Chapter 1 (Lucifera POV )
"Ayan na sya!!!"narinig Kong sigaw ng isang estudyante sa hallway.Lahat sila ay pumunta sa gilid para paraanin ako.Kakaiba man ngunit sanay na ako.Sanay na ako na iwasan at pinandidirian.Ni dumikit nga sakin ay takot sila na para bang may nakakahawa akong sakit.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makapunta ako sa room.Ang maingay na room namin kanina ay biglang tumahimik ng pumasok ako.Hindi na ako nagugulat pag nangyayari yun dahil sanay na ako.Sanay na sanay.Naglakad ako hanggang makapunta ako sa upuan ko sa pinakadulo ng room.Ilang upuan muna bago magkaroon ng estudyante,ganon sila katakot sa akin.
Nakikinig ako ng kanta ng biglang dumating ang teacher namin kasama ang guidance councilor namin.
"Ahm OK class i have a announcement. Everybody know her but the auditor of class A is dead now.The reason of death is she is become a hostage and killed by shooting in the head"sabi ni sir.Ah Patay na pala sya.Nakalimutan ko na mamamatay nga pala sya ng 9:28 PM.Namalayan ko na sakin nakatingin lahat ng kaklase ko.At Alam ko ang dahilan kung bakit..
"Sya yun"sabi ng kaklase Kong babae
"Oo Alam ko na interview sya ni Maggy kahapon para sa project nya"sabi pa ng isa
"Totoo nga na may sumpa sya"sabi ng kaklase Kong lalake
"Sigurado ako na kung sino ang Tao na kakausapin sya ay next na mamatay."sabi nung isa pa
Napailing na lang ako at sinuot na ang headphone ko.Ayoko ng marinig pa ang sumbat nila sakin na ni isa ay walang katotohanan.Di naman kasi nila Alam kung ano ang nangyari.Wala silang alam kahit isa....
~~~~Flashback~~~~
Naglalakad ako sa hallway para pumunta sa CR ng biglang lumapit sa akin ang isang babae na may maikling buhok.
"Hi ako nga pala si Magdaine El greco o Maggy ,isa akong auditor at gusto ko sanang mainterview ka"sabi nung babae na ang pangalan ay Maggy?.Di ko sya sinagot at naglakad lang.
"Totoo ba na lahat ng Tao na lumalapit sayo ay namamatay?Malas ka ba talaga?Sino ang next na mamamatay at ..."napatigil ako sa paglalakad dahil sa huli nyang tinanong.Nilingon ko sya
"Gusto mo ba malaman kung sino?"tanong ko sa kanya.Namutla sya.Ayaw pala nyang malaman nagtatanong pa sya.Maglalakad na sana ako ng biglang nyang hawakan yung kamay ko.
"Gusto kong malaman"nanginginig na sabi ni maggy.
"Ikaw"parang wala lang na sabi ko na nakagulat sa kanya.Nabitawan nya yung kamay ko at napatulala
"P-pano?"nanginginig na sabi nya.
"Magiging hostage ka at mababaril ka sa ulo.Mamatay ka Mamaya ng 9:28 PM"sabi ko at naglakad na .Iniwan ko syang nakatulala at namumutla....
~End Of Flashback~
Ngayon Alam nyo na kung bakit sya namatay.Hindi ako ang may kasalanan kundi sadyang nakatadhana na yun.
"Ms.Elcantara"sabi ng guidance councilor naming.Nilingon ko sya at di sinagot.
"Go to guidance office"sabi nya at lumabas na ng room.Walang emosyon akong tumayo sa upuan ko at sinundan sya. Habang naglalakad ako naisip ko yung napanaginipan ko kanina at napailing na lang.Bakit ba sumasaktong lumalapit sa kin ang mga nasa panaginip ko?.Gusto ko sanang maawa kaso di ko alam kung pano gawin yun.Pano ba ang maawa?.Habang naglalakad kami sa hallway ito yung mga naririnig ko.
"Sigurado ako na si sir na ang next"sabi nung babae na may makapal na mukha este make up
"Sinabi mo pa"sabi pa nang isa na kamukha nung nauna.
"Lahat naman ng Tao Alam iyon"sabi nung pandak na nasa dulo na kamukha nung dalawa.MUKHANG CLOWN.Killer clown... Napailing nalang ako sa mga narinig ko.Di naman nila Alam kung ano yung mangyayari humuhusga na sila.Bat Ganon ba ang mga Tao?Husga ng husga pero ayaw husgahan.Pero Malay nyo totoo yung hinala nila.MALAY NYO.....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
PLS VOTE AND THANKS FOR READING MY STORY
![](https://img.wattpad.com/cover/146737000-288-k485888.jpg)
YOU ARE READING
Sweet Nightmare For Me
Mystery / ThrillerProlouge: "Isa kang kahihiyan" "Wala kang kwenta" "Malas ka" "Demonyo ka" "Nakakatakot ka" Yan ang mga naririnig ko sa mga taong walang Alam kung bakit ako ganto.Laging tahimik,walang emosyon,malamig ang pakikitungo sa iba at marami pang negatibong...