Kabanata 2

15.7K 183 17
                                    

-Kabanata 2-

"Cleiya!"

Pupungas-pungas kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni Mylene mula sa labas ng aking kwarto. Nang ilibot ko ang paningin ay bumungad sa akin ang madilim kong kwarto. Hindi nakabukas ang ilaw at walang sinag ng araw na sumisilip mula sa kulay berdeng kurtinang nasa aking kwarto.

Nang mapagdesisyunan ko ng bumangon ay agad kong ibinaba ang aking mga paa sa sahig at mabilis na tumayo. Ngunit bigla akong napaupo nang makaramdam ako ng matinding panghihilo. Nasapo ko ang noo at napapikit ng mariin.

My head was in so much pain, it was as if a hammer had hit me!

Humugot ako ng malalim na hininga at saka iminulat muli ang mga aking mata. Ngunit agad ring napapikit nang magdilim ang aking paningin. Pabagsak akong humiga at marahang hinilot ang aking sentido—nagbaba-sakaling maibsan ang aking panghihilo.

I feel like there are veins throbbing in my head that hurt my head badly...

Napakagat ako ng ibabang labi nang mas tumindi pa ang pagsakit ng aking ulo. Sunod-sunod ang pagbitiw ko ng malalalim na hininga. Parang binabarina ang ulo ko.

Muli akong pumikit ng mariin. Malamig ang pawis na lumalabas sa akin, ngunit mas malamig ang aking buong katawan. Subali't mainit ang hiningang lumalabas mula sa aking bibig—pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Padapa akong humiga ng kama at saka pagapang na tumungo sa headboard, upang kumuha ng unan na ipantakip sa aking mukha.

"Prend? Gising ka na ba?" tanong ni Mylene mula sa labas ng aking kwarto.

Umiling ako kahit hindi niya iyon nakikita at pagkatapos ay marahas akong suminghap. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan at doon umungol ng pagkalakas-lakas.

Ang sakit!

Nangangatal ang aking mga labi, kaya hindi ko maiwasang mapaluha. Nagpagulong-gulong ako sa ibabaw ng kama—hindi alintana kung mahulog ako. Nang mapagod ay muli akong huminga ng malalim at walang ingat na bumangon.

When I touched my clothes, I realized that I was still wearing the bathrobe I wore last night after I took a bath. So... this is the reason why I felt very dizzy? Because I slept with my hair still wet.

"Prend, l-lumabas ka muna, may sasabihin akong importante..." ani Mylene sa nangungusap na tinig.

Pagod akong napabuga ng hangin at nanghihinang lumakad patungong pintuan. Hindi ko nagawa pang ayusin ang sarili ko dahil sa pagmamadali na pagbuksan siya ng pinto. It's not that I need to be pretty in her eyes, I just don't want her to think that I'm neglecting myself because of what happened.

Morgan...

Suddenly, the unnamed emotions creep into my system. My heart tightened as I remembered what had happened between me and Morgan.

Wala na...

My tears trickled like rain because of the pain I was feeling—it was as if my heart was being torn apart.

I was disgusted with myself because despite what had happened... my heart was still shouting his name.

I still love him—call me stupid or what, but—I can't afford to throw away our more than a year relationship. We've been through a lot! How can I forget it?

How can I move on fast? I am willing to forgive him when he does something that will make my heart happy. I am willing to forgive him if I saw him repenting of what he did.

I willing to gamble, and give him a second chance. I know, I am a big fool!

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang hindi mapakali na si Mylene. Pinagmasdan ko siya; kumikibot ang kaniyang mga labi habang nangungunot ang noo. 

My Badass Boyfriend (Under Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon