Chapter 2

34 4 0
                                    

A/N: Salamat sa mga nagbasa ng Unseen chapter one at salamat rin dahil patuloy niyo sinusuportuhan yung work ko. Sana magustuhan niyo ito at sana po patuloy niyong suportuhan ang Unseen. Sorry po kung may mga typos o pagkakamali baguhang author lang po kasi ako kaya po please try to understand. Tsaka correct me na lang kung may mga wrong grammar or typos. 

Dinedecate ko to sa aking kaibigan na kinukulit ako na mag-update na. Kaya napaaga lang ang update ko dahil sa kakulitan niya. Hehehe.

Vote, Comment and Enjoy po. Pafollow na rin.

(^_^)/

______________________________________________

Chapter 2

Her POV

"Ang tanga ko talaga." sabi ko sa sarili ko sabay batok sa ulo ko.

Tuloy tuloy akong naglakad na parang zombie sa park habang iniisip sila linta girl at si my loves.

Nakita ko na nga kanina pinakawalan ko pa. Emote kasi ako ng emote ayan di ko na alam tuloy saang lupalot ng mundo ko sila hahanapin. 

Paano na lang kung may gawin na di kanais-nais si linta girl sa my loves ko. Oh baka naman mamaya bigla na lang marealize ni my loves na mahal niya na pala yung linta girl na iyon. Tapos baka mamaya magkatuluyan sila tapos sunod maghahalikan sila tapos sunod magpapakasal sila.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko.

Paano na ako? Paano na ang lovelife ko? Paano na ang puso kong nagdudurugo?

Hay! Kung di sana ako emote ng emote kanina eh di ngayon sinusundan ko pa sila. Eh di sana..Eh di sana?

Bigla namang lumukot ang mukha ko dahil naalala ko ang sitwasyon ko ngayon.

Ay oo nga pala anong bang magagawa ko kung sakali man magkagustuhan sila o magkatuluyan sila? WALA. 

Ano ba ang magagawa ng patay na tao? Possession, eh humawak nga ng bagay di ko na makaya sumapi pa kaya sa isang tao.

Tsaka mas bagay naman sila eh. Kasi silang pareho pa silang nabubuhay samantala ako deads na.

Bigla naman akong napatigil sa paglalakad. 

Tumingin ako sa paligid ko. Sa pagtingin ko marami akong nakita na magsyota na magkaholding hands o di kaya mga magkakaibigan na masayang naguusap.

Ano kaya future namin ni my loves? Friends Forever? Happily Ever After? Malabo na yatang maging ganun ang ending ng love story namin ni my loves.

Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin dinikta na agad ng diyos ang ending namin. 

Ang saya di ba na malaman mo na kailan man hindi na maaring mangyari na maging kayo ng mahal mo at ni kailan man walang magiging kayo.

UnseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon