XIV: G na g

1.3K 44 16
                                    

Nagsasalaysay.













Pasado alas sais na nang maisipan umuwi ni Jackque sa kaniyang bahay kasama si Tom. Naunang sumakay si Jackque sa sasakyan kaya’t niligpit na lamang niya ang kanyang mga gamit sa kotse para, di masyadong makalat tignan ang loob ng sasakyan. Nang makapasok naman si Tom sa sasakyan ay nilalagay niya sa isang sulok ang mga gamit na dala – dala nila. Napansin naman niya ang paper bag na nasa tabi ni Jackque.

“O, love. Yung paper bag pa sa tabi mo, akin na ilalagay ko na dito.” Sabi ni Tom, habang inaabot ang kanyang kamay kay Jackque.

“Ah, wa – wag na. Dito na muna sakin ito. Ayos na.”

“Sige na. Lagay mo na dito yan, para maluwag ka dyan, teka ba’t ka nga pala nandyan? Dito ka nga sa harap, sa tabi ko.”

“Ha? Sige. Wait lang.” at lumipat naman agad si Jackque sa harapan katabi si Tom.











Fast forward…












Nakarating na rin sa wakas sina Jackque at Tom sa bahay nina Jackque. Bumaba na rin sila at inalalayan naman ni Tom si Jackque sa pagbuhat ng kanyang mga gamit. Naalala naman ni Jackque ang paper bag na may lamang pasalubing ni Vice sa kanya. Kaya’t kinuha naman agad niya ito. Pagkapasok sa kwarto ni Jackque, ay nakita naman siya ng nanay ni Jackque, at niyayang doon na lang maghapunan sa kanila.

Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso muna sina Jackque at Tom para magkwentuhan.

“Ahh. Love, may binili akong damit sa’yo kanina.” Napatingin naman si Jackque kay Tom, at parang nabigla.

“Ahhh. Ta – talaga? Anong oras mo binili?”
“Kaninang mga 9:00 ata?”

“Ahhh, kaya pala di kita nakita sa Showtime kanina.”

“Syempre, surprise ko ‘to para sa’yo.”

“Thank you.” Malumanay na pagkakasabi ni Jackque.

“Di ka ba natutuwa?”

“Ha – ha? Hindi, hindi. Syempre natutuwa, bigay mo ‘to e.”

“E, bakit nakaganyan muka mo? Parang matamlay ka nung binigay ko sa’yo to?”

“Hindi naman, ano ka ba?” sabi ni Jackque, at yumakap kay Tom.

“Teka, ano ba ‘to? Kanina mo pa ‘yo tinatago sakin.” Sabi ni Tom nang Makita niya ang paper bag na bigay sa kanya ni Vice kanina.

“Wala, may nagbigay lang sakin.” Kahit nilalayo naman ni Jackque ang bag, inaabot naman lalo ito ni Tom.

“Akin na.” at nakuha naman ito ni Tom sa likod ni Jackque.

“Wala lang yan.”

At tingnan naman agad ito ni Tom, pagkabukas niya ay nabigla naman agad siya dahil, mukhang mamahalin ang mga ito.

“Jackque, umamin ka ha? Sino nagbigay sa’yo?”

“Fine, si Vice!”

“Hmm. Sabi ko na nga ba.”

“O? Ma – may problema ba dun?” sabi ni Jackque habang nilalaro ang kanyang mga kamay sa kaba.

“E, bakit parang ayaw mo kasing ipakita sakin, tsaka kanina ka pa aligaga dyan, tapos kanina kaya pala ayaw mong itabi sa kotse, kasi bigay ni Vice. Wala ka pa nga atang balak sabihin sakin e.”

“Ba’t andami mo agad sinabi, para ito lang… nagagalit ka kaagad.”

“E, syempre nagseselos ako. Kase etong binigay ko, parang ayaw mo. Yang kay Vice na binigay sa’yo, parang mas gusto mo. Alam kong meron kayong kaganapan sa Showtime, pero di ibig sabihin nun, pwede na kayong magbigayan ng mga ganyan, mamaya  ligawan ka nun!”

VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now