Leigh
Pangalawang araw ko na ngayon dito sa school na 'to. Vacant time na namin kaya syempre lalamon nanaman.
Ako nalang tao sa loob ng room at habang nagliligpit ng gamit, pakiramdam ko may tao sa likod ko. Sana tao talaga. Sa sobrang takot ko parang tutulo yata sipon k---
"Ay sipon!!!" napasigaw ako dahil biglang may humawak sa balikat ko, paglingon ko nakita ko si Kianna na nakalugay ang mahabang buhok at nagulat rin.
"Anong sipon??" takhang tanong niya
"Ah i-ikaw!! Oo ikaw! Sipon ka! Mukha kang sipon!" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya, kahit naman ako nagulat din sa sinabi ko eh. Nakakatakot siya kamukha niya si sadako, sadakong mukhang pako--- joke.
"Ano bang kailangan mo?"
"Itatanong ko lang sana kung pwede kang kasabay kumain kaso mukhang ayaw mo, sige ayos lang" akmang tatalikod siya pero hinawakan ko yung braso niya dahilan para lumingon siya sakin
"Ah h-hindi naman, tara kain tayo"
Syempre sabay kaming pumunta sa canteen. Sabay talaga alangan namang magkahiwalay pa san pa yung paglapit niya kanina diba, road yun.
Nandito na kami sa canteen at nag-uumpisa ng kumain. Gulat ka noh? ang bilis, parang kanina lang mahal ka pa niya, nalingat ka lang tapos paglingon mo may iba na siya.
Pero seryoso, ang haba talaga ng buhok niya, hanggang pwet grabe.
"Anong balak mo sa buhok mo? 'Di mo papagupitan? Natakot ako sayo kanina mukha kang si Sadako" tuloy tuloy kong sinabi
"Gusto ko na ngang pagupitan kaso ayaw ni mommy, pahabain ko lang daw" malungkot na sabi niya
"Ha? Ang laki mo na tapos siya pa rin nagdedesisyon para sayo? Pati pag-gupit sa buhok mo... grabe" halos mabulunan ako ng marinig ko yung sinabi niya
Yumuko lang siya. "Hayaan mo, ako gugupit diyan" pag sinabi ko, gagawin ko... di ako talkshit okay?
"Talaga?? Pero p-pano kung magalit si mommy?" parang lumiwanag mukha niya nung una pero nawala lang din.
"Ako bahala, basta ilibre mo ko okay? Mayaman ka naman"
"Okay!!"
------
"Sigurado ka? Itutuloy mo talaga?"
"Oo, wag kang malikot baka hindi maayos"
"Aray!!! Wag mong namang hilahin, masakit uy!"
"Sorry sorry, wag ka na kasing gumalaw para magawa ko to ng maayos"
"Oh my God! Nagupit mo na??"
Nasa cr kami at kasalukuyan kong ginugupit yung buhok niya, baka kung ano ano iniisip niyo mga berdeng tae.
Ginupit ko yung buhok niya hanggang sa balikat.
"Oh diba ang ganda"
"T-thank you" mamumula pa pisngi ng gaga maling akala naman
"Gaga nung buhok, hindi ikaw" natahimik nalang siya
"Salamat pa rin, pero anong sasabihin ko kapag tinanong ako ni mommy kung bakit umikli buhok ko?" nag-aalala niyang tanong
"Edi sabihin mo may nagbato ng kutsilyo tapos sapul sa buhok mo kaya naputol"
"Teka, parang sa movie 'yan ah"
"Tangled gaga, ikaw si rapunzel... half rapunzel half sadako hahahaha"
BINABASA MO ANG
Hawandi 1: Leigh Montero
Ficțiune adolescențiThis is Leigh Yshien Montero, the leader, also known as 'Dakilang Hawandi'. Kilala ng lahat bilang masungit but she's caring for her other 4 members. But what if, this Dakilang Hawandi falls inlove with a dugyot guy. ©All Rights Reserved by: peachi...