-Kabanata 3-
Mabigat sa dibdib kong humarap muli sa kumpanya matapos nang hindi ko na masilayan ang sinasakyan ni Morgan. Impit akong napahikbi nang bumalik sa aking isipan ang ginawa niyang pagtalikod sa akin.
Bakit ganoon? Bakit siya pa ang galit? Gayong kung iisipin ay ako ang dapat may karapatang magalit sa kaniya.
Ngunit sa kabila ng lahat ay heto ako, umaasa! Ang tanga ko! Ang laki kong tanga! Kunwari ay nagagalit ako sa kaniya subali't ang totoo niyan... naghihintay lang naman akong suyuin niya! Ganito yata ang pakiramdam kapag mahal mo pa ang isang tao, nagiging tanga ka.
Muling bumuhos ang mga luha ko. Marahan akong sumandal sa pader nang makaramdam ako ng labis na panghihinayang. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganito. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito.
Ano ba ang ginawa ko upang maparusahan ng ganito?
Kagat ko ang ibabang labi ko habang marahang pinagsusuntok ang aking dibdib. Marahas akong napabuga ng hangin at saka nag-angat ng tingin. Ngunit nadagdagan lamang ang paninikip ng aking dibdib nang makita ko ang kumpanya. Agarang pinangiliran muli ng mga luha ang aking mga mata nang maalala ang mga pinagdaanan ko upang makapagtrabaho rito.
Ilang minuto ang nakalipas ang ginawa kong pagtitig dito hanggang sa napagdesisyunang ko nang pumasok sa loob. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya nang may makita akong empleyado na nakatingin sa akin.
Siguro'y nagtataka sila kung bakit hindi ako naka-uniporme gayong araw ngayon ng aking trabaho. Nang akmang tutulo muli ang aking luha ay agad ko itong pinahiran.
Bahagya akong yumuko at nagmamadaling lumapit sa entrance. Ngunit hindi pa man ako nakapasok ay may dalawa ng security guards ang humarang sa akin. Mabilis akong napa-angat ng tingin at nagtatakang tumingin sa kanila.
"B-bakit po?" tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.
Subukan ko mang kilalanan sila ay hindi ko magawa. Mukhang mga baguhan dahil ngayon ko lang sila nakitang naka-nakatalaga rito. Kaya ganoon na lang ang pangungunot ng aking noo habang nakatitig sa kanila.
Sa huli ay sila rin ang naunang nagbaba ng tingin. "I.D niyo po ma'am?" tanong ng may medyo katabaan na security guard.
Sa kabila niyon ay lumilitaw ang namumutok niyang muscles. Ang makapal niyang bigote at ang nangungunot niyang noo ay nakakatakot kung tingnan. Subali't hindi ako nagpakita nang kung anumang emosyon sa kaniya.
Akmang magsasalita sana ako nang may bigla akong napagtanto. Mas lalong kumunot ang aking noo. Bahagya pang tumagilid ang aking ulo upang pagmasdan sila ng mabuti.
I wonder why they just act like this...
Kailan pa naging ka-istrikto ang kumpanyang ito pagdating sa pagpapasok ng empleyado?
Nakakapanibago...
Sa pagkakataong ito ay hindi ko maiwasan ang mapangiti ng mapait kasabay niyon ay ang aking pag-iling nang paulit-ulit. Mariin akong kumurap-kurap at muling nag-angat ng tingin. Walang ingay akong napalunok at dahan-dahang kinuha ang aking I.D sa loob ng tote bag.
Nang makuha ko na ito ay agad kong ipinakita sa kanila, "Heto po..." saad ko habang inaabot sa kanila ang I.D ko. Ngunit bigla akong nagtaka nang magtinginan silang dalawa. Napatungo silang dalawa at sabay pumikit ng mariin na may kasamang pagkamot ng batok. "B-bakit po?" tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.
Subali't hindi nila ako pinansin. Sa halip ay tinalikuran nila ako at agad nagbulungan. Maya-maya pa ay may tinawagan ang isang security guard na may katabaan at ang isa naman ay tuwid na tumayo at humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
My Badass Boyfriend (Under Revising)
General FictionCleiya Delano has a boyfriend named Morgan Savedra, a successful bachelor in town and the new Chief Executive Officer of the Savedra Company. However, despite Morgan's luxurious life, he has a deep sense of insecurity. At this point, Morgan becomes...