XII: Gift?

1.2K 52 9
                                    





Nagsasalaysay.











Makalipas ang ilang linggong pagtatrabaho ni Vice kasama pa ang Team Vice ay nakauwi na rin sa wakas ang grupo. Ito na ata ang pinakahihintay din ng madlang pipol, Little Ponies at ng ViceJack fansclub. Sa kabilang banda naman, madami – dami din ang mga unforgettable moments ng Team Vice doon, kasama na’ryan ang ViceJack. Matapos din kasing makuha ng dalawa ang kami – kanilang mga phone number ay halos araw – araw na silang nagte – text. Nagkakamustahan, nagkukulitan at kasama na din doon ang lambingan.






Flashback…







Habang nakaupo si Vice sa upuan ng eroplano, naisip na naman niyang i – text si Jackque. Halos isang oras pa lang kasi silang nasa eroplano ay miss na miss nya agad si Jackque. At habang nakaupo sa upuan ay pangiti – ngiti habang iniisip ang mga dating kaganapan sa It’s Showtime.

To: Jackie

Hi, nandito na kami sa eroplano. Ikaw san ka? IMYA.

Pagkatapos I – send ay ibinaba muna ni Vice ang kanyang phone para umidlip muna saglit. At hindi pa lumalagpas ang isang minuto ay nag – reply naman agad si Jackque. Ngunit hindi naman iyon napansin ni Vice dahil tulog nga siya. Pero ang katabing si Buern ay hindi pa tulog kaya’t nang mapakinggan niya ito ay agad naman siyang na conscious kung sino iyong nag – text, kaya’t sinilip niya ito, at nabasa niya ang pangalan ni Jackque.

“Jackie? Hmmhh. It’s a miracle! Vavaih ang ka – text ni wakla. Mabasa nga.” Sabi ni Buern habang nakangisi, at kinuha ang phone ni Vice.

“Hi din Vice, nandito pa rin ako sa bahay. Tsaka ingat kayo jan ah. IMYT? Oh, ano naman ‘tong IMYT chuchu na to? Daming learnings. Pwe!” napalakas naman ang pagsasalita ni Buern kaya’t nagising si Vice.
Hinanap naman agad ni Vice ang kanyang phone para matingnan kung may reply na ba si Jackque. Saglit ng kanyang paghahanap nakita niyang hawak lang pala ni Buern ang kanyang phone. Nanlaki naman ang kanyang mata ng Makita niya si Buern kapit ang phone niya. Kaya’t inagaw niya agad ito.

“Huy! Bakit mo hawak ‘to?” kinakabahang sabi ni Vice dahil nakita niyang nag reply na si Jackque, baka kasi nabasa iyon ni Buern.

“E? Tumutunog kasi, na conscious lang ako.”

“Kaya kinuha mo?”

“Oo. Obvious ba?”

“So? Nakakatawa yun? Nakakatawa yun?”

“Ewan ko sa’yo? Tsaka sino ba yang Jackie keme na yan? Yan ba yung angel mo sa bahay?”

“O – oo.” Nagmamaangmaangang sabi ni Vice.

“Hmmmhh.” Sabi naman ni Buern habang nakataas ang isang kilay, na para bang hindi naniniwala.

“O, bakit ka ganyan makatingin?”

“Yung angel daw sa bahay?” nanatili naman si Buern sa ganoong reaksyon.

“Oo nga! Edi wag ka maniwala.”

“Pfft,,,”

“Bahala ka nga dyan.” Sabi naman ni Vice at tumingin na lamang sa kanyang phone.

Umiwas na lamang si Vice sa pag – uusap nila ni Buern dahil parang nakakahalata na ito. Kaya’t binasa na lamang niya ang reply ni Jackque. Isang malalim na buntong hininga naman ang kanyang ginawa. Kabang – kaba naman si Vice sa interaksyon na iyon dahil muntik na siyang mabuko don. Kaya’t naisipan niyang ilalagay niya ang kanyang phone sa bulsa o kaya sa bag para di mapakialamanan. At pagkatapos naman niyang malaman ang reply ni Jackque, nireplyan niya ito ng matutulog muna siya para makapagpahinga na din, baka din kasi maraming ginagawa ni Jackque.








VICEJACK: ALMOST A LOVE STORYWhere stories live. Discover now