VI: Pwede ba?

1.6K 65 18
                                    




Vice.


Habang nasa sasakyan, kinukulit na naman ako netong si Bonita. Di ko alam kung ano na naman ang nakain ng baklang to. Kung ano ano na naman tinatanong sakin. Nakaharap lang naman ako sa phone ko, para kunwaring di ko napapakinggan ang mga sinasabi ni Bonita. Ayaw kasing tumigil e. Sinuot ko na rin yung earphones ko para din mas kapanipaniwalang hindi ko napapakinggan.

"Hala siya, nag earphone pa o. Hoy alam ko napapakinggan mo 'ko no. Tss." sabi ni Bonita habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.

Hindi na lang ako nagsalita at nagkunwaring kumakanta kanta pa, habang nakapikit. Bigla namang hinila ni Bonita yung earphone ko. E nakalimutan ko namang hindi i play yung kanta sa phone ko, kaya ayun nahuli si Meme mo.

"Ayooonn! Ang galeng den e. Nakaearphone pero hindi nakaplay yung music. Ano ka baliw?" pang aasar pa ni Bonita.

"E, ikaw kase!" sigaw ko pa sa kanyang tenga.

"Aray naman!" sigaw niya den.

"Ikaw kase, ang harot harot mo. Kung ano ano naman ang sinasabi mo sa akin. Kabakla kong tao, yan ang tinatanong mo sakin."


Flashback...


"Meme!"  pagtawag sa akin ni Bonita.

"O?"

"Tutal naman lagi mong inaasar si Jackque, may kahit konti bang totoo dun sa mga sinasabi mo sa kanya?"

Napatingin lang naman ako ng nakakunot ang noo, kasabay ang biglang kaba na aking naramadaman sa dibdib.

"Ano bang tanong yan, Bonbon?"

"So, ano na nga?"

"Ewan ko sa'yo, bahala ka nga dyan."

"Hala sya?"

"Bahala ka dyan."

"Hoy Meme, yes or no lang naman isasagot mo. Dami mo agad sinasabi."

"Alam mo namang komedyante ako, so walang totoo dun?"

Napataas naman ng kilay si Bonita sakin, kasabay ang pagtingin ng animo’y di naniniwala. Inirapan ko na lamang siya at bumalik na sa pagkalikot ng aking phone. Napangiti na lamang ako ng dahil naalala ko na naman yung moment kanina sa MQ&A. Di ko na talaga kung ano ba talaga yung sa pagitan namin ni Jackque. Yung parang kayo na parang hinde. Yung nami miss ko sya, pag wala sya minsan sa Showtime, at higit sa lahat yung sinasabi nya sakin. Bukod sa di scripted yung ginagawa namin, para kasing sobrang sincere nya pag magkaharap kami at nag – uusap. Dinadaan ko na nga lang sa pagpapatawa pag sobrang kinikilig na ako e. Para yung tawa at ngiti ko na dahil sa kilig di mahalata. Diba, galling ko din magtago ng nararamdaman. Ang akala ng iba nagpapatawa at nagpapakilig lang kami ni Jackque, pero ang totoo may nararamdaman na talaga ako.
Sa pag e- emote ko naman ditto, humarang na naman si Bonita. Eto talagang si Bonita, pag nagmumuni muni ako, gagambalain ako. Anubayan? Pero don’t get me wrong ah, mahal ko ‘tong si Bonbon no.

“Meme, ngiting ngiti ah. Kanina lang sobrang tahimik. ‘No naiisip mo?”

“Ikaw talaga, kahit kelan ka panira ka talaga. At tsaka labas ka na sa iniisip ko ‘no. Di mo na kailanagan pang malaman.”

Sa kakulitan ni Bonita, binalik niya na naman yung topic namin kanina. Si Jackque.

“So ano na? Wala man lang bang totoo sa mga sinasabi mo.”

“Komedyante ako, lahat ng ‘yon, di totoo. Ang kulit mo din e no?”

“Di daw totoo. Samantalang pag may sinasabi kang jokes, minsan totoo.”

“Edi wag kang maniwala, di naman kita pinipilit na maniwala, ikaw lang naman nagpu push e.”

“O, edi wow!”

“Ediwow din.”

Sa pag aakala ko na matatapos na ‘tong usapan at pang gugulo sa akin ni Bonita, nagkamali ako, may dinagdag pang tanong sakin, na sya namang kinakaba ko.

“Alam ko na!"

"Ano na naman yan Bonita!" sigaw ko. Habang nag papanggap na hindi ko gusto yung topic.

"Eto na nga. So pwede ka ba ulit magka gelpren or  pwede ka ba ulit mainlove sa girl?"

"Ewan ko?" sabi ko habang napaiwas ako ng tingin at napatingin sa kaliwa habang nakankgiti.

At sa pagkakataong iyon, hindi na naman ako nakaligtas sa nasa harapan ko. Ayun, nakita naman ako. Bwisit.

"Hala si Vice o, kinikilig ka ba?"

"Hindi ah. Ngumiti lang kinilig agad?"

"Hoy, alam ko yang ngiting yan. Ngiti ni Vice Ganda na kinikilig."

"Parang sira 'to!" sabi ni Vice habang nag papabebe.

"Ewan ko sainyo, tara na baba na. Andito na tayo oh."

At sa wakas ay natapos din ang pangungulit ng mga baklang 'to. Kulit din e. Pumasok na lang kami sa bahay. Dumiretso na lang ako sa cr para mag shower, at matulog ng mahimbing.






Hay. Another update. Yung kinikilig ako habang nagtype ako neto. Hahaha.







Vote and comment.







Ig: ravenxvi
Twitter: akoposiravenm

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now