Naririnig ko na ang pag-tiktilaok ng mga manok sa labas, simbolo na umaga na naman. Naririnig ko na din ang pagwawalis ni mama sa labas, at ang walang sawa na pagtsitsimis ng mga kapitbahay. Okay na sana lahat, ng biglang tumumbad ang pagmumukha ng bestfriend kong si Marie sa akin.
Nakalimutan ko na simula nung nag-bakasyon, dito na siya natutulog. Kung minsan, aabutin siya ng 2 araw sa bahay namin dahil tinatamad siyang umuwi. Hindi muna ako bumangon sa kadahilanang tamad din ako. Napatingin lang ako sa kisame, nagmumuni-muni kung ilang araw nalang bago dumating ang pasukan.
"Oh, ano na plano mo sa buhay mo, Summer?" bungad na tanong niya sa akin.
"Ayun. Baka magpakamatay nalang ako." nakatulala kong sagot.
"Wag, bruha. Hindi pa nga tayo nakakaligo ng 3 araw eh. Tsaka ka na magpakamatay pag fresh na tayo. Malay mo, dalawin ka ni crush. Atleast, naka-aura parin kahit dedz! Ganun!"
"Hindi ko na kailangan nun. Wala ng saysay ang mundo. Hindi naman ako mahal ng aking ina, at mukhang mas matutuwa siya pag nawala na ako sa mundo. Wala ng dadagdag na stress sa kanya,"malungkot kong sagot.
Hinampas niya ako sa binti, dahilan na mapa-aray ako sa sakit, "Napagka-drama mo! Dahil lang sa sermon ng nanay mo eh sasayangin mo na buhay mo?"
"Aba'y hindi. Sobra lang akong nagsisisi na hindi ko nabili yung ear clog na nakita ko sa mall isang araw." nakasimangot kong sabi.
"Ear clog? I mean, hindi naman ganun kasama ang pagiging armalite ng nanay mo ah." sabi niya, dahilan na tingnan ko siya ng masama.
"Or maybe masama pero hindi naman grabe," dagdag niya ngunit masama pa din ang tinigin ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya in defeat, "Oo na! Nakaka-bingi nga ang sermon ng nanay mo."
"See? How I love this life." pagpipiloso ko.
"Alam mo, hindi ka nag-iisa bessy. Ako'y mapuputukan na ng eardrums sa tuwing nabisita ako dito dahil sa walang humpay na sermon ng nanay mo eh."
"Kaya nga. Wala ring talab ang earphones ko ngayon eh. Nasira ba naman." nalulumbay kong saad.
"Sana may power button ang mga nanay." naka-ngisi niyang biro.
Napa-upo ako kaagad at pinaghahampas siya, "Hoy! Ano pinagsasasabi mo, bessy! Alam kong nakakairita si mama pero wag mo naman kaagad patayin."
"Loka! OA mo. I mean, power button. Yung may on at off." depensa niya.
"Akala ko naman kung ano na eh."
"Syempre, kahit ganyan si tita eh mahal ko pa rin yan dahil pinapakain niya ako at hinahayaang bumisita sa inyo."
"More like bwisita." pang-aasar ko, dahilan na tapikin niya ako sa balikat at irapan.
"Hoy. May naitutulong din ako kahit papaano ah."
"Sige nga. Ano yun?" hamon ko sa kanya.
Tumahimik siya. Mamaya-maya ay napatalon siya sa kama habang pumapalakpak.
"Bessy, may naisip ako!" natutuwa niyang sabi.
"Naku, kung ano ano nalang naiisip mo. Mapapagalitan na nga yung tao eh."
"Hindi bessy! Maganda ito. Solusyon sa problema mo!"
"Oh, ano na naman yan, aber?" walang kagana-gana kong tanong.
"This is much better than yung plano nating magbenta ng macaroni salad,"
"Na sa bandang huli eh kinain lang din natin." pagdudugtong ko.
"Don't fret, bessy! Matalino ata ako." naka-ngisi niyang sabi.
"Ay siya! Dami pang advertisements eh!"
"Remember my cousin, si Paul?" tanong niya.
"Oh, ano meron sa kanya? Wagmong sabihin na tuluyan na siyang na-fall." natatawa kong sabi.
"Hindi, bessy. Seryoso na tayo. Yung parents niya, nagpagawa ng hacienda, and they need someone to help them out with the opening of their business. Kaya tinanong ako nung pinsan ko. I refused because hindi ko naman inakala na kakailanganin mo ito--"
"natin,"pagtatama ko.
"Yun. So, why not give it a try?"
"Hacienda, huh? Ano, mag-aararo tayo maghapon at magtatanim ng palay? May plano ka bang mas sunugin ako?"
"Ano ka ba naman bessy! Porket Hacienda eh ganyan kaagad gagawin."
"Eh ano?" nagtataka kong tanong.
"Ang vacant position nalang is stock manager at doon sa customer service."
"Sounds great! Kailan tayo pwedeng mag-apply?"
"Gusto mo ngayon na?"
"Oo! Tara!" sabay hila ko sa kanya na patayo.
"Loka! Baka nakakalimutan mo na ilang araw na tayong walang ligo, aber? Kailangan ko ng umuwi sa bahay para maligo at magasikaso and it would take a lot of time. Kaya, bukas nalang." natatawa niyang sabi habang palabas na kami ng kwarto.
Hinatid ko na si Marie sa baba, kung saan naman nadatnan namin na nagwawalis si mama sa sala.
Linapitan siya ni Marie upang mag-mano, "Tita, uuwi na po ako. Salamat po ah."
"Walang anuman. Ingat ka sa daan."
"Sige po. Bye bessy! Bukas ah."
Pagka-alis na pagka-alis ni Marie ay sinermonan kaagad ako ni mama.
"Anong bukas bukas? Walang aalis bukas! Wala na kayong ginawa maghapon kundi magkwentuhan! Ano, hindi kayo nauubusan ng kwento eh araw-araw kayong nagkikita! Hindi man lang kayo nag-isip na tumulong dito sa gawaing bahay at kun----" at bago pa ako tuluyang marindi ay isiningit ko na ang pagpapaalam ko para bukas.
"Ma, mag-aaply ho ako ng trabaho bukas."
Napatigil siya sa pag-wawalis at napatingin sa akin, "Oh, talaga? Saan naman yan, anak?"
"Sa Hacienda Santa Ella po. Bagong bukas pa lang kaya nangangailangan sila ng stock manager."
Napa-taas kilay niya, "At saan mo naman nalaman yun?" pag-uusisa niyang tanong.
"Kay Marie ho. Yung tita at tito niya kasi may ari nun."
"Akalain mo yun at may mabuti ring naidulot ang pagkwekwentuhan niyo magdamag."
"Ma, naman."
"Kumain ka na at matulog pagkatapos." sabi niya habang pinagpapatuloy niya ang kaniyang pagwa-walis.
"Bale, pinapayagan mo akong umalis bukas?" naka-ngiti kong tanong.
"Malamang oo. Ayusin mo lang na matanggap ka diyan ah." walang tingin tinging sagot sakin ni mama, dahilan na mapa-ngiti ako ng sobra, yung tila bang mapupunit na yung labi ko sa lawak ng aking ngiti.
"Aba'y oo naman. Ako pa ba?" punong-puno ng kumpiyansa kong sagot.
Kumain na ako at kaagad-agad ng umakyat sa kwarto. Hindi na ako nakatulog dahil sa sobrang saya ko. Finally, pinayagan ako ni mama na maka-alis ng bahay. Sayang nga lang at hindi pag-gagala ang aking gagawin kundi ang pagtratrabaho. Pero okay na din, kahit papaano eh malayo-layo ako sa bulyaw ni nanay.
Nagsimula na akong maghanap ng maayos na damit na pwede kong masuot bukas. Simpleng office pants na grey at white polo shirt ang napagpasiyahan kong damit. Simpleng white dollshoes na din ang sapatos na napili ko, dahil wala naman akong ibang mapagpipilian kundi ang rubber shoes ko, black shoes, at ang aking tsinelas na 50/50 na ang buhay. Pagkatapos naman ay nanood na din ako ng mga make-up tutorials sa YouTube dahil mas presentable daw pagnaka-ayos ang mukha sa interview. Pero sa bandang huli eh wala din naman palang saysay dahil wala naman pala akong kamake-up make-up kundi ang aking baby powder at ang limang taon ko ng pinagtiyatiyagaan na chap stick na nanggaling pa kay lola. Mag-aalas tres na ng umaga noong dinalaw ako ng antok. Matutulog na sana ako ng biglang may naalala ako.
Napatayo ako sa kama ng wala sa oras at napasigaw, "Shems! Yung resume ko!"
YOU ARE READING
When Summer Met Paul
Teen FictionNakakabingi. Nakakairita. Napakainit. Ayan ang masasabi ni Summer Reyes tungkol sa bakasyon niya. Kailangan niyang makawala sa bahay nila na nagsisilbing kulungan niya- at ang tanging paraan upang makamit niya ang kaniyang inaasam na freedom ay ang...