Nightmare 19

43 21 0
                                    

Sataniel POV



Naglalakad na ako papuntang likod nitong school dahil sa Nakakainis na utos ni Mr.Dark tsk tsk tsk.



"Hi sataniel"kinikilig na sabi ng isang babae na Parang kinulayan ng kung ano Ang kaniyang mukha. Grabeh daig pa niya ang mga abstract painting eh.



"Hi"maikli Kong sabi at nilagpasan lang siya.



"Ayt ang sungit naman niya pero mapapasakin din siya"kinikilig na sabi nung babae habang tinitignan akong naglalakad palayo. Kala nya di ko siya narinig? Tsk tsk hindi pa niya kilala ang kung sino Ako.



Habang nagalalalakad ako ay naisip ko si Lucifera na iniwan ko. Ok lang ba na iniwanan ko siya? Hay yaan mo na nga. Naglakad lang ako hanggang makapunta ako sa Likod nung school.



Nilibot ko na yata yung buong garden kaso hindi ko paren nakikita si Mr. Dark. Hay nakoww siya yung utos ng utos tapos siya pa malalate???!!!!



"Paumanhin Prinsepe Sataniel"biglang sabi nung nasa likod ko. Sa sobrang gulat ko ay napatalon ako at nalaglag sa lupa. Wahhh ang saket na ng pwet ko. pout



"Huhuhu bakit ka kase laging nanggugulat yan tuloy masakit na yung pwet ko" sabi ko at tinignan ng masama si Mr. Dark with matching naluluha pang mata dahil sa sakit.



"Paumanhin Prinsepe sataniel"sabi ni Mr. Dark at inilahad ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. Inabot ko naman yon at dahan-dahang tumayo.



"Saan ka ba galing?"tanong ko sa kanya. Inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kaniyang dibdib at yumuko.



"Paumanhin Mahal na Prinsepe pero pinapasabi ng Iyong Ama na Mahal na Hari na Dapat mo na daw siya makita sa loob ng Isang buwan"sabi niya habang nakayuko. Holoh ang bilis naman. Hindi ko pa nga siya kilala kailangan hanapin na agad siya??!!!!



"Pero bakit kailangan sa ganoong kabilis na oras??!!!"tanong ko. Ayt akala ba ni Daddy na Parang kukunin ko lang ang Araw ganon?



"Hindi ko alam basta iyon ang sinabi nang iyong ama"sabi ni Mr.Dark. Hay nakuuu makapagupdate si Mr.Dark Akala mo kumpleto yung details tsk tsk.



"Pero mahirap siyang hanapin lalo na at napakarami na ng tao sa mundong ito"sabi ko. Bakit akala ba ni daddy na madali lang hanapin yung nakatadhana sa akin. Yung feeling na nakatago siya ngayon sa puno at pinapakinggan kami???!!!

Sweet Nightmare For MeWhere stories live. Discover now