Chapter 3 (Lucifera POV)
~~~~ dream ~~
Nasan ako? Bat sa isip lang ako nakakapagsalita ?Bat ang dilim?
Naglakad ako sa di ko alam kung saan ako pupunta basta dumaretso lang ako.Naramdaman Kong may sumusunod sakin.Kaya binilisan ko yung paglalakad. Mga ilang oras ay napatigil ako sa paglakad ng mabilis o mas tamang sabihing pagtakbo.Dahil may nakatingin na sakin.Di sya ordinaryong tao.Kakaiba sya mula palang sa height nya at kulay ng mata.Ang kulay ng mata nya ay kulay....PULA.At iyon ay nakatingin sakin.
Nang patakbo na ako ay biglang akong natumba dahil sa taling nakatali sa hinliliit ko.Pero teka kanina ay walang tali sa daliri ko ah.Nakaupo ako sa kulay itim na Ewan dahil di ko alam kung sahig ba iyon.
Puno ng itim ang paligid at ang tangi ko lang nakikita ay ako at ang di ko matatawag na Tao sa harapan ko.Unti-unti itong lumapit sa akin kaya umusog ako para makalayo sa kanya.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako natakot sa isang bagay este nilalang.
Nagulat na lang ako ng hilahin nya ako patayo at yakapin.Dama ko yung lamig ng hininga nya sa balikat ko.Pinilit kong makaalis sa higpit ng yakap nya pero talagang malakas sya.Hindi pala sobrang lakas nya.Mga ilang oras ay bigla akong nanghina.
Pero hindi ko alam kung bakit at paano.Malapit na akong mawalan ng malay ng marinig ko yung sinabi nya
"Ikaw ay isang bangungot na nakatago sa isang magandang panaginip.Kaya ikaw ang tinadhana sa akin mula pa ng isilang ka.Nakatadhana ka sakin at di na mababago yon.Kaya maghanda ka dahil kukunin kita at walang pedeng kumuha sa iyo mula sa kin"sabi nya bago ako kunin sa karimlan.....
~ ~ end of dream ~~~
Hinihingal ako napabangon sa pag kakahiga ko.Ano bang klaseng bangungot yon?Ngayon ko lang naranasan yon at tungkol iyon sakin at Hindi sa ibang Tao?sino yung Tao na yun este bagay na iyon?Alam Kong Hindi sya Tao pero bakit pakiramdam ko ay kilala ko sya?At ano ang pulang tali na nakatali sa hinliliit ko na karugtong nung tali na nasa hinliliit nya?Di kaya.....totoo ang sinabi nya?Na ako ang nakatadhana sa kanya?pero paano?
"Totoo kaya lahat ng sinabi nang lalaking yon?at bakit ako kinalibutan sa sinabi nyang kukunin nya ako?"tanong ko sa sarili ko .Napailing nalang ako at tinignan ang orasan. At 3:12 AM palang kaya humiga ulit ako.Pinilit Kong matulog kahit na marami Ang mga tanong sa isipan ko.Natatakot man ako dahil Alam Kong bangungot nanaman ang kahahantungan ng panaginip ko pero OK lang iyon dahil kakasabi ko lang na sanay na sanay na ako.....
~~~~~~~~~~ (Unknown POV)
"Anak dapat kunin mo na ang nakatadhana sa iyo"sabi nang isang lalaki na mukhang bata pa pero Parang magkapatid lang sila ng anak niya
"NAkatadhana? Sino naman yon?"tanong ng anak nya.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon"sabi ng tatay nya
"Pano ko sya makukuha kung hindi ko naman sya kilala?Alam mo dad dapat may COMMON SENSE ka"pabirong sabi ng anak.
"Abat sumasagot ka na ah!!!"sabi ng tatay nya.
"Hindi tinatanong kita"nang-aasar na sabi ng anak.
"Abat ikaw talaga!!!napakasama mo talagang de...."sabi nang tatay at naputol nang may magsalita.
"Wag na nga kayong mag-away at tara na malalate na tayo sa meeting"sabi nung nanay at lumabas na nang kwarto.
"Ikaw kasi!!!"sabay na sumbat nang dalawa sa isat isa.
"Anong ako ikaw kaya yon"sabay ulit.Nasa labas ang nanay at napapailing.
"Bilisan nyo na!!!"sigaw nung nanay na kunwari galit para sumunod sa kanya ang dalawang lalaki na ang isa ay bata at ang isa naman ay ISIP bata.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
thanks for reading my story and pls vote
YOU ARE READING
Sweet Nightmare For Me
Misteri / ThrillerProlouge: "Isa kang kahihiyan" "Wala kang kwenta" "Malas ka" "Demonyo ka" "Nakakatakot ka" Yan ang mga naririnig ko sa mga taong walang Alam kung bakit ako ganto.Laging tahimik,walang emosyon,malamig ang pakikitungo sa iba at marami pang negatibong...