Leigh
Sa araw araw, paulit ulit lang yung nangyayari. Gigising sa umaga, papasok kasabay si Kianna, sasalubungin ni Zach, makikita si Kharylle at Xeya. At isang maingay na umaga nanaman.
Pero ngayon iba, pakiramdam ko may ibang mangyayari.
"Uy may gagawin is u mamaya? Punta us dun sa café malapit samin!" sabi ni Xeya sa amin. Okay, sama is me--- I mean, sama ako. Buwisit na language ni Xeya, nahahawa ako.
"Sige punta tayo mamaya! Basta wag masyadong magtagal, papagalitan ako" sabi ni Kianna.
"Baka di ako payagan ni mommy kasi maglalaba pa kami mamaya eh" sabi ni Clein. Sila naglalaba ng damit nila? Wala silang maid?
"Ihhhh sama na u, sabihin mo saglit lang. Saka waeyo kayo yung naglalaba ng clothes niyo? U don't have maids ba?" sabi ni Xeya
"Wala, mas gusto ni mommy na kami yung gumagawa ng gawaing bahay para matuto daw kami saka bonding time din yun" si Clein
"Hayaan niyo na yan, bawal nga eh wag niyo ng pilitin" sabi ko sa kanila. Kapag hindi pwede, hindi. Wag na pilitin.
"Wala din akong gagawin mamaya baka pwedeng sumama?" may nagsalita kaya agad kaming napalingon.
Shit shit shit.
Yung di magandang tanawin.
Si Zachulangot.
"Gabi!! Sama ka samin mamaya! Alam mo yung sa café malapit satin? Nakalimutan ko pangalan eh blah blah blah blah blah blah blah" sabi ni Xeya saka lumapit pa talaga kay Zach tss. Ang dami niyang sinabi kaya yung iba di ko na naintindihan. At hindi ko pa rin alam kung bakit gabi yung tawag niya kay Zach...
Zach Yve Monseigneur....
Zach Yve...
Yve!!! ayun!
Yve=Eve
Eve=Gabi!!!
Shit, talino ko dun ah.
"Pwede ba ko sumama, Leigh?"
"Leigh? Sasama ako ah"
"Wag ka na kasi magpaalam diyan!! Nanay mo ba siya ha? Nanay mo? Nanay mo?" sabi ni Xeya habang hinahampas si Zach, buti nga. Pero di ko narinig yung sinabi ni Zach, nasobrahan nanaman ako sa pag-iisip.
"A-ah oo" nasabi ko, di naman niya siguro sinabi na sasama siya diba?
"Yizz!! Ayan ah sabi mo yan, sasama na ko Xeya" sabi ni Zach na ikinagulat ko pero ikinatuwa naman ni Xeya tumatalong talon pa "Yeeeyyyy!" tss bata.
"Xeya 'lika na dito tama na yan" sabi ni Kharylle at agad na sinunod ni Xeya... ano ba kasi talagang meron dito sa dalawa? Kung naindintihan ko lang sana yung kinuwento niya edi sana di ako nahihirapan mag-isip diba?
"Saan ba yung café na yun? Malapit lang ba? Baka payagan pa ko ni mommy" Clein.
"Ne! Nadadaanan namin pauwi yun ni Zach, knows niya din yun. Basta later! Di ko naman u ililigaw" Xeya. Oo, sabay sila umuuwi ni Zach. Di talaga ko magtataka kapag naging sila. Kaso mukhang hindi talaga siya type ni Xeya, aww kalahi lang kasi talaga. #Kalahi-zoned.
"Wokey! Baka makasama na ko!" sabi ni Clein, yan nanaman high-pitched voice niya.
"Uy boses mo Devon" saway ni Kianna
"Ay sarreh sarreh sarreh" sabi niya habang naka- v sign. V yun hindi peace okay? Wag kang ano.
"Devon? Devonyo? HAHAHAHAHAH divel ka pala! Dimunyu ka! HAHAHAHAHA tapos ang dami mong sungay, yung buhok mo tayo-tayo HAHAHAHA" sabi ni Xeya na tawang tawa pa kaya nahawa kami at tumawa na rin. Devonyo... bagay naman
BINABASA MO ANG
Hawandi 1: Leigh Montero
Teen FictionThis is Leigh Yshien Montero, the leader, also known as 'Dakilang Hawandi'. Kilala ng lahat bilang masungit but she's caring for her other 4 members. But what if, this Dakilang Hawandi falls inlove with a dugyot guy. ©All Rights Reserved by: peachi...