Chapter 3

5 1 2
                                    

This is it! Nakatayo ako ngayon sa harap ng paaralan ko. Southville International School, please be good. Naglalakad ako ngayon papasok ng gate. Ganito ba talaga kapag baguhan? Pinagtitinginan? Sobrang dami ng booth na nakapalibot ngayon sa campus. Anong meron? Welcoming the students? May lumapit sakin na tatlong babae, wearing their cheerleading uniform.

"We will, we will, rock you down, shake you up, like a volcano, about to erupt! Mighty, mighty, mighty Sazzy! Sazzy, Sazzy, mabuhay! Hahahahaha," chant ba yun? Ganda ah. Maglalakad na sana ulit ako nang biglang humarang sakin yung tatlong cheerleaders na ewan.

"Don't you like our cheering chant, newbie?" Tanong ng maarteng mukhang cocoon, balot na balot yung mukha ng make up eh.

"Ah, maganda naman siya, kaso ang luma na eh." Sabi ko at ngumiti sa kanila. I am trying to be honest here, like hello?

"Who the hell are you para sabihan kami ng luma? Do you even know who we are?" Tanong ng mukhang amazonang babae, mas mataas pa yata sa severe fever yung kilay niya. Umiling ako.

"Huh! You really have the guts, ha!" Sabi pa nung isa. Maglalakad na sana ulit ako ng may binulong yung amazona,

"Be careful, Roxy Shanaiah Vonn" at saka sila umalis. Goosebumps. Who the heck is she? Bakit niya ko kilala? Admirer ko ba siya? Lodi ba niya ako? Mygad.

Pumasok nako sa room ko. By the freakin' way, I'm taking up AB Media Arts. More on photography kasi ako at tsaka computer games, you know pampalipas oras sa mga taong iniiwan. Naghanap ako ng bakanteng upuan, nasa gitna ako, ayoko kasi sa huli, baka magsisi ako. Tsaka occupied na yung front, ayoko namang mang-agaw ng pag-aari ng iba, like hello?

Nag discuss lang ng nag discuss ang prof namin, walang pinalampas na segundo, bawat oras mahalaga, parang yung mga panahon na tinuturing ka pa niyang prinsesa. Bigla bigla na lang magtatapos kapag time na.

*Ring*

Dahil nga newbie ako, at unang araw sa school. Naglibot-libot muna ako kasi binigyan kami ng free time mamasyal ng buong campus. Maraming magaganda at mayayamaning mga tao dito. Parang di naman ako belong dito. Pumunta ako sa caf para bumili ng food. Ako na yung susunod na oorder nang biglang may sumingit sa pilahan.

"Shawarma wrap," sabi niya in a 'PA-COOL WAY' anak ka ng kagang naman, oo. Kaya nga may pila para walang agawan!

"Aba't kita mo nga naman, no." Bulong ko pero syempre sinigurado kong maririnig niya. Nakita ko naman sa mata niya na tinignan niya ko sa peripheral vision niya. Lumingon lingon pa siya sa paligid niya.

"Where?" Sabi niya, aba't tanga to? Common sense yung ginagamit dun! Pero mukhang wala siyang ganun!

"Where? E, kung tusukin kita ng panga ni ateng?" Sabi ko sabay turo sa likod ko. Tinignan naman niya si ate tsaka nagkibit balikat at tumalikod sakin. Aba'y bastos! Grabe!

Kinuha na niya yung order niya tsaka nag lakad, ilang hakbang palang siya nang nag salita siya.

"PMS," sabi niya tsaka umalis ng hindi lumilingon. PAANO NIYA NALAMAN?! PUSON KO BA SIYA, HA? PUSON KO SIYA?!

BELIEVE: True Love Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon