Anastasia's
"Is she okay?"
"What happened?"
"What if we bring her to the clinic?"
Nagising ako dahil sa kaingayang nanggagaling 'di kalayuan sa akin. Ang sakit ng ulo ko kaya hindi ako masyadong makatingin ng ayos.
Kaagad na lumapit sa akin si Sally nang maaninag niya akong nakadilat.
"Are you okay Anastasia?"
Hindi ko magawang makasagot sa kan'yang tanong. Nanghihina pa rin kasi ako at hindi makahinga ng ayos.
"Gusto mo bang tawagan namin si Tita?" Napalingon ako kay Charles at marahan na umiling.
Ayoko nang malaman pa 'to ng pamilya ko. Ayokong mag-alala pa sila sa akin. Wala rin naman akong mapapala dahil hindi rin naman nila ako papauwiin. Mabuti ng huwag na nilang malaman pa at gagaling din naman kaagad ako.
"Do you want to eat?" Nabaling ang atensyon ko kay Jaydee.
"Water.. I want water..." Halos pabulong kong saad ngunit sapat upang marinig nilang lahat.
Kaagad na kumilos si Jaydee at tinungo ang kitchen ng aking kwarto. Binuksan niya ang ref doon at kinuha ang isang bottled water. Binuksan niya rin ito at kaagad na ibinigay sa akin.
"Iupo muna natin siya para makainom siya ng ayos." Rinig kong saad ni Bernice at nagtulong-tulong naman silang iupo ako sa aking kama.
Sa mga nararanasan ko ngayo'y para akong may malubhang sakit. Ngunit wala ako no'n at talagang nanghihina lang ako kaya hindi ko magawang makakilos.
Kinuha ni Kate ang tubig at tinulungan ako nitong makainom.
Tila ba nagkaroon ako ng lakas nang maramdaman kong dumampi ang tubig sa aking lalamunan.
"Salamat." Mahina kong saad.
"Pinag-alala mo kami Tasia." Saad ni Kate habang sinasara ang bottled water.
"Ano bang nangyari sa'yo? Nakita mo lang ang bahay ni Madre Teresa nanghina ka na. May nakita ka ba ro'n o may naramdamang kakaiba kaya ka nanghina?" Bakas sa mukha ni Bernice ang pagtataka.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Wala akong kasigaraduhan do'n at masyadong delikado kung sasabihin ko sa kanila.
"Baka naman takot ka sa mga nakakatakot na bagay. I mean guys we have different phobias right? Baka doon ka mahina." Paliwanag ni George.
Narinig ko namang napasang-ayon ang iba sa kan'yang sinabi. Hindi ako takot sa mga gano'ng bagay. Hindi lang talaga nila alam ang kung anong nalalaman ko tungkol doon. Mahirap kasi masyado at baka maging komplikado pa ang lahat.
"What if dalhin natin siya ulit do'n?" Napalingon ang lahat kay Sally. "Face your fear kumbaga!" Nag-aalangang saad nito.
Nagkatinginan ang lahat sa kan'yang sinabi. Kung sumang-ayon man sila'y wala akong magiging problema ro'n.
"Is it okay to you Tasia?"
Ngumiti ako bago siya sinagot. "It's okay for me." Marahan kong sagot.
"3 o'clock in the afternoon we will go there. Mag-ayos muna tayo guys." Saad ni Sally sa lahat.
Binalingan naman ako ng tingin ni Savior.
"Don't worry I will not leave you here because Sally ordered me to do so." Sabay upo niya sa coach na nakatapat sa akin.
"Thank you." I mouthed to him kahit na kumirot ang puso ko nang malamang hindi pala bukal sa loob niya ang pagbabantay sa akin dito.
YOU ARE READING
Wake Up
HorrorShe came closer to me and whispered.. "Wake up Tasia..." Book 2 of Dean's Office