Leigh
Papasok ako ngayon sa school syempre. Nandito ngayon sa harap ng gate kasi hindi sa likod. Hinihintay ko si Kianna, sabi kasi ng mommy niya nung dumaan ako sa kanila, malelate daw siyang pumasok. Tulog pa siya pagpunta ko.
Baka lang kasi lutang nanaman yun pagpasok tapos kung sino-sino nanaman mabangga diba. Sana lang di ko makita si Zach, please.
Speaking of the devil....
fvck this life
"Ysh!!" tawag niya sakin saka tumakbo palapit. Okay, wala akong nakita at wala akong narinig saka... wtf? Ysh? Nung una tinawag akong Yshien ni Xeya tapos ngayon Ysh. Psh.
Tumalikod nalang ako at nagkunwaring nakatingin sa langit, ang gorgeous. Kasing gorgeous ko.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko, oo kamay talaga, wag ka kiligin please kasi binawi ko agad kamay ko duhhh. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan yung ginawa niya ew.
"Ay sorry, bakit ka pala nandito?" tanong niya
"Kasi wala ako duuuunnn" sabi ko sabay turo sa malayo gamit daliri at kissable lips ko.
Ngumiti naman siya saka kinurot pisngi ko. "Ang cute mo" sabi niya pero ako? Nagulat. Ikaw ba naman, kurutin ko kaya pisngi mo bigla tas sabihan kang cute kahit na yung kamay ko pinangulangot ko nung isang araw. Kadiri.
Mukhang natauhan naman siya ginawa niya kaya tinanggal niya bigla yung kamay niya. Kaya ngumiti ako, okay ngiting pilit di kita teeth.
"Gago gorgeous ako, dun ka nga!" sabi ko kaya tinakpan niya bibig ko, aba chansing na to ah!!
"Ang pangit sa babae kapag nagmumura, nakakaturn off pa" sabi niya pero winakli ko yung kamay niya.
"Bakit? Sa lalaki ba maganda kapag nagmumura? Nakakaturn on ba?" sabi ko saka pumasok na sa school, bahala na si Kianna, nakakaturn off kasi ako eh. Sorry nalang sana wag siya makabangga ng kahit sino.
"Teka! Leigh Yshien! Ysh!" sigaw niya habang hinahabol ako. Naks habulin.
Humawak siya sa balikat ko "Sorry Ysh, di na mauulit" sabi niya
"Sorry not sorry" sabi ko sa kanya
"Yshien!" oops, diyan na si Xeya, my savior.
Lumingon ako at ngumit ng malawak "Xeyaaaaa!" sigaw ko saka siya tumakbo palapit sakin. Si Zach naman nakatingin lang, balakajan.
Niyakap ko si Xeya kahit labag sa loob ko. "Awww namiss kita Xeya" bigla naman siyang humiwalay sa yakap.
Dinikit niya yung likod ng palad niya sa noo ko pati sa leeg. "May sakit ka ba Yshien?" takhang tanong niya, mukha siyang seryoso, grabe! grabe talaga! grabe!!
Umiling lang ko. "Aishhh, pano na ang umaga kung lulong ka sa droga?" sabi niya sakin at ano daw?? lulong sa droga? sino? ako??
"Di ako lulong sa droga okay, nakakaturn off lang ako kasi nagmumura ako" sabi ko sabay tingin ng masama kay Zach, yumuko lang siya.
"Ha? Bakit? Nag-away ba kayo?" sabi ni Xeya habang pasalit salit ng tingin saming dalawa ni Zach. "Hoy ikaw gabi! Bakit mo inaway si bebe Yshien ha?!" sabi niya at parang sasapakin si Zach. Bebe Yshien? Gabi? San galing yun Xeya ha? Iba ka talaga grabe!!
"Di niya ko inaway, pasok nalang tayo" sambit ko saka hinawakan sa braso si Xeya. Grabe pano to nakayanan ni Kharylle ha?
Speaking of Kharylle, mukhang hindi siya kasabay ni Xeya ngayon ha? Ano meron?
"Ah Xeya! Bakit hindi mo kasabay si Kharylle?" tanong ko sa kanya
"Umuwi siya ngayon sa kanila eh" sabi niya saka nagpout pa, cute sana kaso may saltik.
"Umuwi sa kanila? Di ba siya umuuwi? San siya pumupunta kapag sabay kayong umuuwi?"
"Teka I'll you the story ah, mahaba-haba to... Kasi ganito, si Kharylle Takano, half Japanese siya kasi Japanese father niya. Take note, Japanese ah not panis. Tapos iniwan sila ng erpats niya, kaya now silang dalawa nalang ng nanay niya tas di naman sa ano or what ha pero kasi nahihirapan yung eomma niya na buhayin silang dalawa kaya sabi ng nanay niya sa tatay kong hindi kalbo ko kung pwede ko maging kasa-kasama si Kharylle, okay din naman sa kanya yun kasi fren ko naman siya kaya ayun, kung manonotice mo lagi ko siyang kasama tas binabantayan niya ko tas tinutulungan siya ni tatay, malaki pasasalamat niya sa family ko pero big din pasasalamat ko sa kanya, ayan okay ka na? Sana naappreciate mo story ko kasi nasayang saliva ko dun, next time siya nalang tanungin mo oki?" tuloy tuloy niyang sabi, ang naintindihan ko lang ay yung next time si Kharylle nalang tanungin ko, baka nga.
"Ahh ayun, kawawa naman pala siy---"
"Yan!! Yan ang never mo dapat gawin! Don't pity her! Hindi naman dahil mukhang napipilitan lang siyang pakisamahan ako para sa eomma niya eh need mo na siyang kaawaan, never mo dapat ipakita sa kanya yan. Mabait siya pero mabilis siyang maging emotional! I don't like it kapag nakikita ko siyang mag-cry!!" sabi niya na parang basag yung boses, teka si Xeya naiiyak? First time in the history 'to.
Niyakap ko nalang siya "Sorry Xeya, wag kang umiyak, di ko siya kinaaawaan okay? Tahan na" sabi ko kaya lalo siyang umiyak, grabe talaga to
Kumawala siya sa yakap at sabay punas ng luha niya. "Promise mo yan ha?" sabi niya saka tinaas ang pinky niya, ayoko sanang pumayag kasi promises are meant to be broken... pero sige para sayo Xeya
"Yes, promise" sabi ko at ginawa namin ang pinky swear. Ang cute lang kasi may nail polish siya na kulay light pink.
"Leigh/XEYAAAA!!!!!" tawag ni Kianna at nung babaeng may high-pitched voic--- Clein! Tama Clein nga pangalan niya, Clein Devon Nishca.
"Oh sabay pala kayo? Hanggaleeeenggg" sabi ni Xeya habang pumapalakpak pa, bata.
"Ay hindi, hindi kami sabay, magkahiwalay kami, wala pa ko dito, multo lang ako awoooo" sabi ni Clein, kaya pinitik siya sa noo ni Xeya.
"You're road you know?" sabi ni Xeya at tinuturo pa si Clein.
"Stop acting like a ked kasi Xeya" sabi ni Kianna na tumatawa tawa pa, mas okay 'to di na siya mukhang depressed at lutang.
Katulad ng ibang araw, ganun lang din ang nangyari ngayon. Ang pinagkaiba lang ay hindi na ko masyadong kinukulit ni Zach. Kapag tinawag niya ko, titignan ko lang siya tapos mananahimik na. Iba talaga epekto ng gorgeousness ko, shit.
Sabay sabay pa rin naman kaming umuwi kahit wala si Kharylle dahil sa hindi ko maintindihang dahilan na sinabi ni Xeya. Kasabay namin si Zach pero hindi na siya masyadong maingay at halos puro si Xeya nalang ang nagsasalita.
Totoo ang himala kapag nanahimik 'tong babaeng to. Maganda naman, matangkad, makinis maputi siya... pero bakit ganun? Adik ba 'to? Hindi nauubusan ng sasabihin... kulang nalang isipin ko ng may saltik talaga to.
Pero may isang bagay na gusto ko sa kanya... pagmamahal niya sa kaibigan niya. Tulad nung kanina halos ngumawa pa siya nung sinabi kong kawawa si Kharylle. Mabait siya, mabait siyang kaibigan.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
1132 wordsokay mabait talaga si Xeya pero di niyo alam ang lihim na nakakubli sa mga tawa niya't ngiti... oha magkarhyme yun HAHAHAHA umaasenso tayo mga poops
vote and comment!💕 kamsahamnidaaaa, laham ko kayo
BINABASA MO ANG
Hawandi 1: Leigh Montero
JugendliteraturThis is Leigh Yshien Montero, the leader, also known as 'Dakilang Hawandi'. Kilala ng lahat bilang masungit but she's caring for her other 4 members. But what if, this Dakilang Hawandi falls inlove with a dugyot guy. ©All Rights Reserved by: peachi...