Kabanata 1

19 7 0
                                    

Anastasia's Point of View

"OMG! What happened to her?"

Nagising ako ng dahil sa kaingayan na nanggagaling lamang sa aking gilid. Sinubukan kong gumalaw ngunit mas lalong sumakit ang aking ulo.

Anong nangyari?

"Quite guys! Maawa't mahabag naman kayo."

Halos hindi ko maidilat ang aking dalawang mata. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay para akong binugbog ng limang tao. Napakahapdi at napakasakit.

"Guys look! Nagigising na siya!" Rinig kong sigaw ng babae sa kanyang mga kasama.

Idinilat ko ang aking dalawang mata at bumungad sa akin ang hindi lalagpas sa sampung mga babae't lalaki.

"Ayos ka lang ba?"

Teka sino ba sila? Kanina pa ako nandito pero hindi man lang nila ako tinayo o tinulungan.

"Oo okay lang-"

Napatigil ako sa pagtayo at napatulala sa kanilang lahat.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Sila ba talaga 'to? Bakit ganito? Akala ko panaginip lang ang lahat lalo na kanina. Si Dean! Baka si Dean ang may gawa sa akin nito! Pero bakit hindi niya ako kinuha? Nadulas lang ba ako? Nadulas pero bakit ganito? Si Sally? 'Di ba patay na siya? Silang lahat patay na sila 'di ba?

Napahawak na lamang ako sa aking ulo sa sobrang daming katanungan na pumapasok sa aking utak.

Nakakabaliw 'to! Anong nangyayari sa akin? Huwag niyong sabihin na mauulit na naman ang lahat?

"Ayos ka lang ba? Mukha kang nakakita ng multo ha." Nagtatakang tanong sa akin ni Sally.

Na-miss ko siya. Akala ko sa panaginip ko na lamang siya makikita pero mukhang mas okay ng panaginip na lamang iyon lahat.

Tinulungan niya akong tumayo. Napahawak kaagad ako sa aking ulo ng bigla na naman itong kumirot.

Ano ba talagang nangyari?

Napatingin kaming lahat sa may pinto ng may biglang pumasok.

Si Jaydee..

"Oh yelo." Abot niya sa akin kaya kaagad ko naman itong tinanggap.

Napatulala ako sa sobrang pagkagulo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano na lang pagsinabi ko sa kanila ang lahat? Anong iisipin nila? Baliw ako? Na baliw ang bagong transferee sa school nila?

Oh my gosh!

"Thanks.."

Naguguluhan pa rin ako sa lahat ng nangyayari. Alam ko panaginip lang ang lahat. Pero bakit ganito? Anong nangyayari? Bakit nandito sila? Bakit nandito ako?

"I think you need some rest. Magpahinga ka muna. I'll fix your things don't worry. Sa susunod kasi huwag kang maglakad-lakad kung saan-saan habang nawawala 'yang sabon mo." Saad ni Kate sa akin.

Tinungo ko ang aking kama at doo'y humiga.

Naguguluhan pa rin ako sa lahat ng nangyayari. Noong sa panaginip ko, nagkita-kita kami sa isang puno which is parang ngayon na nagkikita kami pero hindi nga lang 'don. Si Sally din ang unang pumansin sa akin. Sumunod si Jaydee, pagkatapos si Kate. Sinong susunod? Si Jill?

"Ano bang name mo?" Tanong ni Jill sa akin habang nakahalumbaba sa gilid ng aking kama.

Sabi na nga ba. Nakakabaliw na talaga 'to! Ano ba talagang nangyayari sa'kin?

"I'm Anastasia." Alam kong nahahalata nilang pilit lang ang aking ngiti.

"Nice to meet you Anastasia! Nga pala ito si Sally." Turo niya sa babaeng nakaupo sa couch ng aking kwarto. Kumaway ito sa akin kaya kumaway rin ako pabalik.

Wake Up  Where stories live. Discover now