Leigh
Payapa kaming nagkaklase ngayon sa first period subject namin. Bigla nalang bumukas yung pinto ng room kaya napatingin kami at may pumasok na lalaki.
Sabihin na nating may itsura siya, pero di ko siya type duhh. Yung buhok niya naka brush-up tapos maputi siya.
Tumingin siya sakin sabay kindat kaya umiwas ako duhh akala niya gwapo siya.
"Ikaw ba yung kakatransfer lang?" tanong ni Ma'am De Castro.
"Ay hindi hindi, hindi siya bagong transfer" bulong ko pero mukhang narinig ni ma'am kaya napatingin siya sakin pati yung lalaking may sakit sa mata. Shit.
"May sinasabi ka ba Leigh?" tanong ni Ma'am, patay na.
"Narinig niyo naman po yata yung sinabi ko kaya sana wag mo na pong itanong kung may sinabi ako" sambit ko, shit dapat sinabi ko nalang na wala akong sinabi. Tanga naman.
"Maiw---"
"Ma'am De Castro I think wag na po dapat ipawian si Yshien kasi di naman niya po sinasadyang marinig mo yung sinabi niya kanina" naputol yung sinasabi ni Ma'am dahil nagsalita si Xeya, okay nagsisisi ako kasi sinabihan ko siyang may saltik.
"O-okay then" sabi ni Ma'am na nauutal utal pa hahaha iba epekto ng anak ni Mr. Renóir. Pero anong sabi niya? Yshien daw? Wth?!
Narinig ko naman yung lalaking may sakit sa mata na nagsabi ng "Tsk tsk" habang umiiling iling pa. Ito ang tunay na may saltik.
"Zach, introduce yourself" sabi ni Ma'am
Pumunta naman siya sa gitna at nagsalita "Wazzup everbody!!? I am Zach Yve Monseigneur, half French, half fries. Naniniwala sa kasabihang, ang importante ay mahalaga, that's all" sabi niya, may saltik talaga to.
"OMG! OMG! Pareho kami ng pinaniniwalaan, hi kalahi!!!" sabi ni Xeya, ayoko na dito please ilayo niyo ko.
Nginitian naman siya ni Zach, okay ang cute niya. CUTE LANG OKAY??
Naglakad naman siya papunta sa gawi ko at ngumisi, umupo siya dun sa bakanteng seat sa tabi ko. What the fuck is happening to the world?
Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Ma'am ng biglang may nagsalita.
"Hi Leigh... Leigh Yshien Montero" shit. Pano niya nalaman pangalan ko? Napatingin naman ako sa name tag ko kaya agad kong tinalikod yun at nagkunwaring nakikinig na ulit sa teacher, bored na ko.
"Psst Leigh" sabi niya saka kinalabit ako na ikinagulat ko kaya napasigaw ako.
"Montero!! Iyong kaninang pagsalita mo, okay pa yun. Pero yung pagsigaw mo sa gitna ng pagtuturo, hindi na. Xeya wag kang makisali." sabi ni Ma'am De Castro at tinuro si Xeya nung akmang tatayo siya.
"I'm sorry po" sambit ko sabay tingin ng masama kay Zach, buwisit.
"Montero and Monseigneur, maiwan kayo after ng class na to" sabi ni Ma'am De Castro kaya nagulat si Zach
"But ma'am---"
"Shut up!" hahahahaha buti nga.
-------
"Ayusin mo buwisit ka! Malelate tayo lalo!"
"Oo na wait, di magkasya eh"
"Ipapasok mo lang naman!! Akin na nga!" sabi ko saka kinuha yung walis sa kanya, grabe naman to ilalagay lang dun sa lalagyan. Grabe ah grabe talaga!
BINABASA MO ANG
Hawandi 1: Leigh Montero
Novela JuvenilThis is Leigh Yshien Montero, the leader, also known as 'Dakilang Hawandi'. Kilala ng lahat bilang masungit but she's caring for her other 4 members. But what if, this Dakilang Hawandi falls inlove with a dugyot guy. ©All Rights Reserved by: peachi...