Anastasia's Point of View
"Maaari ka nang makapasok sa iyong silid binibini."
Tumango na lamang ako sa kan'ya bago siya binigyan ng isang awkward na ngiti.
He's creeping the hell out of me. Nakakatakot ang kan'yang mga titig na parang isang maling galaw ko lang ay susugurin niya ako at papatayin.
I know I'm overreacting but that's exactly what I am noticing. Simula sa gate hanggang dito sa ika-anim na palapag ng aking silid ay ganon pa rin ang kan'yang tingin at ngiti.
Sinigurado ko munang naka-lock ang pintuan ng aking dorm bago dire-diretsong tinungo ang aking kama upang makapagpahinga na muna.
Pabagsak ako ng humiga sa aking magiging kama bago diretsong tumingin sa puting kisame.
New school, new dorm, new environment. I hope my life here will be fine. Mahirap pa naman mag-adjust sa mga hindi mo nakasanayan.
Napabalikwas ako nang bangon nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong faded jeans.
Kaagad kong tiningnan ang pangalan ng caller at bumungad sa akin ang pangalan at litrato ng aking kaibigan.
"Hello?" Maang kong tanong at bati sa kabilang linya.
"Kumusta naman ang kaibigan kong nang-iwan dito sa pinaka-ayaw naming eskwelahan?"
Marahan kong inilayo ang aking phone sa aking tainga nang sumigaw ang maingay kong kaibigan.
Kahit kailan talaga ay napakaingay niya. Ewan ko lang talaga kung bakit ko siya naging kaibigan kung halos kabaliktaran ko naman ang kan'yang ugali.
"Can you lower down your voice? Napakaingay mo talagang babae ka." Mariing saad ko sa kan'ya bago ulit humiga at tumitig sa kisame.
And yes mahilig talaga ako tumingin sa kisame.
"First of all, normal na ang boses kong 'to. Secondly, bakit ko naman susundin ang kaibigan kong nang-iwan sa akin dito?"
Napatawa ako sa kan'yang sinabi. Hindi naman siya nagtatampo. Siguro kaunti lang pero galit? Never pa naming naramdaman 'yan sa isa't isa. Hindi namin kayang magalit sa isa't isa. Siguro inis pwede pa.
"We already talked about this right? Matanda na ang driver namin kaya hindi na siya pinag-drive ni Mom at ginawa na lang maintenance ng garden. Hindi pa rin naman nakakakuha ng matinong driver si Mom after ng panloloko ng bago naming hire na driver. Nadala si Mom dahil do'n. Mahihirapan naman siya kung ihahatid at sundo niya ko galing d'yan 'di ba? Masyadong mahaba ang byahe at hindi masyadong okay 'yon sa health ni Mom."
"Okay fine! Whatever your reason is! Basta mag-ingat ka lang d'yan at tumawag ka kaagad sa amin if something bad happened. And I hope wala kasi wala ako r'yan para maging superhero mo!" Napangiti naman ako sa kan'yang sinabi. "Anyway kasama ko ngayon si boyfrined at may date kami! Bye na okay? Ingat ka r'yan and I love you even if it is ew."
"Bye! Ingat din kayo. You really love me huh? Anyway I love you too my lovely munchkin." Natatawa kong asar sa kan'ya hanggang sa marinig ko ang nakakarinding "Ew!" niya sa kabilang linya.
Binaba ko na ang tawag at tumayo ulit upang makapag-ayos na ng gamit. Nilapitan ko ang aking luggage at hinila ito hanggang sa maipatong ko ito sa aking kama.
Binuksan ko ang zipper nito at isa-isang nilabas ang aking mga damit at gamit. Sa tantsa ko'y kasya naman ang lahat ng gamit ko sa provided nilang built-in cabinet.
Una kong inilabas ang mga kakailanganin ko sa paliligo upang makapaglinis na rin ako ng aking sarili. Namili na rin ako ng aking susuotin upang ipangtulog at napagpasyahang sa loob na lamang ng comfort room magbihis.
Kukuhanin ko na sana ang mga gagamitin ko ng biglang may nagpop-up sa phone kong picture ng bestfriend ko kasama ang kan'yang boyfriend. Isa itong litrato habang nagsusubuan sila ng isang piece ng beef steak. May caption din ang litratong 'Mainggit ka!'.
Napailing na lamang ako at napatawa sa aking nakita. Lagi niya talaga akong inaasar tungkol sa lovelife. Wala ninuman akong naging boyfriend o kahit ka-MU man lamang. Mas nasa interes ko pa ang pag-aaral at pagbabasa ng mga paranormal books kaysa ang mang-entertain ng lalaki.
Bata pa naman ako at marami pa akong makikilalang lalaki.
Muntik ko nang mabitawan ang aking telepono ng biglang namatay ang ilaw. Napatingin ako sa kisame na kung saan doon nakasabit ang ilaw at hinintay ulit itong magbukas ngunit hindi ito nagbukas pa kaya tinungo ko na ang switch ng ilaw na malapit sa may pintuan ng aking kwarto.
Pinindot ko ang off button nito at muling pinundot ang on button. Bumukas naman ito kaagad kaya napabuga ako ng hangin at kaagad ding tinungo ang kama kung saan nando'n ang mga gamit kong kakailanganin ko ngayon.
Kinuha ko na ito at dinala ang aking phone upang gawing flashlight kapag muling namatay ang ilaw sa buong kwarto.
At hindi nga ako nagkamali. Wala pa ako sa kalagitnaan ng aking paglalakad ng bigla ulit namatay ang ilaw sa buong kwarto.
Kaagad kong binuksan ang aking phone upang buksan ang flashlight nito. At sa paggalaw ko'y nahulog ang sabon at toothbrush na aking gagamitin sa paglilinis.
Itinapat ko ang ilaw na nanggagaling sa aking phone sa sahig upang hanapin ang nahulog kong gamit. Kaagad ko namang nakita ang aking toothbrush ngunit mukhang napalayo ang aking sabon dahil sa dulas na dulot nito.
Kinapa ko lamang ang sahig upang mahanap ang aking nawawalang gamit. Hanggang sa may nakapa akong mabasa-basa at medyo madulas na bagay. Itinapat ko ang aking phone sa nahawakan kong bagay at halos manlumo ako ng makita kong pula itong likido na may isang papel na may nakasulat na numerong '666'.
Napabitaw ako sa hawak kong papel at kaagad na gumapang papalayo sa dugong aking nahakawan. Kaagad akong tumayo at tinahak ang pintuan upang makalabas ng aking kwarto.
Kaagad ko itong binuksan ngunit hindi hallway ang bumungad sa akin. Kung 'di isa pang lumang kwarto na kung saan may ginagahasang babae.
Mas lalo akong natakot sa aking nakita kaya muli akong tumalikod ngunit isang dibdib ng isang lalaki naman ang sumalubong sa akin.
Napalunok ako at dahan-dahang itinaas ang aking tingin upang makita ang mukha ng lalaki. At hindi nga ako nagkakamali.
Siya nga!
"Magandang gabi sa iyo binibini!"
Kagaad akong tumakbo papalayo sa kan'ya ngunit nahawakan niya kaagad ang buhok kong mahaba. Hinila niya ako gamit ang aking buhok kaya napasigaw na lamang ako sa sakit na naidulot nito sa akin.
Marahan niya akong hinarap sa kan'ya at hinawakan ang aking ulo habang nakasabunot.
"Kamusta naman ang binibini?"
Nakipagtitigan lamang ako sa kan'ya ng walang takot.
"Hindi ako natatakot sa'yo." Seryoso at matigas kong saad sa kan'ya.
Lumikha ng malakas na ingay ang kan'yang demonyong tawa. Lalong nanlisik ang kan'yang mga mata at ilang pasensya na lang ang natitira kaya mapapatay niya ako sa kahit anong oras.
"Isa ka talagang demonyo!"
At naramdaman ko na lamang ang pagbulwak ng aking sariling dugo sa aking bibig.
Lalo niya pang idiniin ang kan'yang pagkakasaksak sa akin at pinaikot-ikot ang kutsilyo nito sa aking sikmura upang magkalasog-lasog ang aking mga laman-loob.
Nakaramdam ako ng panghihina at marahang napahawak sa kan'yang malaking balikat.
Unti-unting bumagsak ang aking katawan sa sahig ngunit may pilit na bumubulong sa akin.
"Stay awake Tasia."
Hanggang sa hindi ko na kinaya pa ang bigat ng pagkapos ng aking paghinga.
Naramdaman ko na lamang ang sarili kong nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili kong dugo.
Unti-unting bumigat ang aking dalawang talukap hanggang sa tuluyan na akong malagutan ng hininga.
"We're not yet done Dean."
YOU ARE READING
Wake Up
HororShe came closer to me and whispered.. "Wake up Tasia..." Book 2 of Dean's Office