Chapter 5

3.8K 179 133
                                    

FRANCHESCA POV

“Tara.” Masungit na alok niya. Nakaiwas mga mata sa akin. “Sakay na bago magbago isip ko.”

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin lang ako sa likuan kung saan papasok mga sasakyan.

Saan na ba kasi ‘yang mga taxing ‘yan? Bat bigla bigla silang nawawala kapag kailangan ko sila?

Tsk! Kainis. Dapat kasi dala ko cellphone ko para magpasundo na lang ako kay Papa. Nakakainis!

“Ts! Bahala ka! Wala ng taxi dumadaan dito mga ganitong oras!”

Napansin kong sinenyasan niya si Ate Ruth na bumalik na sa loob ng bahay nila. Pagkaalis ni Ate Ruth, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin ni Elvis.

Ako, nakatingin lang sa daan. Siya, ewan ko. Ayoko siyang tingnan. Bahala siya diyan!

“Tara na please!" naiirita niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Nakahilig na siya ngayon sa upuan niya at nakahawak isang kamay niya sa manibela. Diretso tingin niya sa daan, mukhang ayaw akong tingnan. Palibhasa, masakit ako sa mga mata niya kasi pangit daw ako.

“Inaantok na ako Che.” Halatang ubos na pasensiya niya sa hindi ko pagpansin sa kanya.

“Bat dika bumalik sa bahay niyo? Sinabi ko bang ihatid mo ako?!”

Akala ko ba, hindi mo na siya kakausapin at papansinin. Naku naman Franchesca!

Pumikit siya at huminga ng malalim. Mukhang inis na din sa akin. Mainis lang siya! Mas gusto ko pa ‘yon.

“Pumasok ka na lang dito, pwede?!”

Diko siya tiningnan. Napatingin lang ako sa taxi na parating. Yes!

“May laman.”

Narinig kong sinabi ni Elvis pero diko siya pinansin. Tinanaw ko lang parating na taxi.

Nanlumo ako. Tama si Elvis, may laman nga. Naiiyak ako sa inis.

Inayos ko bag ko at inumpisahan paglalakad ko. Baka may masakyan ako doon sa dulo.

“Che!” madiin na sabi ni Elvis.

Sinusundan lang ako ng kotse niya.
Hindi ako sasakay diyan! Nangako na ako sa sarili ko. Hindi ko na kailanman kakausapin si Elvis. Hindi ko na siya kailanman papansinin.

“Gusto mo talaga mapahamak no? Sakay na kasi!”

Naglakad lang ako. Binilisan ko pa nga kahit alam kong aabutan niya din lang ako. Nakakotse siya eh.

“Ang tigas talaga ng ulo mo!”

Napansin kong tumigil sasakyan niya. Siguro, nagsawa na din siya kapipilit sa akin. Babalik na siguro sa loob ng bahay nila.

Dumiretso ako ng lakad. Sinipa ko bato na sagabal sa daraanan ko. Kainis! Nakakainis!

“Che! Saglit nga!”

Napatingin ako kay Elvis. Lumabas siya sa kotse niya. Ang yabang ng dating niya. Kaasar! Ang angas!

“Mas gugustuhin ko na lang ma-rape kesa sumakay sa kotse mo!”

Nanliit ang mga mata niya at nag igting ang kanyang panga.

“ANO?!” di makapaniwalang tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin.

“ANG BAHO NG KOTSE MO! HINDI AKO SASAKAY DIYAN!” Namuo ang luha ko.

Naiiyak na talaga ako sa inis. Sobra. Hindi ko na makontrol nararamdaman ko. Suminghap ako at naglakad na naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BULLY and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon