Kababata 5

13.1K 149 2
                                    

-Kabanata 5-

Nang umihip ng malakas ang hangin ay roon lang ako nahimasmasan sa aking pagkatulala. Doon ko lang din napagtantong magdamag akong nakatunganga sa harap ng gate. Doon ko lang din naramdaman ang pamamanhid ng aking binti at paa dahil sa ilang oras na pagtayo. Napayakap ako sa aking sarili kasabay niyon ang pagnginig ng aking mga labi. Ilang oras na akong nakatayo rito sa harap ng bahay ni Morgan ngunit hindi man lang niya ako pinuntahan o sinilip dito para ayaing pumasok sa bahay niya. Nanikip ang dibdib ko nang mapagtanto na wala talaga siyang pakialam sa akin. Ni hindi niya man lang naisip na baka nilalamig na ako rito.

Napabuga ako ng hangin at tumingala sa madilim na kalangitan. Wala man lang akong nakitang bituin mas lalo lamang nanonoot ang lungkot sa aking pagkatao. Ang bigat sa dibdib parang hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Kapag huhugot naman ako ng hininga, pakiramdam ko ay maiiyak ako.

Bigla akong napahawak sa aking tiyan nang bigla itong tumunog.

"A-aray." Napaluhod ako sa semento nang bigla na lamang sumakit ang tiyan ko. Parang may kung anong umiikot sa tiyan ko kaya mas lalo itong sumasakit. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Morgan. Ngunit napaiyak na lang ako nang hindi niya man lang sinasagot ang tawag ko.

Nabitawan ko ang cellphone ko at naitukod ang dalawang palad sa semento.

"Ah!" Napaupo ako nang tuluyan sa semento nang tumindi ang pagsakit ng aking tiyan. Sinubukan kong gumapang nang dahan-dahan patungo sa door bell upang humingi ng tulong.

Nang malapit na ako sa door bell, sinubukan kong tumayo at pindutin ang buzz ng ilang beses. Napasandal ako sa pader at piniga ang tiyan ko upang maibsan man lang ang sakit nito. Nang sa tingin kong walang pumapansin ay umulit ako sa pag-buzz.

Muli akong napaluhod sa sobrang sakit ng nararamdaman. Umihip nang malakas ang hangin, kasabay nito ang panlalamig ng aking buong katawan. Gusto kong sumigaw, ngunit sa nararamdaman kong sakit ay hindi ko na magawang gumawa ng tunog mula sa aking bibig. Tamang pagpikit na lamang ng mga mata ang aking nagawa.

"Susmaryosep!" Nagmamadaling yapak ang aking narinig. "Iha, anong nangyari sa'yo, ha?!" boses ng matandang babae ang narinig ko mula sa aking likuran. "Jusko! Halika muna rito, pumasok ka muna sa loob."

Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong napaluhod nang muling umaatake naman ang sakit ng aking tiyan. "Gusto kong makausap si Morgan," unang nasabi ko nang makapagsalita. "Parang-awa niyo na, gusto ko po siyang makausap..."

"Aba't, mamaya na iyan! Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka, ha?!" Natataranta niyang tanong. "Ni hindi mo na nga magawang lumakad. Hinahanap mo pa ang amo ko! May masakit ba sa iyo? Ano ang nararamdaman mo?"

"Wala..." Pumikit ako nang mariin. "Hindi masama ang pakiramdam ko..." Humarap siya sa akin, pinagmasdan akong mabuti kasabay niyon ang paglukot ng kaniyang mukha na may halong pagkabahala. "Nasa'n po si Morgan? Gusto ko po siyang makausap parang-awa niyo na po. Uuwi ako pagkatapos."

"Mamaya na iyan, iha!" Asik niya matapos titigan ang aking mukha. "Halika muna sa loob, mamaya na iyang kay sir Morgan kung ano man ang kailangan mo sa kaniya."

"A-aray!" Namimilipit kong daing. "Ang sakit..." Napahawak ako ng sikmura.

"Ano ang masakit? Sabihin mo?" Natatarantang tanong ng matanda, bahagya siyang yumuko para tingnan ang aking tiyan. "Ano ba ang nangyayari sa iyo!"

"Masakit po ang tiyan ko," mangiyak-ngiyak akong pumikit at napahawak sa kaniya nang mariin. "Parang may umiikot po sa loob ng tiyan ko."

"Susmaryosep!" Hiyaw niya, "baka nalipasan ka ng gutom. Kumain ka na ba?"

My Badass Boyfriend (Under Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon