【Page 1】

30 5 23
                                    

Leigh


"Leigh~ Leigh gising na. Baka malate ka, gising na" Nararamdaman kong may tumatapik sa pisngi ko, pwede na ding mahinang sampal 'to

'Pag dilat ko ng gorgeous eyes ko, bumungad naman agad sakin si ate Sheng, short for Shella... Ganda pangalan noh? Di pa naman siya matanda kaya mas gusto niyang tinatawag siyang ate kaysa yaya duhh friend ko kaya siya.

"Hmm opo" sabi ko saka lumabas si yaya, ibig sabihin nun 5 minutes pa... gets na ni ate yun.

Nga pala mga maid lang namin kasama ko dito sa bahay namin, yung parents ko? Nasa LA, kaya nga La Alam sa nangyayari sa buhay ko, puro sila business duhh. Only child lang ako kaya nakapalungkot ng buhay ko dito, walang kausap.

"Leigh maligo ka na diyan, ayusin mo na sarili mo at pagkatapos bumaba ka na agad" rinig kong sigaw ni ate sheng hays ang aga aga pa eh pero hala sige makaligo na nga

---after 45 minutes ng pagligo at pagbihis at pag-aayos sa sarili---

"Leigh tapos ka na siguro, bumaba ka na" sabi ni ate sheng, wow alam na alam niya na talaga kung kailan ako matatapos

Bumaba na ko at kumain, pagkatapos ay nagpahatid na ko papunta sa Renóir High School. Transferee ako dito, 2nd year na. Sana magka-friends na ko this time.

Pagbaba ko ng sasakyan may babaeng nakaagaw agad ng pansin ko. Ang lakas ba naman ng boses ang sakit pa sa tenga

"Bye mommy!! Bye Tita Mayet! Babyeee!" sabi nung babae, duhh normal na boses niya na yata yan tapos uhh yung buhok niya tayo tayo, mukhang bunot hahaha.

Tumingin sakin yung babae tapos ngumiti, singkit pala siya. Napagdesisyonan ko ng pumasok.

Naglalakad ako papasok nang may makabangga sakin.

"Ouch/Ahh" pareho naming sabi

"Ah sorry" sabi niya na parang wala sa sarili at dere-deretso maglakad. Pansin ko lang, ang kapal nung naka-bun na buhok niya, siguro mahaba din buhok niya.

Naglakad na ko papunta sa quadrangle para sa flag ceremony, mabait na student ako duhh.

Habang nagdadasal, ang iingay ng nga nasa harap ko. Uhmm 'tong isa mukhang mayaman pero parang may saltik, ang ingay niya. Kinakausap niya yung nasa harap niya pero di naman siya kinakausap, siraulo lang ha? gago.

"Ate, nagdadasal 'wag ka namang maingay" sabi ko sa babaeng 'to. Sa totoo lang nakakainis siya.

"Wala kang pake kung maingay ako oke? Ako napapagod magsalita hindi ikaw, shatap ka diyan" sabi niya na parang kilalang kilala siya dito. Wow ha, ako pa talaga. Kung di lang first day of school eh, buwisit. Pero nangako ako sa sarili kong aayusin ko na buhay ko.

"May sinabi ba? May sinabi? Tss"

"Duhhh whatever" sabi niya saka kinausap na ulit yung nasa harap niya, yung totoo? Sira ba ulo nito?

----------------

Natapos na yung flag ceremony at nandito na kami sa klase. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na kaklase ko yung babaeng madaldal, babaeng lutang at babaeng may high pitched voice, sama mo na yung babaeng kausap nung babaeng madaldal.

At nandito ko, pinipilit makinig sa guro kahit hindi ko gawain yun. I hate school. Not literally the school, but the people here. Ayoko, ayoko sa kanila.

"Leigh Yshien Montero?"

"Montero??"

Nabalik ako sa ulirat nung kalabitin ako nang katabi ko, si ateng lutang pala.

"Ah bakit?" inosenteng tanong ko, nasobrahan yata ako sa pag-iisip.

"Magpapakilala, go" kalmadong sabi niya, para talaga siyang lutang.

Hayss, shit naman "Not listening" narinig kong may nagsabi pero pinigilan ko lang ang sarili kong mainis. Bitch.

"Good morning Ms. De Castro, good morning classmates. I'm Leigh Yshien Montero but you can call me Ysh or whatever. And for your information, I'm listening, that's all" walang emosyong sabi ko, balasilajan buti nga di ako nagmura, bitch bitch bitch.

"Nice one" sabi ni ateng may high-pitched voice kanina, kaya naman niya palang hinaan boses niya pero ang pangit pa rin. And yes, nasa iisang group kami.

"Close tayo ha? Feeling close ka? Tss" sabi ko at nakinig na lang sa teacher

---after ewan ko kung ilang hours---

*bell rings*

"Okay, class dismissed" sabi nung teacher, lumabas na agad ako ng room. Gutom na koooooooo

Dumeretso ako sa canteen at agad na bumili ng pagkain. Halos puno na lahat ng table, san ako kakain nito? Ano sa lapag ako? Siraulo

Nakita kong magkakasama si ateng madaldal, may high-pitched voice ay yung kinakausap. Pero nakaagaw ng pansin ko si ateng lutang... bakit kaya mag-isa lang siya? Depressed ba 'to? Hayss kailan pa ko nangialam sa buhay ng iba? Nevermind

Lumapit na ko sa kanya at umupo sa table. Nag-umpisa na kong kumain pero nakatitig lang siya sakin.

"Alam kong gorgeous ako pero wag mo naman ako titigan, baka matunaw naman ako" sambit ko habang patuloy na kumakain

"Di ka ba naw-weirdohan sakin? Weird ako diba?" tanong niya

"Duhh syempre oo, mukha ka kayang lutang palagi, ayusin mo sarili mo. Btw ano ba pangalan mo?"

"Kianna, Kianna Aiverie Alegria" sabi niya kaya muntik na kong maibuga yung iniinom kong juice.

"Alegria?!?! Edi kayo pala mag ari ng Alegria Clothing??? Hala ang gaganda ng damit d---"

Di ko na natuloy yung sinasabi ko dahil tinakpan niya bibig ko, seriously?

"Oo na oo na! Tss" sabi ko

"Kailangan pa talaga mangtakip ng bibig? Bakit? Bawal ba nila malaman 'yun?" tanong ko sa kanya, kasi diba kung alam naman nila, di niya na tatakpan bibig ko.

"Iwas backstab lang, kasi pag nalaman nila yun kakaibiganin nila ko pero di totoo. At dahil lang may kailangan sila" sambit niya at napayuko

"Alam mo, "wag mo na isipin 'yan. Hindi ko ipagsasabi kaya kumain na tayo" sabi ko at tumango tango lang siya

Kumain na kami at nag-usap ng tungkol sa kung ano anong bagay, Di ko sinasabing kaibigan ko na siya dahil kakakilala lang namin. Malay mo may backstabbing na mangyari nanaman, edi naloko na.

Nalaman ko din na siya pala yung bagong lipat sa tapat ng bahay namin, kaya sabay na kaming umuwi.

Tingin ko magkakaroon ako ng kaibigan dito sa Renóir High School, goodluck to me!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
1015 words

oemji magkakafrenny na kaya si Leigh? abangan sa page 69! de jok lang poops

vote and comment poops!! kamsahamnidaaaaaa











Hawandi 1: Leigh MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon