XVI: Walwal II

1K 38 7
                                    

Cont...




"Hmmm? May pinagdadaanan ba 'tong si sis, bakit parang ang lungkot niya?" bulong ni Anne kay Karylle.

"Ha? E, pag kumakanta nga yan bg mga ganyan laging feel na feel. Di ka pa nasanay." tugon naman ni Karylle.

"At tsaka, nasa screen na nga yung lyrics, nagkamali pa ng kanta. Tsk tsk!" sabay turo naman ni Jhong kay Vice.

"Hahaha😂😁 kasi naman, nakatingin sa iPhone nya o." sabat naman ni Anne.

"Pero, tingin ko may problema yan. Sa mata pa lang e, o?" sambit ni Jhong.

"Ano namang pronlema? Nagsasabi naman yan pag may problema e. Wala naman syang nasasabi sakin." sabi ni Anne, sabay higop sa wine.

"Oo nga, he doesn't tell me about his problems naman..." sabat din ni K.

"Promise, may problema yan... Sobrang tahimik e. Diba pag may problema yan, tahimik lang. Tsaka, baka sobrang private ng problema niya, kaya di nya sinasabi sa'tin." ani Jhong.


Habang nag - uusap sina Anne, Jhong at K. Di naman nagpapahalata si Vhong na hindi din niya alam kung may problema ba si Vice o wala. Kaya di na lamang siya sumasali sa usapan ng tatlo.


🎶🎵Can we go back to the days, our love was strong.
Can you tell me, how our perfect love goes wrong
Can somebody tell me, how they get things back the way they used to be
Oh, God give me a reason, I'm down on bended knee🎶🎵


Ramdam ma ramdam naman ni Vice ang kanyang kinakanta, kahit pa pamali - mali ang kanyang lyrics na binibigkas. Nakita nya rin kasi ang fan - taken picture nila ni Jackque sa Twitter, habang kumakanta siya. Kaya't napabaling naman pababa sa phone niya ang kanyang tingin. Binasa rin ni Vice ang caption ng isang fan sa Twitter.

Lumipas ang ilan pang minuto at natapos na ang kantang sinalang ni Vice na On Bended Knee ng BoyzIIMen. Kaya't naghanap na siya ng panibagong kanta.

Nag - play na naman ang next song na sinalang ni K, ang Don't You Remember ni USHER. Nang kinanta na ni K ang first line, napatingin naman siya kay K, dahil parang nakakarelate siya sa kanta.


🎶🎵Don't you remember, you tell me you love me baby🎶🎵



Parang dati lang, nagkakamustahan pa sina Vice at Jackque at naghaharutan sa call at text. Ngayon, parang wala na lang, kasi di na pinapansin ni Jackque si Vice.

Sa side naman ni Vice, sobrang hirap din sa kanya nung mabalewala lang lahat ng pinagsamahan nila ni Jackque.




Mabalik tayo...




Nakatulala lang habang nakikinig sa kanta ni K, kasabay ng pag - inom ni Vice ng malamig na tubig.

Napakunot naman ang noo ni Vice at napatingin sa direksyon ni Karylle, dahil biglang sumingit sa pagkanta si Anne, gamit ang isa pang microphone. Ngunit imbes na basagin ang trip ni Anne na kumanta, kinuhaan na lamang ni Vice si Anne habang kumakanta kasabay si K.





"Hahaha! Ipost mo sa ig mo yan." sabi ni Jhong, nang makita niya si Vice, nagkukuha ng video ni Anne.

"Hahaha! Syempre noh?"





Napansin din naman ni Jhong na bumalik na yung kaunting sigla ni Vice, mula kaninang malungkot siya. Ngunit, di na rin naman kinausap ni Jhong si Vice tungkol sa naiisip ni Jhong kanina, hinayaan na lamang niya na magsaya muna ito.

Maya - maya pa, isinalang na ni Vice ang kanyang susunod na kanta. Pero sa tingin niya rin ay matatagalan pa siya bago kumanta, dahil pang sampu pa ang kanyang isinalang. Bukod doon, busying - busy din si Vice sa pag post ng kanyang mga ig story sa Rockstar KTV.





Sa kabilang banda...





Alas diyes na ng gabi ay hindi pa rin niya maisipang matulog dahil nag - aabang siya ng mga ig stories ni Vice. Magulo mang isipin, dahil sa hindi na pwede silang magchat dahil nga may magseselos, ay hindi pa rin niya maiwasang mag - stalk sa Instagram ni Vice.

Sa pag - titingin sa ig stories ni Vice, di niya mapigilang masaktan, dahil halatang malungkot ito habang kumakanta si Vice sa ig story. Na - guilty din si Jackque sa nakikita niya, dahil alam niya din sa sarili niya na siya ang dahilan kung bakit malungkot si Vice.

Bigla namang kumatok at pumasok ang kuya ni Jackque sa kwarto niya, dahil kukunin niya ang tsinelas niyang kinagat ng aso papunta sa loob. Nabigla din naman ang kuya ni Jackque dahil nakita niyang hindi pa ito natutulog sa ganoong oras. Kaya't sinabihan niya si Jackque na matulog na.

"Jackque, matulog ka na jan. Gabing - gabi na ah. Tsaka kukunin ko lang tong tsinelas ko, nandito lang pala." sa pagsasalita naman ng kanyang kuya, di na nya ito masyadong maintindihan dahil patuloy pa rin siyang nanonood ng ig stories ni Vice.

"Oy, bunso! Tulalang - tulala ka jan? May problema ka ba? Yan na ang nadudulot sa'yo ng kaka phone mo. Nagiging tulala ka na." Pagbibiro pa ng kanyang kuya sa kanya.

"Ah. O - okay kuya. Sige" sabi pa ni Jackque.

Dahil sa sobrang antok na rin, naisipan na rin sa wakas ni Jackque na matulog na. May pupunta pa din kasi siya bukas.





Sa kabilang banda..





Isang kanta na lamang at kanta na ni Vice ang magpe - play, ang Ikaw ni Yeng Constantino. Isa din sa paboritong kanta ni Vice ang kantang iyon ni Yeng.





🎶🎵Sa pagpatak, ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko, simula nang
matanto.....🎶🎵





Sa pagkanta ni Vice sa unang part pa lamang na iyon, napaluha na agad siya at humikbi. At hindi naman iyon nakaligtas kay Anne, kaya't kinausap niya ito agad.





"Sis, okay ka lang ba?"

Di naman agad naka sagot si Vice, dahil humihikbi - hikbi pa si Vice ng kaunti. Kaya't naisipan ni Anne na pagpahingahin na lang muna si Vice.






Ig: weyvenmawi
Twitter: reybenmsl

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now