Anastasia's Point of View
"Sorry for what happened earlier."
Nandito kami ngayong dalawa ni Sally sa cafeteria. Niyaya ko kasi siyang kumain and it's my treat. Pambawi man lang sa nagawa ko kanina.
"It's okay Tasia. I know I shouldn't use Madre Teresa's stuff."
Nginitian niya ako na nagsasabing okay lang siya sa aking ginawa.
Hindi ko naman kasi ginawa 'yon dahil naiinggit ako. Ginawa ko 'yon dahil alam ko ang posibleng mangyari. Mangyari man iyon o hindi at least safe siya at wala siyang kinuhang gamit ni Madre Teresa na pwedeng maging dahilan ng isang hindi magandang pangyayari.
"Anyway which school are you from?" Saad niya bago kumuha sa katapat naming plato ng pagkain.
"I'm from Madison University." Maikili kong sagot sa kan'yang tanong.
Tila ba nagningning ang kan'yang mga mata nang marinig niya ang aking sagot.
"That's my dream school!" Napakalaki ng ngiti nito at talaga namang tuwang-tuwa siya sa kan'yang narinig. "So can you tell me about it?"
Napatawa ako bago sinubo ang carbonara sa aking bibig.
Maling-mali ang narinig na feedback ni Sally sa eskwelahang 'yon. Sinusumpa kaya namin 'yon ng kaibigan ko. Maganda lang siya kasi talaga namang maganda ang itsura at kaakit-akit ang eskwelahan pero walang-wala naman ang mga estudayante.
They're all ignorant!
Ultimo mga teachers ay akala mong mga perpekto kung mamahiya ng estudyante. Naalala ko noon kung paano ako pagtawanan ng mga classmates ko sa kadahilanang hindi ko masunod-sunod ang ginagawa nilang pagbe-bake ng cookies.
Hindi kasi ako mahilig mag-bake! At isa pa, hindi ko pinangarap mag-bake!
Naiwan ako mag-isa no'n at sinabihan ng teacher namin na hindi ako lalabas mula sa cookery room hanggang hindi ko natatapos at nasusunod ng maayos ang step by step procedure kung paano mag-bake ng cookies.
Pero blessing in disguise rin 'yon dahil doon ko naman nakilala ang kaibigan ko. Tinulungan niya kasi ako at tinuruan kung paano ang tamang mga sukat. Mahilig kasi siyang mag-bake kaya basic lang sa kan'ya 'yon.
"You shouldn't dream of that school." Napangisi ako bago tinuloy ang aking sasabihin. "Honestly the school's ambiance is really good. Wala ka talagang masasabi dahil wow talaga ang paligid at itsura but the students? It's a big no for me!"
Sumipsip ako sa milk tea kong hawak nang maalala ko ang ginawang pang-aaway ng mga Senior sa aking kaibigan. Imagine we're just sophomores that time pero pinatulan pa rin kami ng mga Senios.
Kasalanan ba ng kaibigan ko kung maganda siya at gustuhin? It's unfair right?
"Why? The students seem to be kind. Especially you! You're kind naman ah. What's wrong?" Bakas sa mukha at boses nito ang pagtataka.
May mga mabubuti namang loob pero bilang lang talaga. At kung mabait ka sa eskwelahang 'yon ay aapihin ka ng mga feeling anak ng owner ng school.
Dinaig pa nga nila ang mismong anak ng owner! Sobrang bait kasi nito at mabuti na lang talaga ay anak siya kaya naman hindi siya kayang apihin ng mga matapobreng estudyante roon.
"Sally, 3 out of 10 lang ang may mabuting loob do'n. They're all ignorant at lahat sila doon ay matapobre! Alam mo bang kawawa ang mga scholar do'n?"
"Why? I mean anong ginagawa nila sa mga scholar?"
Muli akong sumipsip sa aking hawak na milk tea.
"Bullying is still an issue to that school. I don't know. We should be mature enough but ayon para pa ring mga isip bata." Napailing na lamang si Sally dahil sa mga kinuwento ko sa kan'ya.
"Sayang naman! Doon ko talaga pinapangarap na pumasok kaso ng dahil sa nalaman ko parang nawala lahat?" Halata sa mukha niya ang pagkadismaya dahil nga sa dream school niya ang Madison University.
Napasimangot naman ako nang makita kong lumungkot ang kan'yang mukha.
"Ano ba? Bakit ka napasimangot? Okay lang 'yon 'no! Atleast nalaman ko na gano'n pala ang sistema sa eskwelahan na 'yon. Mabuti rin na at nalaman ko kaya salamat." Saad niya sa'kin nang nakita niya 'kong nalungkot rin.
Bigla naman nagbago ang kan'yang mood. Kanina lamang halos manlumo na siya sa nalaman niya pero ngayon ay parang wala siyang narinig. Wala pa rin talagang pinagbago 'tong si Sally.
"Ilang taon na nga pala kayo rito?"
Pinunasan niya ang bibig niya gamit ang tissue niyang hawak bago nagsalita.
Hindi ko alam na sobrang elegante at ganda pala talaga ni Sally. No wonder kung bakit nililingon siya ng ibang mga estudyante habang naglalakad kami kanina.
"Kate, Bernice, and I were best friends. We're studying here for almost 7 years since lumipat kami no'ng junior high school dito."
Tumango naman ako habang sinusubo ang carbonara sa aking bibig.
Hindi ko rin mapigilang panoorin kung gaano ka-graceful at kasosyal kumain ng spaghetti si Sally.
"Si Charles at Jill naman ay lumipat noong senior high school. Samantala si George naman ay kakalipat lang din ngayong first year college. 'Yon nga lang matagal na namin siyang kakilala since tropa namin siya sa ibang eskwelahan noong senior high school kaming lahat."
Uminom siya sa hawak niyang iced coffee at muling nagsalita.
"Si Jaydee at Savior naman ay matalik na magkaibigan dahil halos dito na sila lumaki. Kinder pa lang silang dalawa ay dito na sila nag-aaral ngunit noong sumapit ang 2013 ay tinanggal na ang kinder at elementary kaya silang dalawa na lamang ang natitirang matatag dahil lumipat na ang iba nilang kasabayan."
Tumango muli ako. Kung tutuusin ay wala ito sa aking panaginip. Katulad na lamang ng sinabi ko ay lahat kami roon ay mga transferee. Nagulat na nga lang ako at matagal na pala silang nag-aaral dito kaya alam kong marami silang alam.
"Sally curious ako sa eskwelahang 'to."
Napalaki ang dalawa niyang mata sa aking sinabi ngunit kaagad niya iyong binawi. Pinunasan niya muli ang kan'yang bibig bago niya hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesang kinakainan namin.
"Don't let the curiousity kill the cat. Just be a normal student here and everything will be fine."
Nginitian niya 'ko bago nilapag sa harapan ko ang ubos ng iced coffee. Nagpaalam naman siya sa'king mauuna na siya dahil kanina pa raw siya hinihintay ni Savior sa dorm niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako dahil mukhang babala ang sinabi niya sa akin. Mukhang ayaw niyang malaman ko ang sikreto ng eskwelahang 'to.
Ngunit pasensya siya dahil sa aming dalawa ay mas marami akong alam. Mas marami akong alam sa mga posibleng mangyari ngunit sa tingin ko'y hindi ko pa rin natutuklasan ang lahat ng nababalot na misteryong mayroon dito.
YOU ARE READING
Wake Up
TerrorShe came closer to me and whispered.. "Wake up Tasia..." Book 2 of Dean's Office