XIX: Jealous Jackque feat. ViceAnne II

930 36 7
                                    

Nagsasalaysay.






Maya – maya pa ay nagsimula na ang PUROKatatawanan. Sa pag papalamanuhan, ang Team Girls naman ang nanalo, kaya’t sila ang mauunang magjojo – joke. Si Anne ang unang napili nilang mag – joke kaya’t pumunta na siya sa unahan. Puro “Vice” ang sisnisigaw ng madlang pipol, kaya kahit ayaw ni Anne dahil mababasag lang siya ni Vice, siya na rin ang pinili nito, para sa madlang pipol.

“Sige na nga, gusto kita Vice!” tawag ni Anne kay Vice, napangiti na lang si Vice kay Anne nang matawag siya.

“Gusto mo talaga ako Anne?” pagbibiro ni Vice kay Anne. Sa kabilang banda, tahimik lang na nakatingin si Jackque sa dalawang naghaharutan. Animo’y parang nagseselos.

“No, no, no. Just for the show.” Sambit naman ni Anne.

“Talaga ba Anne?”

“Of course.”

“Okay.” sabi naman ni Vice, sabay tawa lang tapos sulyap ng kaunti sa direksyon ni Jackque.

“Sige, eto na ha… Vice,,, sinong artista, ang mahilig umorder ng Jollibee?”

“Hahaha! Napakadali lang naman nyan Jackque… este Anne… ha?” sabi ni Vice, sa hindi inaasahang pagkakabulol. Kasabay naman iyon ng mga sigawan at tili ng mga studio. Dahil sa pangalang sinambit ni Vice sa pagkakabulol niya.

“Hoy, Vice! Ako si Anne ha, hindi si Jackque.”

“Oo, oo na. Ano nga ulit yung tanong mo?”

“Ayan kasi… kakaisip mo siguro yank ay Jackque.” Sabay tingin si Anne sa likod kung nasan si Jackque.

“Oo na…” tipid na sagot lang si Vice, sabay seryoso ng mukha.

“Eto na… sinong artista… ang mahilig umorder sa Jollibee…” ulit ni Anne, sa tanong niya.

Sa inaasahan, nagdadaya na naman ang Team Boys, bumulong na naman si Vhong kay Vice ng pwedeng sagot.

“Ang tanong mo ay… sinong artista… ang mahilig umorder sa Jollibee? Yan ang tanong mo diba? Ang dali – dali naman nyan Anne.”

“Oo, sinong artista?”

“Ang artistang mahilig umorder sa Jollibee, ay si Gary V.”

“Oh, bakit?”

“Kasi… 🎶🎵8 – 7000, GARY V. delivery!🎶🎵” sagot ni Vice sa joke ni Anne, kasabay ang tugtog ng music dahil havey na havey ang sagot ni Vice.

“Eeee… bakit mo alam?”

“Nabasag ang joke ni Anne, kaya naman… ang 1 point ay mapupunta sa PUROKalalakihan!” sabi ni Tyang Amy.
Nakabusangot naman ang mukha ni Anne, dahil nabasag ang kanyang joke, kaya’t nilapitan siya ni Vice… at sinabing…

“That’s okay Anne,..” sabay halik sa ulo ni Anne at yakap ng ilang segundo.


Pulang – pula na si Jackque sa kanyang mga nakikita sa mga nangyayari. Pilit man nyang iniiwas ang sariling hindi tumingin, di niya pa rin ito matiis dahil ayaw niyang makalagpas sa bawat galaw ni Vice. Hindi niya na alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Ilan pang minuto ay ganun pa rin ang nangyayari, ViceAnne moments.
Ilan pa ding minuto ay natapos na ang segment, sa pagkakataong ito, Team Boys na naman ang nagwagi. Naluluhang naglakad – patakbo naman si Jackque, papuntang cr. Sa di inaasahan, papunta ding cr si Vice, kaya’t nakita niya si Jackque mangiyak – ngiyak. Pero tiningnan nya na lamang si Jackque, na para bang walang pakealam kahit konti.


To be continued...



Jealous Jackque feat. III

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now