Chapter 4

6 0 0
                                    


"Ano ginagawa mo?" tanong nung taong nasa likuran ko.

Bigla akong pinagpawisan habang dahan-dahan akong humarap.

Lord, kayo na po ang bahala sa akin.

Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko si Maria na nakapameywang.

"Diyos ko! Buti ikaw lang pala, Maria." sabi ko na tila bang nabunutan ng tinik.

"Hello?" biglang sabat nung nasa CR, "Is someone there?"

Napatingin si Maria sa pintuan, "At sino naman iyang kinulong mo sa CR?" tanong niya.

"Ah, eh, may bastos kasi." palusot ko.

Agad-agad akong umalis sa may pintuan at nagtago sa likod ni Maria, nagbabakasakaling nakalimutan nung lalaki ang nangyari, o kaya'y hindi ako makita para mai-report pa.

Binuksan ni Maria ang pintuan, at kitang kita ko ang inis sa mukha nung lalaki.

"Paul? Anong ginagawa mo diyan" nagtatakang tanong ni Maria.

"Ano pa ba, ikinulong ako nung babaeng iyan!" sabay turo niya sa akin.

"Huh? Si Summer?"

"Summer?" napatawa siya ng bahagya, "Wait, kilala mo yang walang modo na babae na iyan?" tanong niya.

At dahil alam kong hindi ako ipagtatanggol ni Maria, sarili kong binuhat ang aking bangko, "Hoy! Best friend ko si Maria kaya wala kang karapatan na tawagin akong walang modo!"

"Gosh, I can't believe na bumaba na din standards mo sa pakikipag-kaibigan."

"Aba, sumosobra na ang lalaking iyan."

At bago pa magka-giyera doon, hinila na ako papalabas ni Maria. Pagkauwi ko, tulog na si mama kaya ligtas ako sa walang humpay na tanong at sermon once na malaman niya ang nangyari.

Kinabukasan, naisipan kong mamalengke upang makabawi kay mama, at makakuha ng brownie points kahit papaano.

"Ipagdasal mo nalang na matanggap ka pa sa trabaho sa kabila nang ginawa mo." ang huling sinabi sa akin ni Maria, at ngayo'y paulit-ulit nang bumabagabag sa isip ko. Muntik ko na ngang makalimutan ang sukli ko dahil sa pagkawala sa sarili.

Pauwi na ako mula sa palengke nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Unknown number kaya nagdalawang isip muna ako kung sasagutin ba o hindi, ngunit hindi pa nakalipas ang dalawang minuto ay kaagad nag-end yung call. Mamaya maya pa ay may natanggap akong text, unknown pa din ang sender kaya binasa ko ito kaagad agad, at tama nga ang kasabihan na curiosity kills the cat, kasi sa oras na iyon, hindi man ako mukhang pusa ngunit maaari na akong mamatay sa tuwa dahil dininig na ng Panginoon ang dalangin ko- ang matanggap ako sa Hacienda Santa Ella.

Paul's P.O.V.

Pagbukas ko nung pinto mula sa office nila Mama at Papa, tumumbad sa akin ang kalat kalat na papeles at resume. Naka-upo naman sa balcony si mama habang may kausap sa celllphone. Mamaya maya pa ay nakita na ako nito at ka-agad na pumasok sa loob.

"Oh honey, buti andito ka na." sabi niya habang inaayos bag niya, "May kailangan pa akong asikasuhin kaya ikaw muna bahala dito, okay?"

And with a peck on the cheek and some casual bye's and waves, umalis na si mama na parang bula, at naiwan ako sa makalat na silid na ito. Tumungo na ako sa desk upang ipagpatuloy ang trabahong hindi natapos ni mama. Halo-halong resumes ang nakakalat sa desk, at isa na doon ang resume ni Maria, dahilan na maalala ko ang bruhang nagkulong sa akin sa CR.

"Teka, asan na ba resume nun?" tanong ko sa sarili ko habang hinahalungkat ang mga papel sa desk. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin ito natagpuan, kaya naisipan kong hanapin sa basurahan, tutal doon naman nababagay ang mga katulad niyang nabubulok ang ugali.

Sa wakas, nakita ko na din resume niya na sa kakakalkal sa basurahan. Habang pinagmamasdan ito, napangiti ako. Mukhang basura ang resume, mukhang basura at may ugali na parang basura ang applicante, at nararapat lang siya na ibasura. Gusto niya ng trabaho, pwes bibigyan ko siya ng trabaho at tiyak na makikilala niya ako.

"Humanda ka, Summer. Sisisguraduhin ko na pagsisisihan mo na kinalaban mo ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Summer Met PaulWhere stories live. Discover now