A/N: Hello guys! (^-^)/ Salamat nga pala sa linaan niyong oras para basahin itong work ko. Sana di kayo madissapoint pero kung nadissapoint kayo feel free to comment below para alam ko kung ano ang mga dapat kong baguhin. Wag kayo matakot di ako ako nangangain nambubugbog pwede pa. Jowk! If your comment may sound negative okay lang sa akin yun basta wag naman yung masyadong nega ha! Baka bugbog abutin niyo sa akin! Dejk lng. At lalo na wag niyong akong estsapwerahin kung wrong grammar ko hindi naman perfect eh. Pwede niyo naman sabihin ng maayos basta wag lang yung sinasabi na bobo yung author yun lang! Tsaka please support me! Baguhan na author pa lang ako. Yun lang.
Gamsahamnida.
m(_ _)m (*bows)
Read, Vote, Comment, Follow and Enjoy.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1
Someone' POV
Aiissh! Kainis!
Malapit na sumabog ang utak ko sa galit dahil sa nakikita ko. Paano ba naman kitang-kita ko kung paano ipulupot ng babae yung sarili niya sa mahal ko. Alam mo yung feeling na parang gusto mo ingudngod yung mukha ng babae sa pader.
Hay! Kainis lang!
Akala mo parang linta kung makakapit. Sabuyan kaya kita diyan ng asin babae parang mamatay ka na at mawala ka na sa paningin ko.
At isa pa itong lalaking ito mukhang gusto pa yata yung pinaggagawa sa kanya. Kung ayaw niya pwede naman niyang itulak palayo pero bakit ganun hinahayaan niya na lang kumapit sa kanya na parang linta.
"Hoy lalaki!" sigaw ko habang papalapit sa kanilang dalawa. Agad ko naman silang pinaghahampas lalo na ang lalaki na dahilan ng sakit sa aking puso.
"Walang hiya ka! Nagawa mo pa akong ipagpalit sa babaeng mas masahol pa sa linta. Buti sana kung iba pa eh! Bakit yan pa?!" sigaw ko habang walang tigil na pinaghahampas sila.
Wala akong pakielam kung pagtinginan pa kami ng mga tao dito ang sa akin lang mapatay ko na silang dalawa.
Bigla ko naman dinukot yung patalim na nakatago sa bulsa ng pants ko.
"Kung di man tayo magkakasama sa mundong ito pwes magsasama na lang tayo sa kabilang buhay." sigaw ko sa lalaki habang nakatingin sa kanya ng nakakatakot.
"Wag ka nagbibiro ng ganyan." sabi ng lalaki habang bakas na bakas sa mukha niya ang takot. Bigla naman ako sumugod sa kanya habang hawak-hawak ang patalim.
*tuggsh.*
Hephephep! Pero syempre imagination ko lang yun ano. Hello! Nasa tamang paguutak pa kaya ako tsaka imposible ko namang magawa yun tsaka syempre di ko naman magagawa sa my loves ko yun.
Mahal na mahal ko kaya yan. Tindi nga ng pagmamahal ko diyan mula highschool mahal ko na yan at ngayon na matanda na siya at ano na ako mahal ko pa rin siya. Akala ko nga mawawala na itong pagtingin ko pagtumagal pero mali pala ako imbes na mawala eh mas lumalim yung nararamdaman ko.
Hay! Iba talaga ang pag-ibig pagpumasok sa puso nino man handa hamakin ang lahat masunod lamang ito. Naakks. Kung makabanat ng line oh parang Francisco Balagtas lang.
Bigla naman ako bumalik sa realidad ng makita ko wala na yung dalawang tao kanina ko pa sinusundan. Tumingin-tingin muna ako sa paligid nagbabakasakali na nasa malapit lang sila.
Pero bigo akong mahanap sila kaya naman napapasyahan ko na maglakad-lakad para hanapin sila.
After two hours and thirty minutes...
BINABASA MO ANG
Unseen
DragosteIsang babae na matagal na naghahangad na mapansin ng minamahal niya. Pero paano kung dumating sa pagkakataon na hindi na siya mismo mapansin ng taong minamahal niya? Ano kaya ang gagawain niya? Susuko na lang ba siya o ang aasa pa rin?