A:N/ Whatzup mga readers ng unseen. Ito na naman si RSG (short term for RomanticSuperGirl) nagpapasamalat at nagsusulat ng mahabang author's note para magmukhang mahaba ang update ko. Joke lang. (^-^)v Sorry nga pala kung tinagal ako sa pagupdate tinatatamad lang talaga kasi ako. But I promise to try my best to update yun nga lang lagi akong sinusumpong ng katamaran. Gusto niyo ba ako sipagin sa paguupdate madali lang naman ang solusyon diyan sabihin niyo lang maganda si author. XD Joke lang. Basta support niyo lang ang story ko tapos promise ko talaga sisipagin ako sa pagsusulat.
Read and Enjoy
----------------------------------------------------------
Chapter 3
Her POV
After one week...
"Hay...." buntong hininga ko.
Ilang araw na rin ang lumipas simula ng huling makita ko si ate. Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa park nagbabakasakali na mahanap si ate pero hanggang ngayon wala pa ring ate na sumusulpot ni bulto at anino niya di ko maani-aninag. Kaya ito ako ngayon nakaupo at nakatingin sa kawalan.
"Haaaay..." isang malamim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko.
Saan ko naman hahanapin si ate? Ni hindi ko nga alam kung saang lupalot ng mundo ko siya hahanapin maliban na lang sa park pero di ko naman siya makikita dun. Saan na kaya si ate? Baka naman busy si ate kaya di siya pumupunta sa park o baka naman... Baka naman may masamang nangyari sa kanya. Baka naman deads na siya ngayon o baka naman dati pa siyang patay.
"Noooooooo!" sabi ko habang pailing-iling ang ulo ko.
Paano kung magkatotoo nga yung iniisip ko? Paanu nga kung deads na si ate?
"Hindeeeee! Hindi maari to!" sigaw ko habang ginugulo-gulo ko ang buhok ko.
"Ano nang gagawin ko? Siya na lang ang kapagapag-asa ko. Pagwala siya mamatay ako!" maktol ko.
Bigla naman ako may naalala.
"Ay oo nga pala patay na ako. Hehehe." sabi ko sabay napakamot sa ulo ko dahil sa katangahan ko.
Pero paano nga kung totoo yung hinala ko.
"Hinde!" iling ko.
Think positive lang! Tsaka nga sabi nila kapag may itlog may lutong nilaga.
Ay mali pala ako! Hehehe.
"Di ko talaga alam kung bakit ang tanga-tanga ko." sabay kamot sa batok ko.
"Ahhh! Alam ko na! Siguro namatay ako dahil nabagok yung ulo ko kaya naman ngayon sobrang tanga ko na." isip ko.
Bigla naman akong napatigil sa pag-iisip ng makita ko dumaan si my loves sa harap ko kaya naman agad ko siyang sinundan. Kung nagtataka kayo bakit bigla na lang sumulpot si my loves nandito kasi ako ngayon sa pinagtratrabahuhan niya.

BINABASA MO ANG
Unseen
RomanceIsang babae na matagal na naghahangad na mapansin ng minamahal niya. Pero paano kung dumating sa pagkakataon na hindi na siya mismo mapansin ng taong minamahal niya? Ano kaya ang gagawain niya? Susuko na lang ba siya o ang aasa pa rin?