna ito bago humiwalay sa yakap.

"Thank you..."

"Syempre, im your A.I.D" Ngumiti sya na kita ang kompleto at mapuputing ngipin nya.

"A-I-D?" Tanong ko.

"Dahil marami ka ng utang sa akin, yan ang bayad, alamin mo ang meaning ng A-I-D na yan. Syempre hindi mo sya mase-search sa google haha. Ako lang nagimbento nyan and you have to know what it means, deal?" Mukhang mapapasubo ako ah, well sino ba namang tatanggi, bigyan ka ba naman ng assignment para sa mga utang (na loob) mo sa kanya.

"DEAL" Ngumiti na sya.

--

Papunta na ako sa restaurant na pinagt-trabahuhan ko ng may bumangga sa akin. Nahulog tuloy ang dala-dala kong bag na ang laman ay rubber shoes at notebook w/ ballpen, wala namang pera kaya walang problema.

.

"MAG-INGAT KA NAMAN MISS! TSK. KITA MONG NAGMAMADALI YUNG TAO TAPOS BABANGGAIN MO PA!" Nak ng--

.

Lalabanan ko pa sana ng nagmadaling umalis tinignan ko ang likod nyang palayo na. Kapal ng fes mga teh. Akala mo kung sinong gwapo, well.. May itsura sya, kita ko eh. Pero nakakaturn-off yung ugali tapos sya naman nambangga, tatandaan ko yung gwapong este panget na mukha nung lalaking yun. Speaking of gwapo andito na ako sa restaurant na pagmamay-ari ng boss kong gwapo. Ahihi, pero minsan lang yun dumalaw sa restau. May pinagkaka-abalahan din kasing business pero alam nyo ba one time nakita ko yun, laglag panga ko eh, di katulad nung lalaking nakabangga ko kanina.

--

Grabe, nakakapagod maging waitress, serve doon serve dito, kuha order doon kuha order dito, may palinis-linis table effect pa kung kinakailangan. Tapos sakit din sa panga dahil nakangiti ka, kahit minsan sarap ng sakalin ang mga costumer. Haha joke.

.

Salamat naman at natapos na ang nakakapagod na araw na 'to. Pumunta ako sa restroom dito sa restau at pinalitan yung lumang black doll shoes ko ng rubber shoes na may bibig na ang kaliwa.

.

Mahaba pa ang nilakad ko ng makapunta ako sa sakayan ng jeep, pumara ako. Nakasakay ako sa isang masikip na jeep, siksikan na nga sisigaw pa yung konduktor ng "Lima pa!" Kakaputspa eh noh.

.

Nakauwi ako ng matiwasay sa apartment na tinitirhan ko kahit na sobrang baho doon sa jeep, sanay na ako sa amoy na yun, ikaw ba naman lumaking mahirap, wala ng arte basta makasakay ng jeep basta makapagtrabaho. Ganyan naman ang mundo na ginagalawan ko eh, mundo ng mga mahihirap. Mundong napagiwanan ng panahon at napabayaan ng Diyos.

.

Hinilot ko ang sentido ko at kumatok sa apartment.

.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Jessie, nakangiti sya as usual. Pumasok ako at walang nakitang tao sa sala.

"Tulog na sila eh, andun sa kwarto"

"Salamat Jessie ah?" Kung wala si Jessie ewan ko na lang mangyayari sa buhay ko.

"May bayad yun noh, ano na, nahulaan mo na ba ang meaning nung A.I.D?" Napangiti ako.

"Hindi pa eh... Bigyan mo kasi ako ng clue" Sagot ko, sumimangot sya.

"Sige, ang clue ay itong A.I.D na 'to ay ang pagkatao ko, kung sino talaga ako, so ang assigment mo ay kilalanin ako, b-bibigyan kita ng 30 days."

"U-umiyak ka ba?" Very unusual, kasi narinig ko syang parang humikbi. Parang napapaiyak. Nagulat ako sa biglaang pagngiti nya, imahinasyon ko lang ata yung parang paiyak na sya.

"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong nya.

"Wala lang, Anong meron sa 30 days?" Sumeryoso mukha nya.

"Malalaman mo din.. Sige mauna na ako. Magpahinga ka na din, tabihan mo mga kapatid mo, tandaan mo 'to Jane, mahal ka ng Diyos... You just have to look closer" Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero hindi ko mahanap ang boses ko, para bang nawalan ako ng sasabihin. Umalis na sya. Pagka-alis nya napaiyak ako and i don't even know why...

.

Pumasok na ako sa kwarto, nakita ko doon ang mga kapatid ko na nagkagulo ang puwesto sa pagtulog kaya napagisipan kong sa sahig na lang. Inayos ko na ang hihigaan ko sa sahig. Kung iisipin mong mabuti, hindi ko naman talaga kilala si Jessie, hamak na stranger lang sya na tinulungan ako hanggang sa maging kaibigan kami, pero wala pa akong alam ni isa tungkol sa kanya. Sino ka nga ba talaga Jessie? Ano bang meron at bakit mo ako binigyan ng palugit na 30 days? Ano ba ang A.I.D? I promised to start doing my assignments tommorow.

.

TO BE CONTINUED...

Jesus, Take The WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon