"Deputa." bungad na bati sa akin ni Minette nang makarating siya sa bahay.
"Mag-aapply ba kayo ng trabaho o magbabasura?" tanong naman sa akin ni mama.
"Ano ba meron?" naguguluhan kong tanong.
Hinawakan ako ni Marie sa braso, "Tita, papasok lang po kami ni Summer sa kwarto." pagpapa-alam nya at dali-dali akong hinila papunta sa kwarto at kaagad na binuklat ang aking damitan at naghagilap ng damit. In less than 1 minute ay tinutulak niya na ako papasok sa CR upang magbihis.
"Bilisan mo bruha! Ma-lalate na tayo!" sigaw niya mula sa labas.
Napatingin ako sa hawak kong damit. Isang black pleated na mini skirt at isang white na spaghetti sando with matching black blazer. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Wala naman atang masama sa suot ko ah. Pero, napag-pasiyahan kong magbihis nalang para hindi ma-haggard sa akin si bessy.
Lumabas ako na nakasimangot, "Wala namang masama sa suot ko na white longsleeves at grey pants."
"Correction, kupas na white longsleeves at bitin na grey pants ang suot mo kanina!" sabi ni Marie habang kinakalkal ang kaniyang bag.
Bago pa ako makasalita, hinila niya ako papunta sa upuan at pinaupo ako doon. Isang damak-mak na make-up ang ilinabas niya mula sa kaniyang maliit na pouch na nag-iwan sa akin ng isang katanungan: Paano nagkasya lahat yon?
Pagkatapos niyang budburan ng pulbo ang mukha ko, pa-luhain ang mata ko sa paglalagay ng eyeliner, at kamuntikan nang pagkaka-tusok ng mascara sa mata ko, natapos niya na ang pagbababoy sa mukha ko. Ngiting-ngiti niyang ini-abot sa akin ang salamin at agad kong tiningnan ang aking sarili.
"Oh my siomai!" hiyaw ko.
"Alam kong magaling ako, hindi mo na kailangan magpa-salamat pa."
"Pwede ka ng make-up artist ko pag ako namatay." pagpapa-tawa ko.
Pero, magaling talaga si Marie sa pagmamake-up. Isa yun sa mga skills niya. Noong una, ayaw na ayaw niya talaga sa mga ganyan. Simpleng pagsuot ng dress at sandals ay kinaiinisan niya. Kahit nga mag-polbo, hindi niya ginagawa. Hanggang sa kumalat ang balita na kaya ayaw daw niya sa mga bagay na ganoon ay marahil na tomboy siya, na ikina-galit ng kaniyang magulang. Simula noon, nagpaka-babae na si Marie. Aba'y biruin niyo yun, ang dami niya nang nakuhang awards sa paligsahan sa pagmamake-up. Nakaka-windang na nga ang kaniyang make-up collection kasi kumpletong-kumpleto. Ang dami niyang eyeshadow pallette na iba iba ang brand, at may 50 na siyang make-up brushes, na hanggang ngayon eh hindi ko makabisado kung para saan ginagamit iyon. Hindi na rin siya umaalis ng bahay na walang kilay at konting lipstick. Isa na siya sa mga hinahangaang babae sa bayan namin. Eh ako kaya, kailan ako matututo niyan?
"Teka, bago tayo bumaba, lubusin na natin ang oras na tayo ay umaapaw sa kagandahan ngayon." sabay labas niya ng cellphone at kami ay nag-selfie.
Pagkababa na pagkababa namin, nadatnan namin si mama na nanonood ng tv. Kaagad naman itong napatingin sa amin, at napangiti nalang bigla.
"Oh, ikaw ba may gawa niyan kay Summer?" tanong ni mama kay Marie habang pinagmamasdan ako.
"Opo tita. " naka-ngiting sagot niya habang shino-showcase ang aking mukha, na wari bang isang akong obra maestra na likha niya,
"Magaling. Buti naman at nag-mukha na siyang tao." natatawang sabi ni mama.
"Grabe ka naman, Ma. Baka nakakalimutan mo na nag-mana ako sayo." pagtatampo ko.
Tinapik niya ako sa balikat, "Anak, huwag mong kalimutan ang genes ng iyong tatay."
Umalis na kami kaagad upang makahabol sa masasakyan na taxi. At dahil hindi samin uso ang Uber at Grab Taxi na iyan, mano-mano kaming pa-para ng masasakyan na taxi. Hindi naman rush hour ngayon kaya mabilis lang kaming nakahanap ng vacant. Pagkatapos ng malayong biyahe ay nakarating na kami sa paraiso ko- ang Hacienda Santa Ella.
"Ang ganda pala dito." mangha kong sabi habang linilibot ng tingin ang sa gate.
Gate pa lamang ang nakikita ko ngunit nakakamangha na ito, ano pa kaya pag sa loob na? May laki na 8 feet ang gate at may CCTV pa sa kaliwa't kanan. Paniguradong walang makakapasok na magnanakaw sa loob. Napapaligiran ng mga puno at iba't ibang klaseng halaman ang gilid nito. Gawa sa kahoy ang gate kaya mahirap din patumbahin.
"Sinabi mo pa! Oh, mag-check muna tayo ng requirements bago pumasok para ready na tayo."
Inilabas ko kaagad ang mga requirements ko at ibinigay kay Marie. Bigla siyang napatigil nung makita niya resume ko.
"Summer?" tawag niya sa akin habang nakatingin pa rin sa resume.
"Marie?"
Itinaas niya ang resume upang makita ko, "Ano itong papel na may guri guri at hindi maintindihan na sulat?"
"Hindi iyan guri guri, sadyang pangit lang pagkakasulat ko ng information ko diyan. Pero don't worry, lahat ng information ko ay nakalagay na diyan."paninigurado ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin na nanlilisik ang mata, "Huwag mong sabihin na resume mo ito?"
"Eh kasi ---" bago pa man ako makapag-paliwanag, pinagpapapalo na ako ni Minette ng hawak niyang resume-kuno ko.
"SUMMER MAPAPATAY KITANG BRUHA KAAA!" nang-gigilaiti niyang sigaw.
At doon mismo sa Hacienda Santa Ella natupad ang pagiging make-up artist ng best friend ko.
YOU ARE READING
When Summer Met Paul
Teen FictionNakakabingi. Nakakairita. Napakainit. Ayan ang masasabi ni Summer Reyes tungkol sa bakasyon niya. Kailangan niyang makawala sa bahay nila na nagsisilbing kulungan niya- at ang tanging paraan upang makamit niya ang kaniyang inaasam na freedom ay ang...