Anastasia's Point of View
Nagising ako dahil sa kaingayan na nanggagaling sa labas ng aking kwarto. Marahan akong umupo sa kama at tinignan ang oras sa aking telepono.
Masyado pang maaga para pumasok pero heto't kaaga-agang nambulabog ng mga estudyante rito.
Bumalik ako sa aking pagkakahiga ngunit sadyang napakaganda ng kanilang timing dahil hindi ko na kaya pang bumalik ulit sa pagtulog.
Napagpasyahan ko na lamang na maghanda para sa aking pagpasok. Kinuha ko ang schedule sa aking bag at ito'y aking sinuri.
Ang sabi dito'y alas-diez pa ang pasok. Sabi sa inyo maaga pa. 7:30 pa lang ng umaga pero mukhang handang-handa na ang iba para pumasok.
Excited?
Nagkibit-balikat na lamang ako bago kinuha ang itim kong bag na aking gagamitin para mamaya. Kinuha ko ang mga importanteng bagay na aking gagamitin bago isinalansan ng ayos sa aking itim na bag.
Pagkalao'y naisipan ko na ring maligo at napagpasyahang simple lamang ang aking susuotin. Isang black denim jacket at mayroong isang black tube sa loob nito, ripped jeans, at ang paborito kong sapatos.
Siguro nama'y hindi masyadong agaw pansin itong susuotin ko.
Makalipas lamang ang ilang minuto'y tapos na 'ko sa lahat ng dapat kong gawin. Nandito ako ngayon sa couch ng aking kwarto habang iniisip kung kumpleto at ayos na ba ang lahat ng aking gagamitin.
Nang masiguro kong wala na akong problema at maayos na ang lahat ay kinuha ko ang aking telepono at doo'y chineck ang mga messages na galing sa kaibigan ko at sa aking pamilya.
Mom
How are you sweetie? Are you fine there?
Kaagad naman akong nagtipa ng isasagot sa kan'yang tanong.
Ngayon lang kasi kami naghiwalay ni Mom. I mean ito ang unang pagkakataon na matagal-tagal kaming hindi magkikita at makakasama ang isa't isa. Bawal pa naman ang dalaw dito. Bawal din ang umuwi para lang kamustahin ang pamilya. Unless kung reasonable ang iri-reason mo sa kanila.
Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto ng marinig kong may kumakatok doon. Ibinaba ko muna ang aking telepono bago tumayo at iyon ay binuksan.
Kaagad na bumungad sa akin sina Sally kasama sina Kate at Bernice.
"I'm so sorry Tasia if hindi ka namin nai-tour kahapon. Sumakit kasi ang ulo ko and nakalimutan naman ng dalawang 'to."
Nginitian ko sila bilang pagpapakita na okay lamang 'yon.
"It's okay Sally. Nakatulog din kasi ako after niyo umalis." Paliwanag ko.
"Anyway nandito nga pala kami para i-grant ang promise namin!" Saad ni Kate.
"Let's go! We will give you a tour." Saad din ni Bernice bago ako hinila papalabas ng aking kwarto.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa elevator ng hallway na 'to. 6th floor kasi ang kwarto ko kaya talagang kailangan ng elevator. Masyado kasing mataas.
"Ilang days na nga pala kayo rito?" Nagtataka kong tanong.
"Kakadating lang din naman last week. And yes sabay-sabay kaming dumating since hindi na naman kami bago rito." Maikling sagot ni Sally.
Nagtataka ngunit napasang-ayon na lamang ako sa kan'yang sagot. Sa panaginip ko kasi ay halos sabay-sabay kaming dumating at pare-parehas kaming mga bagong salta. Pero siguro nga hindi naman masusunod iyon kasi hindi naman mangyayari 'yon.
Sana nga...
"Wala naman kayong napapansin na kakaiba rito?" Tanong ko sa kanila.
Napatawa si Kate sa aking tanong.
"Marami." Sabay tawa niya ng malakas.
"Katulad ng?"
"Kami." Napalingon si Bernice sa akin. "Mga special child kami. Daming sped dito." Sabay tawa niya rin ng malakas kaya napailing na lamang ako sa kanilang sagot.
Obvious ngang special child sila.
"Kapag gusto mong pumuntang cafeteria kailangan mo lang bumaba sa malahiganteng slide. Nakakatakot kaya bumaba dyan. Ang dulas!" Bakas sa mukha ni Bernice ang pagkairita.
"Ito naman ang way papunta sa Dean's Office pero huwag na tayong pumunta pa at ang weird d'yan. Nakakaloka!" Saad naman ni Kate kaya tumango na lamang ako sa kan'ya.
"Gusto mo bang puntahan ang pinakamagandang attraction dito?" Napalingon ako kay Sally at bakas sa mukha nito ang pagkamangha at pagkaloko.
Nahuhulaan ko ng nakakatakot at hindi maganda ang ipapakita niya sa akin.
"Let's go! Hindi ka mage-enjoy sa buong school year kung hindi mo 'to makikita!" Saad nina Bernice at Kate bago ako hinila patakbo.
Sumabay na lamang ako sa kanilang pagtakbo.
Kitang-kita mo sa bawat pagilid kung ilang taon na ang eskwelahang ito. Tila ba napaglipasan na ng panahon pero ang tanda nito'y nagdadala pa ri ng ganda sa bawat taong makakakita.
"And here it is.."
Napalingon kaagad ako sa isang malaking bahay na itinuturo ni Sally sa akin.
Tila ba nagbuga ng yelo ang kalangitan at nanigas ako sa aking kinatatayuan.
Tandang-tanda ko pa ang maliligayang araw namin dito kasama sila. Silang walang malay sa mga posibleng mangyari.
Nanginig ako ng maalala ko ang pagkuha ng brush ni Sally mula sa kwarto ni Madre Teresa.
Tulayan na akong nanghina ng maalala ko din ang brutal na krimeng nangyari kay George.
"Tasia! What's happening to you?" Nag-aalalang tanong ni Kate sa akin.
Napakapit na lamang ako sa kanilang tatlo bago unti-unting iniupo ang sarili ko sa sementadong lupa.
Napahawak ako sa aking ulo bago tuluyang nawalan ng malay.
"Papatayin ko kayong lahat. Papatayin ko kayang lahat."
"Fuck! Anong nangyayari sa kan'ya?"
"Bakit iba ang boses niya?"
"Tasia wake up!"
YOU ARE READING
Wake Up
HorrorShe came closer to me and whispered.. "Wake up Tasia..." Book 2 of Dean's Office