CHP#10 Is It A Date?

1K 43 2
                                    

Bianca's pov

It's been 4 months April 28 na, I now have this guts to break up with Paul.

—Flashback—

Umuwi ako sa apartment namin ni Paul, dahil ang sabi ni Bakla kung gusto ko daw makipag break sa kanya, i break ko daw siya in person wag text, mas masakit daw kase pag sa text lang. Kaya ngayon nandito ako sa harap ng pinto ng apartment, kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

Laking gulat ko lang na hindi si Paul ang nag bukas kundi isang babae.

"Ano po kailangan nila?" Nagdilim ang paningin ko ng ngitian pa ako nung babae. Nakita ko si Paul na walang suot pangitaas.

"Who is that?— Sh*t! Bianca.." tumalikod na ako ng tawagin ako ni Paul.

Hinawakan niya ang kamay ko at siya naman biglang pag tulak ko dito.

"Bianca.. it's not what it looks like." Huh? Pa english english kapa..

"What i see is what i see, siya ba pinalit mo sa akin? Ang cheap mo naman!" He sighed. Ano? Hindi ko pinapakita na nasasaktan ako, pinapakita ko na hindi siya kawalan, lalaki lang yan.

"Let me explain." Hindi na kailangan,

"No need, I came here just to say. IM. BREAKING. UP. WITH. YOU." Nginitian ko lang ito, at umalis na, naglakad ala model,

"F*ck!" Rinig ko siya namang, F*ck, F*ck , F*ck F*ck F*ckin niya mukha niya.

—End of flashback—

But now Im finally free.

"Hoy beybe?! Ngiti ngiti mo dyan!" Tanong ni Jeffrey, ito naman si Bakla hindi ba pwedeng maging masaya ako ngayon, kaloka!

"Eh kashe lalabash daw kami ni Yuan hihihi." Sagot ko rito, tumayo siya sa kama at saka siya sinundot sundot ang tagiliran mo.

"Ayy bakla ang pabebe mo. Maypa eh kashe eh kashe kapa diyan," ngumiti lang ako, Yuan kase ang sweet niya kaibigan ko lang naman yun.

"Ay ay.. ano yan? Maypa ngiti ngiti kapa diyan." tinignan ko lang ito nang masama, ngayon nalang ako naging masaya, tutol pa ang bakla.

"Oh halika dito." Hinatak niya ang upuan at pinaupo ako doon.

"Me-make upan kita, yung mga fresh lang, marangal lang, yung tipong Virgin, CHAROT!" Nanlaki mata ko at parang sasabog ako sa tawa.

"Okay okay. Sige pagandahin moko!" Sabi ko naman dito.

"Okay na." Anong okay na, eh wala pa naman siyang nilalagay sa mukha ko.

"Maganda ka na." Tinignan niya ako ng pabebe look.

"Ayy bongga gusto ko yang mga banat mo, Ah Luv Eht!" Sigaw ko at sa ako nakipag high five kay bakla.

Hindi rin pala fashion designer yan, make up artist din,

"Ano gusto mong kulay?" Tanong nito sa akin.

"Kulay? Ahmm.. gold at saka red." Nginitian niya ako at saka siya nag dutdut sa eye Palette niya.

After couple of minutes

NGRLG 2: Let's Get Back Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon