Chapter 4

25 2 0
                                    

 A/N: Hello po sa inyong lahat. May gusto lang po ako sabihin sa lahat po na patuloy na nagbabasa ng Unseen. Gusto ko po kayong pasalamatan kasi patuloy niyo pa rin binabasa yung Unseen kahit sobrang matagal akong mag-update. Tinatamad lang po kasi ako. Alam niyo na mahirap ang buhay estudyante. Hehehe. Tsaka wish ko lang talaga rumami yung readers ng Unseen para naman mas ganahan akong mag-update. Wish lang naman pero syempre patuloy pa rin akong magupupdate ng Unseen at susubukan ko hinde idelete itong story ko. Yun lang. Ciao!

Read and Enjoy. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4

Her POV

Nakatingin pa rin ako kay ate at nakita ko na tulala siguro nabigla siya kasi nakakita siya ng isang dyosa. Hehehehe. ^_^v.

"Miss dalawang order po ng chicken with rice kasama na yung drinks dun ah, tsaka dalawang order ng sundae tsaka ng fries." sabi ni my loves kay ate. 

Napansin ni my loves na nakatulala lang si ate kaya naman nagsalita siya. 

"Miss?" tanong ni my loves.

Hindi pa rin umiimik si ate kaya naman kumaway-kaway si my loves sa harapan ni ate.

"Miss ok ka lang?" - my loves

"Miss? Miss!? MISS?!" medyo lumakas ang boses ni my loves.

Dahil dun bigla namang bumalik si ate sa katinuan.

"Ah sorry po sir medyo inaantok lang po kasi ako." dahilan ni ate kay my loves.

"Ok lang basta next time huwag ka na magpuputay ha. Baka saan-saan ka pa makatulog ng nakatayo ulit eh. Delikado pa naman yun ganun." sabi ni my loves habang nakangiti ng malapad.

Ouch! Grabe ang sakit. Concern si my loves kay ate. Huhuhu naiinggit ako. Tapos pinakita pa ni my loves yung killer smile niya kay ate. Jealous much ako.

Nakita ko naman namula ng onti ang mukha ni ate sa hiya dahil sa sinabi ni my loves kaya walang nagawa si ate kung di yumuko na lang.

"Thank you po sa concern." sabi ni ate habang hindi makatingin ng diretso kay my loves.

"Walang anuman." sabi ni my loves habang nakatingin at nakangiti kay ate.

Pakatapos magsalita ni my loves bigla naman tumahimik ang paligid. Wala akong marinig kung di ang mga ingay ng mga taong umoorder at kumakain.

Mga ilang segundo at walang nagsalita sa kanilang dalawa.

"Sir order niyo po." sabi ni ate.

Tila naman walang narinig si my loves dahil patuloy pa rin itong nakatingin kay ate.Napansin naman ito ni ate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon