Nightmare 9

68 38 0
                                    

Lucifera POV



Nakaupo ako sa bench na nasa garden ng school namin.Yung garden namin ay nasa pinaka likod ng school namin.Habang nakatingin ako sa mga bulaklak don .Inisip ko yung mga nangyari nung nakaraang araw.Letseng lalaking yon nakakainis sya!!!



"Booooo!!!!!"gulat sakin ng impakto na Ang pangalan ay demian.Di ko sya pinansin at tinignan lang sya ng masama.



"Uy lucifera sorry na!!!Aksidente lang naman yon eh.!!!"nagmamakaawang sabi ni demi at tumabi sa akin sa upuan.Umusog ako dahil ayoko syang katabi.



"Tsss"sabi ko.Umurong sya para makatabi ako pero umusog lang din ako palayo.Urong usog lang yung ginagawa namin.Naiinis ako Kay DEMInyo na to kaya Hindi ko namalayan na malapit na pala akong mahulog dahil maikli pala yung bench.Nagulat na lang ako dahil wala na pala ako mauupuan kaya nung mahuhulog ako ay biglang akong hinapit sa bewang ni demi at hinila patayo.May gulat sa mata ko habang nakatingin sa mga mata ni demi.Hindi dahil nasalo nya ako kundi dahil naging kulay Violet yung mata nya.Pero ilang Segundo lang yun.



"OK ka lang ba Lucifera?"tanong nya sa akin.Tumango ako ng biglang tumunog yung lintik na bell na yon!!!!



Kringggg!!!!!kringgggggg!!!!!!



Napakapit ako ng mahigpit sa uniform ni demi at sumobsob sa dibdib nya dahil akala ko ilalaglag nya ulit ako.Narinig ko syang tumawa ng mahina



"Wag kang mag-alala Hindi kita ilalaglag"mahinahong sabi ni demi.Tinignan ko sya ng Nasapian-Ka-ba-look.



Mga ilang oras lang kami doon.Narinig ko na nag-announce yung class President.



"Ehem ehem oh ayan gumagana na pala OK ako si Sherlyn Bautista ako Ang inyong class President. Sasabihin ko lang na maaga kayong papauwiin dahil may meeting Ang mga guro .Yun lang tsaka yung mga wala pa sa room nila bilisan nyo na at malalate na kayo."sabi nung sa speaker .Naitulak ko so demi kaya natumba sya.Mainit yung pisngi ko habang tumatakbo at iniiwan sya.Lintik na lalaki yun!!!!!



demi POV



"Grabeng babaeng yun.Ang lakas nya kasi napatumba nya ako ng walang kahirap-hirap"napailing na lang ako at tumayo na.Sumakit yung pwet ko tssss pasalamat sya at maganda sya kung hindi ay hahalikan ko sya.



Nakangiti akong umalis na nang garden at pumunta na ng room.Habang naglalakad ako ay maraming babae na nagtitilian .Alam ko namang gwapo ako pero para kay luci--
Wait ano ba ang sinasabi ko?



Maganda naman si lucifera kahit masungit at malamig pa sa yelo Ang ugali.Kung yayain ko kaya syang magdate mamaya tutal shorten naman eh.Tama!!!!yayayain ko sya pero friendly date lang(Author:talaga ba demi?)oo naman at Walang malisya(Author:wala ba talagang malisya?).Oo naman dahil Hindi kami talo(Author: haha OK sabi mo eh;) )Author naman eh!!!!



Nakakaloka tong author na to napakadaldal(Author:ano yun demi?)H-ha wala ano,sabi ko maganda ka(Author:Alam ko na yun no)



Napailing na lang ako na pumasok sa room .Dalawa yung problema ko.Una pano ko yayayain si Lucifera na magdate. pangalawa pano ko papatigilin si author na wag sumingit sa POV ko(author: demi SHUT YOUR BIG MOUTH!!!!)



Lucifera POV



Ano ba Lucifera ano ba Ang nangyayari sa iyo ha?Alalahanin mo na kailan man ay Hindi ka magkakagusto sa isang lalaki naiintindihan mo ba?



Naglalakad ako sa hallway at malalim ang iniisip nang marinig ko yung sinabi ng isa sa tatlong killer clown.


"Oh ayan na ang malas!!!'sabi nya habang nakatingin sa akin.Tumigil ako sa mismong harap nila at tinignan sila.



"Pano nyo naman nasabi?"tanong ko at tinignan sila ng nakakatakot.



"Hahaha alam naman lahat ng estudyante kung bakit diba?"tanong nung mahaba ang buhok.



"Ah yung bang may namamatay ng dahil sa paglapit at pagkausap sa akin?"tanong ko sa kanila at tumango naman sila.



"Talaga naman eh!!!"sabi nung isa.



"Dahil sa sinabi nyo ay naisip ko na malapit kayo sa akin at kinakausap nyo ako"sabi ko habang nakangiti ngunit ng nakakaloko.



"Ano naman sa iyo?"tanong sakin nung kulot.Letseng kulot to ah!!!!!



"Dahil dun maaari kayong mamatay diba?"sabi ko at tinignan sila.Nakita ko kung paano namutla yung mga mukha nilang mukhang espasol na sa puti dahil sa make up.



"A-ano b-ba a-ang s-sinasabi m-mo?"nanginginig na sila ah.



"Dahil pag nagsalita kayo na kahit isang salita ay mamamatay kayo sa pinakaPANGET na paraan.Ayaw nyo mangyari yon diba?"tanong ko sa kanila.



Naglakad na ako papuntang room.Inisip ko yung napanaginipan ko kanina.Hala!!!nakalimutan ko!!!tssss kagagawan to ng letseng lalaking yon eh!!!!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Next chapter makikita nyo na kung sino si Lucifera


Sweet Nightmare For MeWhere stories live. Discover now