Chapter 3

5 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa lobby habang hinihintay ang pagdating ng magi-interview sa amin. Makikita ang napagka-laking chandelier na nagniningning habang nakaupo kami sa sofa na sobrang lambot, at amoy na amoy din ang fragrance ng Jasmine, kaya kahit pa-paano ay nawala ang kaba ko. Hawak hawak ko ang resume na pina-rush ni Maria na mag-gawa sa computer shop na ilang lakad ang layo mula dito- at aaminin ko eh mas magandang tingnan ito kaysa dun sa nauna na handwritten ko. Kaso, hindi ko pa rin makalimutan ang kaawa-awang sinapit ng keyboard sa comshop sa kamay ni Maria. Napapaisip nga ako kung sa keyboard niya ibinubuntong ang inis niya sa akin dahil sa pabuntong na pagbagsak ng kaniyang mga kamay sa keyboard na halosmadinig na sa buongkwarto.

Kikibuin ko na bale si Maria nang biglang may pumasok sa lobby. Mag-asawang agaw pansin dahil sa suot nila na mukhang galing Hawaii. Naka tropical na shorts at floral na polo na may nakasabit na camera sa leeg ang lalaki, habang ang babae naman ay naka-floral dress at nakashades. Ang isa din sa distinct feature nila ay kung gaano kababa ang lalaki, ayun naman itinangkad nung babae, at kung gaano kataba yung babae, ayun naman ipinayat ng lalaki.

In-escort sila nung babae sa lobby papunta sa kwarto sa pinakadulo. Mamaya maya pa ay linapitan kami nung babae at kinuha ang aming mga resume. Ipinasok niya ulit ito sa kwarto habang pinapila kami sa labas. Alphabetical order kaya nasa may likuran ko lang si Maria, at ako ang mas mauuna. Lumipas ang ilang minute, parang bulang naglaho ang mga applikante sa harap ko. Biglang nang-lamig katawan ko at pinawisan kamay ko. Ako na ang susunod.

Liningon ko si Maria at binigyan niya ako ng thumbs-up at good luck pat sa likod. Pumasok na ako sa loob ng office at umupo sa upuan. Nakatayo sa likod ng desk ang babaeng agaw pansin kanina.

"Oh, so you're going to apply here?" bungad na tanong niya sa akin.

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita, "Yes ma'am." matipid kong sagot dahil sa kaba.

"So, dahil we badly need staffs kasi malapit na ang pagbukas ng Hacienda Santa Ella, I won't interview you that long because you seem trustworthy naman."

"Let's start with the most basic question, why should I hire you?"

Ito na ang kinakatakutan ko. Napagka-daling tanong ngunit kung on-the-spot ka tatanungin, tiyak na mapapaisip ka kung bakit nga ba. Naaalala ko tuloy nung pinipilit akong pasalihin nung nanay ko sa mga beauty pageant sa baranggay ngunit hindi ako pumayag. Hindi dahil sa pangit ako, maganda naman talaga ako kaya nga lakas loob si nanay kung makapagsali, kaso ayawan na pagdating sa Question and Answer portion. Kung kasama ko lang sana si Maria, matutulungan niya akong makasagot dito,-pero wala siya kaya bahala na si cavemens.

"Dahil kailangan niyo po ng staffs?" walang kumpiyansa kong sagot,

Binaling niya ang tingin niya sa resume ko at mamaya maya pa'y tumayo, "Anong maitutulong mo sa Hacienda Santa Ella?"

"Hindi na po kayo mahihirapang maghanap pa ng iihire kasi ito na po ako, willing na mag-volunteer to do work."

Pagkatapos ng ilan pang checking sa resume ko, pinalabas niya na ako at tatawagan nalang daw kung approved. Lumabas na ako na nalulumbay dahil sa palagay ko na hindi ako maaaprrove. Una, dahil sa mga sagot ko na wala sa banga. Pangalawa, wala akong inilagay na number doon. Pati sa pag-aaply ng trabaho eh may paasa din!

"Oh, success ba?" bungad na tanong sa akin ni Maria.

Napabuntong hininga ako sa lungkot, "Hindi eh."

"Wait bessy, c-cr lang ako."

Hinintay ko siya sa may tapat ng labas ng pinto ng cr habang iniisip kung tama ba ang mga sinagot ko kanina, o may tama na talaga ako sa utak.

Nang biglang may bumunggo sa akin sa likod, dahilan na mapa-talsik ako. Paglingon ko, isang lalaki na naka-cap na "Breezy", may piercing sa tenga, at naka black leather jacket ang tumumbad sa akin.

"Here, let me help you." sabay abot sa akin ng kaniyang kamay. Imbes na hawakan ko yun para maalalayan niya ako sa pagtayo, hinampas ko iyon ng malakas.

"What the hell was that for?" tanong niya habnag hinihimas ang ngayo'y namumula niyang kamay.

Tumayo na ako at pinagpag ang sarili, "That? Thank you lang yun doon sa pagbangga mo sa akin." irita kong sagot.

"Huh? Pagbangga? Eh kung hindi ka humaharang harang sa daan."

"Ako pa may kasalanan? Eh kung tumitingin ka kaya sa dinadaanan mo!"

"Aba, sumasagot ka pa!" singhal niya, "Hindi mo ba ako kilala at ganyan ka kung umasta?"

"Ano ka, nanay ko? Wala din akong balak kilalanin ang isang taong walang manners!"

"Humanda ka, ikakalat ko mukha mo dito nang hindi ka makapasok muli." inilabas niya ang kaniyang cellphone at itinapat sa akin ang camera, bago niya pa ako mapicturan ay na-itulak ko siya kaagad papasok sa CR at sinaraduhan.

"Hoy! Palabasin mo ako dito!" sigaw niya mula sa loob.

"Diyan ka nababa-bagay mabulok!" sagot ko habang tumatawa.

Feel na feel ko na bale ang tagumpay sa pagpapa-bagsak ng lalaking walang modo, nang biglang may tumapik sa balikat ko na muntikan ng maging dahilan na atakihin ako sa puso sa kaba. Dahan dahan akong lumingon at inihanda ang sarili sa magiging parusa.

"Ano ginagawa mo?"

When Summer Met PaulWhere stories live. Discover now