CHP#11 Encounter

1K 42 1
                                    

Dominic's pov

Makikipagkita ako kay Twin. Kailangan kong magpa gwapo, kahit na kinikilala lang niya akong kaibigan, dapat magmukha parin akong disente sa paningin niya. pupunta ako sa Condo ni Jeffrey.

Nakaboxer palang ako, hindi ko alam susuutin ko. Shorts nalang since its summer, at polo at pinalooban ko ng white sando. Nakaawang yung polo para hot, baka may makakilala sa akin, at mukha akong dugyot, nah ah ah darling.

I'm now driving on the way sa unit si Jeffrey, wondering anong ginagawa ngayon ni Twin.

Nag doorbell naman ako at kaagad naman binuksan ni Jeff.

"Sino— Ow sh*t! Papa Dom? Ano ginagawa mo dito?" Hindi na ako nag salita at pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Twin sa Kusina may kasamang lalaki, nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko maaninag mukha.

"May bisita ka yata Jeff." Tinignan ko ito, anyare sa baklang to?

"Ahh hindi saakin bisita yan, kay Bianca." Huh?? Sino yan? Si Zayn ba yan?? No way!! No freaking way!!

Napagawi yung tingin ni Twin sa akin at saka niya ako nginitian.

"Hey! Dom, dito!" Pinaupo niya ako at hindi si Zayn ang bisita niya.

"May I now your name mister?" Naglalagkit ang tingin ko rito, who the hell is this guy? Manliligaw ba? Bakit hindi ko alam.

"Yuan Kim." At saka niya inabot yung kamay niya, tinapik ko lang to' lakas ng loob ligawan kapatid ko.

"Anong ginagawa ng lalaki nato dito?" Tanong ko kay Bianca sabay turo sa ugok na to'

"Ano kaba Dom? Lumabas lang kame, hinatid niya lang ako dito." Hala!! Anong lumabas lumabas?!!

"Saan kayo pumunta? Ano ginawa nyo don? Huh? Bianca?" Nakatingin lang siya sa akin, OA naba ako?
Pati yung lalaki nakatingin sa akin.

"Im already 31. I can manage myself." 31, 31, walang age basta ikaw parin baby ko, si Kuya Chad nga may anak na, pero hindi ko alam kung nasaan, kaya ako nalang kasama niya, papabayaan ko paba siya.

"Ikaw?!" Sabay turo ko kay Yuan ba yun? Oo..

"Ano balak mo sa kapat— kaibigan ko? Kikilalanin muna kita bago mo mapasagot si Bianca."
Sinamaan ko lang ng tingin yung lalaking yun.

"I don't know who you are, but Im not courting Bianca, we're just friends." Shushal amp*ta maypa english english pa, hinamon moko, hinahamon kita, maghamunan tayo.

"Whatever your status with my sister, I don't—" napatakip nalang ako ng bibig at nakita kong nanlaki mata ni Bianca.

"Dom? What are you talking about? Im not your sister." Hayy.. sakit naman nun.. inaabanduna nako ng kapatid ko.

"Nahawa lang ako kay Jeff, minsan kase sister tawag sayo, hindi ka naman madre, *bakit hindi para masaya*" bulong nalang yung huli, buti nalang nakalusot ako.

"Nababakla ka naba? Don't tell me beybe karin?!" Natutuwa pa siya, ganitong pormahan may gold chain, pinagaagawan ng babae. Mukha paba akong bakla non?!

"Pakita ko pinundar ko sa gym." Tumayo ako at itataas na sana ang sando ko para ipakita ako six pack ko, pinigilan ako ni Yuan.

NGRLG 2: Let's Get Back Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon