Prologue

5.9K 143 13
                                    

A/N: Hello my dear readers. Here is another story of LOVE entitled "The BULLY and the NERD" starring Lance Elvis Farnacio and Franchesca Alcantara.

Please, support it again. Thank you. Mua.

FRANCHESCA POV

“Oh, nasaan ‘yong contact lens na binili natin kahapon?”

“Nawala ko.” pagsisinungaling ko kay Mich.

Dahil ang totoo, ayoko lang isuot ‘yon. Di ako sanay. Mas komportable ako sa eye glasses ko.

“Nawala?!” di makapaniwalang tanong niya tapos umikot pa pataas mga mata niya, na para bang sinasabi niyang gumagawa na naman ako ng kuwento.

Huminga ako ng malalim. “Ayoko nga kasing isuot ‘yon. Di ako sanay.”

“Naku naman Che! Gustong gusto mo yatang inaasar ka ni Elvis eh. For sure, mamaya kapag nakita ka niya, tatawagin ka na naman niyang....”

“NERD.....” dugtong ko na. Alam ko naman na ‘yon ang sasabihin niya.

“Oh alam mo naman pala. Grade 12 na tayo, dalaga kana. Pumapayag ka pa ring binubully ka ng mayabang na ‘yon?” maanghang na tanong niya sabay  sarado ng hawak niyang libro.

Sanay na ako na ganyan ang tabas ng dila niya pagdating kay Elvis. Parehas kaming malayo ang loob sa impaktong ‘yon. Umpisa pa lang, sinusumpa ko na ang lalaking ‘yon. At mas lalong tumitindi ‘yon araw araw.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kami ng tadhana. E kasi naman, kung saan ako nag-aaral, nandon din si Elvis. Akalain niyo, mula kinder hanggang mag-Grade 12 kami. Kaklase ko siya lagi.

Pakiramdam ko sinumpa ako para makita araw araw ang mukha ng mapang asar, mapangutya at sobrang hangin na lalaking ‘yon.

“Ako ang naiirita sa g*gong ‘yon eh. Di ko nga alam kung bakit pumapayag kang ginaganon ng lalaking ‘yon.” angal niya.

Diko siya pinansin. Nagconcentrate lang ako sa nirereview kong libro kahit sobrang ingay ng paligid, dumagdag pa si Mich na bestfriend ko.

Nandito kasi kami sa gym, dito sa pinakamataas na parte ng bleachers. Punuan na kasi sa Library kanina. Wala ng bakanteng lamesa kaya dito na lang kami dumiretso.

“Basta kapag nagcollege tayo, sa iisang school tayo mag-aaral at sisiguraduhin kong hindi na natin makikita ‘yang Elvis Impakto na ‘yan. Saksakan ng kayabangan. Akala mo naman perfect. I mean, gwapo siya, habulin pero ‘yong ugali niya. Mygosh!!!! Sobrang lala.”

Napa-buntong hininga na lang ako. Sa totoo lang, pasok sa isang tenga labas sa kabila na lang ang mga sinasabi niya sa akin. Sanay na sanay na ako.

Lagi na lang ‘yan ang sinasabi niya kapag magkasama kami. Keso kailangan daw, labanan ko na si Elvis. Dapat sagutin ko na daw siya para tumigil na siya sa pambubully sa akin.

“Kapag inasar ka niya ngayon, ihampas mo na ‘yang file case mo sa makapal niyang pagmumukha!” sabi niya habang pinapasok ang mga libro nya sa bag.

“Diko naman ‘yon kaya.” sagot ko. “Hindi naman ako kasing tapang mo.”

“Nako, ewan ko ba sayo Che. Magcocollege na tayo. Ganyan pa rin ‘yang bwesit na ‘yan sayo.” ginulo gulo pa nito ang buhok na para bang nauubusan na ng pasensiya.

Pano naman kasi, naging close kami ni Mich dahil siya ang tumulong sa akin noong binubully ako ni Elvis.

Naalala ko pa ‘yon, Grade 2 kami. Nasa classroom ako, kumakain ng baon ko. Lumapit sakin si Elvis, kinukuha  pagkain ko, ayaw kong ibigay. Umiiyak na ako noon habang nag-aagawan kami sa lunch box ko.

The BULLY and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon