Simula

26.3K 292 6
                                    

Warning: This chapter contains some intense violence! You might be disappointed and will get offended by this scene.

-Simula-

Maingay na mga musika. Malakas na mga halakhak. Kababaehang nakasuot lamang ng kakarampot na sapin sa katawan. Mga kalalakihan na nagtatawanan habang nag-iinuman. Iyan ang aking makikita sa aking kapaligiran.

Nakatayo ako sa gilid ng buffet table. Kung saan nakahilera sa ibabaw nito ang iba't ibang pagkaing hinanda para sa kaarawan ng dati kong kamag-aral na si Jennifer Esteva. Isa ako sa kaniyang inanyayahang dumalo na kung saan ay pinag-isipan kong mabuti.

In recent days, my mind has been in turmoil, I have thought a lot. Ang buhay ko ay parang isang bato sa putikan na kaunting tapak lang ay lulubog nang tuluyan. Nasa sitwasyon ako ng buhay ko ngayon na gusto ko nang sumuko.

"Cleiya! I'm glad you're here!"

Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang masayang pagbati sa akin ng isang lalaki. Nakangiti siyang kumakaway habang papalapit sa akin. I stood straight and composed myself in front of him.

"H-hi..." I greeted with a strained smile on my lips. "L-long time no see, Raymund!"

Tumawa lang siya at akma sana akong yakapin. Nang bigla na lang may humila sa akin. My eyes widened in shock, as my heart beat fast. In the middle of my panic, I saw how the smile on Raymund's lips disappeared.

"What the! Hey!" sigaw niya, akma sana kaming sundan ngunit may humarang sa kaniya.

Sa gulat kong naramdaman ay wala ni isang salita ang lumabas mula sa aking bibig. Ni ang umangal ay hindi ko nagawa. Patuloy lamang akong hinihila patungo kung saan.

My whole system is full of unexplained emotions. The heat I had felt earlier had disappeared and the cold had replaced it. Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa dulo ng hardin. Doon ako nahimasmasan, marahas kong binaklas ang aking braso sa taong may hawak sa akin.

"Ano ba?! Bakit ka nang—" awtomatikong umurong ang aking dila nang makilala ang lalaking nasa aking harapan.

Morgan...

Kusang tumulo ang aking mga luha nang makita ang kaniyang nagngangalit sa galit na mukha.

"Hell, yeah! It's me!" malakas na sigaw niya na nagpanginig ng aking mga kalamnan.

"M-Morgan, a-ano ang ginagawa mo rito?" ninenerbiyos na tanong ko. Subali't wala akong natanggap na tugon mula sa kaniya. Patuloy lamang siya sa pagtitig sa akin ng matalim.

Ramdam ko ang kaniyang galit. Ang paraan ng paghinga niya ay mas lalong nagpakaba sa akin. Nang muli kong bawiin ang aking braso sa kaniya ay bigla na lamang niyang dinakma ang magkabilang balikat ko.

Napadaing ako kasabay nang muli kong paghikbi. "N-nasasaktan ako, Morgan. Please, b-bitiwan mo ako." Sabi ko sa nangungusap na tinig.

Nangangatal ang aking katawan hindi dahil sa hangin na dumadaplis sa aking balat kundi sa takot kong nararamdaman. Mabilis ang tibok ng puso ko habang ang luha ko ay patuloy sa pagtulo. Natatakot ako nang husto, gusto kong tumakbo upang lumayo. Ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan ni ang aking mga paa.

"Morgan—"

"Don't you dare say a word that might upset me more, Cleiya... If you don't want me to ruin this party!" nanginginig ang kaniyang tinig sa galit. Ganoon din ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat.

Bago pa man ako makapagsalita ay agad niya akong kinaladkad patungo sa kaniyang kotse at marahas akong itinulak papasok. Umikot siya patungo sa kabilang pinto at kaagad umupo sa driver's seat.

My Badass Boyfriend (Under Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon