Chapter 2

4 1 0
                                    

Naglalakad nako palabas ng mall nang may nakalimutan akong bilhin. Agad agad akong bumalik sa supermarket para bumili ng... hehehe pads. Papunta nakong counter ng may bumangga sakin, kaya ayun, tumilapon yung mga pads na binili ko.

"Anak ka ng nanay mo naman talaga ano," sabi ko sabay pagpag sa pantalon ko.

"Sorry miss, emergency kasi." Sabi niya tsaka tumakbo ulit, pinulot ko yung pads na nahulog. Diba lima to? Nasaan na yung isa? Inilibot ko yung paningin ko sa sahig pero wala. Ni anino ng hutanginang napkin na yun, wala! Ano?! Iiwan mo din ako?! Hype yun ah!

"Ehem, is this yours?" Agad akong tumingin sa whoever-you-are na nagsalita sa likuran ko. And guess what? Hawak hawak niya yung napkin ko! Umiwas ako ng tingin tsaka ko agad agad na kinuha yung pads sa kaniya.

"T-thanks," thanks?! WTH?! Ano yun?! Did I just stuttered?

"Tss." Sabi niya, tsaka alam niyo yung parang natatawa siya ng sinabi niya yun? Bahala siya! Mukha siyang kulangot na basa!

Umalis agad ako ng mall nang makabayad nako, sumakay lang ako ng jeep pabalik ng bahay. Agad kung tinawagan si mommy nang makauwi ako.

"Hello mom?"

(Shan? Anak, kamusta diyan? Kumakain ka ba on time? Huwag kang magpapalipas ng gutom, okay? I miss you already.)

"When will you come back, mom?" Nang matapos ko sabihin yung mga katagang yun, biglang nanikip ang dibdib ko. Halos 4 na taon ko na siyang hindi nakakasama. Matagal na pala.

(Hindi ko pa alam anak, alam mo naman ang buhay ngayon dito sa Kuwait, mayroon kaming kontratang sinusunod. Sasabihan kita agad anak kapag pinayagan akong umuwi ng boss ko o kaya kapag tapos na yung kontrata. Mag-iingat ka diyan ha, Shanaiah. I love you, end ko na.)

"I love---"

*toot*

Okay, and I'm sad, again.

BELIEVE: True Love Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon